CHAPTER - 1

1423 Words
ELLAINA Naaalibadbaran ako sa kapatid na si Azzerdon habang kasabay naming kumakain ng hapunan sa Villa. Nakangisi ito habang ngumunguya. Tahimik lang si Jarred at ako naman ay matalim ang mga sulyap sa lalaki. "Sinabi ko na sa'yo Azzer na ayoko ng amoy mo, gusto mo bang pumangit ang baby ko?" mataray kong tanong sa kapatid. Matapos kong malaman na buntis ako ay ikina-irita ko na ang amoy ng ibang tao at si Jarred lang ang gusto kong makatabi at malanghap. Maarte man pero iyon ang nararamdaman ko eh. Kaya lang, sutil ang kapatid kong magaling. Lagi sa bahay namin at tumatambay pa roon. "Ellaina, wala akong ginagawa, ha! malungkot kaya sa bahay ko. Alam mo namang 'di pa bumabalik si Danica, 'pag bumalik na siya ay hindi mo na ako makikita rito," sagot niya. Sumimangot pa rin ako. Kahit anong dahilan niya ay ayoko pa rin siya roon. "Jarred, huwag mo nang patulugin dito ang lalaking iyan, sumasama ang pakiramdam ko sa amoy," reklamo ko sa asawa. Ngumisi naman ito, "Ellaina, let him stay. Kawawa naman. Maawa ka sa mga batang hamog." Napahagikgik ako sa sinabi ni Jarred. Nagdyo-joke ba ito? bakit seryoso ang mukha? mas natatawa ako sa reaksyon ni Azzer na nang tingnan ko ay nakasimangot sa kanya. "Jarred, ang sakit mo pa ring magbiro, ha. Kinukunsinti mo pa ang malditang iyan. Kapag nagmana diyan ang anak n'yo—ewan ko na lang kung hindi pumuti ang buhok mo sa kunsumisyon," iiling-iling pa na ani ni Azzer. Nainis ako at lihim itong sinipa ng paa sa ilalim ng mesa. I smirked nang makitang nasaktan ang kapatid. Tumigil lang ako nang pigilan ni Jarred ang hita ko sa kalilikot. "Ellaina, kapag napuruhan na naman iyang paa mo'y ako na ang puputol diyan," banta ng asawa. Napalabi ako at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain. "Wala ka pala kay bayaw, eh," pang-aasar pa ni Azzerdon. "Epal!" Irap ko rito. Nang gabing iyon ay maaga kaming nahiga ni Jarred sa silid namin. Buti naman at nawala sa paligid ang kapatid. Nakaunan ako sa braso nito at nagpapa-antok habang nilalaro ang balahibo ng kanyang dibdib. Naka-brief lang kasi kung matulog ang asawa. Magdadalawang buwan na ang tiyan ko at pasalamat na lang ako dahil malusog iyon at hindi ako masyadong nahihirapan sa paglilihi, maliban na lang sa laging gutom at madalas na antukin. Ang morning sickness ko ay nagsisimula na rin pero ayos lang. Keri ko naman dahil nasa tabi ko si Jarred. "Jarred, 'punta pala ako kina Mommy sa Sabado," ungot ko sa lalaki. Nakapikit siya pero alam kong gising pa ito dahil nararamdaman ko ang palad niyang humahaplos sa isa kong hita na nakadantay sa may bewang niya. "Ano'ng gagawin mo ro'n? alam mong buntis ka Ellaina," tugon niya na ikinasimangot ko. "Miss ko na si Mommy, saka sabi niya miss na rin daw ako ni Tatay Agustin." Bumuntong hininga ang asawa, "titingnan ko kung wala akong gawa, sasamahan na lang kita." "Eh, paano kung may gawa ka?" " 'Di kapag wala na." "Kailan pa iyon? gusto ko nga sa Sabado na, 'di ba?" inis kong pakli. Naiinis na naman ako kapag hindi nasusunod ang gusto. "Ellaine, are you up to something, ha, Queen? aawayin mo na naman ako kapag hindi nasunod agad ang gusto mo?" dumilim ang mukha nito bigla pero hindi ako nasindak. Sa halip, bumangon ako sa kama at nakasimangot na tumayo sa tabi niyon. "Jarred, naiinis ako sa iyo. Kung may gawa ka sa Sabado ay pwede mo naman akong pasamahan sa iba," I said. Bumangon din siya at naupo sa kama. "Kanino naman, eh, lahat ng Black Knight kinababahuan mo?" Natigilan tuloy ako kasi totoo naman iyon. "May magagawa ba ako kung mababaho sila?" sabay irap habang nakahalukipkip ang mga kamay sa tapat ng dibdib. "Ellaina, ayan ka na naman sa tantrums mong iyan! kadali-dali nang sinabi ko. Kapag wala na akong masyadong gawa ay sasamahan kita roon!" napipikon nang anito. "Ang gusto ko sure na sa Sabado. Nami-miss ko na ang mommy ko, okay?" Tila napika si Jarred sa aking inasal. Pagalhang itong tumayo at huminga ng malalim sa harap ng bintana. Ewan ko ba pero ang bilis lalong uminit ng ulo ko at pati magdamdam ay ganoon din. "Kapag 'di mo ako pinayagan sa