ELLAINA Isang linggo ang lumipas. Naging sobrang abala si Jarred sa Ridding club at ako naman ay nanatili sa Villa dahil tag-ulan na. Madulas ang daan kaya pinili ko na lang munang mag-stay sa bahay. Minsan ay dinadalaw ako nina Imarie at Trixie o ni Raiko. Hindi na rin ako masyadong sensitive sa amoy pero medyo alibadbad pa rin ako. "Ellaina, alam mo bang ang daming magagandang babae ngayon sa Ridding club? Nag-a-apply yata na maging calendar model doon." Natigilan ako sa ibinalita ni Trixie. Dinalaw niya ako kasama si Seb. Nagpantig ang tenga ko sa salitang maganda. Ewan ko ba pero ang bilis kong mag-selos ngayon lalo na at malaki na ang tiyan ko. Ayokong may aali-aligid na babae kay Jarred. "Model? Meaning magaganda at sexy?" paniniyak ko pa. Kumunot tuloy ang noo sa akin ni Seba