Sabado; sa sahig ako matutulog," banta ko saka kinuha ang comporter at inilatag iyon sa ibaba ng kama. Nagsalubong lalo ang kilay ng asawa ko nang malingunan niya ang aking ginawa. "Ellaina, being a brat doesn't make you look cute anymore. Nakakapika na!" singhal nito na ikinalaki ng mga mata ko sa kabiglaanan. Bigla akong umatungal ng sobrang lakas at dahil doon ay bumukas ang pintuan ng silid at bumungad ang hangos na si Azzer. "Bakit naiyak iyan?! Jarred, sinaktan mo na naman ang kapatid ko, 'no?" bintang agad nito sa aking asawa. Lalong nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Jarred at nakakatakot na ito ngayon. Pero dahil nakakita ako ng kakampi ay binalewala ko iyon. Kahit mabaho si Azzer ay yumakap ako sa kapatid at nagsumbong dito. "Azzerdon, ayaw niya akong papuntahin kina Mommy, huhuhu… pinagalitan pa niya ako." "What? Ellaina, pati ako, gagaguhin mo?" bulalas ni Jarred. "Hoy! Jarred, bakit inaaway mo siya? alam mong buntis ang kapatid ko, ah?" "Hoy din Azzerdon! lumabas-labas ka kung ayaw mong ikaw ang bugbugin ko," galit na wika ni Jarred na lalo kong ikina-iyak na pilit. "Azzer, huwag kang aalis. Narinig mo naman, 'di ba? bubugbugin daw niya ako," pigil ko sa braso ng lalaki. Nasusuka tuloy ako sa amoy nito. Ano bang amoy iyon? "Ellaina, bakit kasi inasawa mo iyan? alam mong nananakit yan—" Natigilan kami nang kumuha ng baril si Jarred at itinutok iyon sa kapatid ko. Takot na lumabas nang patakbo ang lalaki habang sumisigaw ng "joke lang!" Nang maiwan naman ako roon ay bigla akong tumigil sa paghikbi. One wrong move ay baka kami ang mabaril ng baby ko. Inilapag ni Jarred ang hawak na baril sa mesa saka lumapit sa akin. Marahan nitong pinahid ang luha sa mukha ko. "Huwag ka nang umiyak, Ellaina. Kahit ang arte mo ay mahal na mahal kita. Come here!" Patay malisya lang akong naupo sa hita nito at nagpayakap dito.Nakikini-kinita ko na ang La Vista sa Sabado. I smirked. KINABUKASAN ay dumating si Raiko sa Villa na may dalang mangga. Nasa labas ako noon at nilalantakan ang biscuit na pinapahiran ko ng condence milk. Feel kong kumain niyon dahil gusto ng baby sa tummy ko. "Ellaina, may good news ako sa'yo," nakangiting bungad niya. "Ano naman?" tanong ko habang ngumunguya. Sarap talaga! Isa pa itong si Raiko na mabaho sa pang-amoy ko pero mas nakakaya ko siya kesa sa amoy ni Azzer. Napapaglihian ko ba ang mga kaibigan ni Jarred? "Ako ang maghahatid sa iyo sa La Vista sa Sabado. Hapon pa raw kasi ang tapos ng gawa ni Master Jarred," aniya at naupo sa tabi ko. Malalaki ang manggang dala ng binata pero hindi ako mahilig magkain ng prutas. Mas trip ko ang mga bread and biscuit. Nangangabulok na nga ang mga binili ni Jarred noong nakaraang araw, eh. "Hoy, Raiko, kung ikaw ang maghahatid sa akin ay huwag kang magpapabango at nahihilo ako sa amoy n'yo," inis kong paalala sa kanya. "Ang bango naman ng gamit ko, ah? ano'ng problema mo sa amoy ko?" takang tanong ng lalaki. "Basta ayoko." Nagkibit balikat siya at pinanood na lang ang pagkain ko. Natakam yata si Raiko at nagtangkang kumuha ng biscuit sa lata pero tinapik ko ang kamay ng binata. "H-Ha? pahingi ng isa, titikman ko lang kung masarap iyan," aniya. "Bumili ka ng sa'yo," nakairap kong saad saka inilayo ang pagkain dito. "Ellaina, naman! titikman ko lang! yanong damot nito, aba!" "Tahol ka muna!" utos kong nakangisi. Natigilan naman ito at nakasimangot na nanahimik. "Tahol!" untag ko. "Ayoko nga, aso ba ako?" tanggi nito. "Tatahol ka ba o isusumbong kita kay Jarred na may gusto ka sa akin?" Nanlaki na ang mga mata ni Raiko sa aking sinabi. Natawa ako dahil binibiro ko lang naman siya pero paniwalang-paniwala ang lalaki. "Ellaina, wala naman akong gusto sa iyo, ah? bakit ang lupit mo sa'kin? kung mabaril ako ng asawa mo, anong gagawin mo?" "Eh 'di makikipaglibing!" sagot ko. Hindi uso sa akin ang drama niya. "Grabe ka!" "Kaya tumahol ka na!" ngisi ko pa. "Arf, arf!." Napatawa ako nang malakas sa hitsura ni Raiko. Ang gwapong lalaki ay nagmukhang cute na tuta. Bukas ay bibili ako ng costume niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD