CHAPTER - 2

2398 Words
ELLAINA Araw ng Sabado, pagpunta namin sa La Vista ay nakita kong hindi lang si Raiko ang maghahatid sa akin, katabi nito sa unahan ng sasakyan si Chad. Naitirik ko na lang ang mga mata. Okey na ang isa eh, may dumagdag pa. Pero pwede na rin. Marami akong utusan. Hahaha! “My Queen, mamaya kami susunod ng kuya mo ro'n. Baka naman kung ano'ng gawin mo, alalahanin mong buntis ka,” paalala ni Jarred habang isinasakay ang gamit ko sa likod ng kotse. Tumango lang ako habang nakayakap sa bewang niya. Kumunot ang noo nito nang mapatingin sa aking suot, “w-why?” tanong ko. “Bakit ganyan kaikli ang suot mo? para kang hindi buntis niyan, tapos ang taas pa ng takong ng sandals mo. Ellaina, sa La Vista ang punta ninyo hindi sa club!” nakasimangot na wika nito sa akin. “Mainit kasi, Jarred. Isa pa, favorite ko itong sandals na'to, hindi ako matatapilok dito." “Siguraduhin mo lang, Ellaina. Iyang tigas ng ulo mo...kapag may nangyari sa inyo ni baby—yari ka sa'kin.” iritadong banta pa ng aking asawa. Napasimangot ako, “Jarred, tiwala lang kasi. Ako ang nagdadala kaya huwag kang praning." “What?” “Oh, ang kilay, malapit nang mag-shake hands,” ngisi ko pa. Minsan masarap ding asarin si Jarred. Ang cute nito kapag namumula ang mukha dahil sa inis. Maya-maya ay sina Raiko at Chad naman ang binilinan ng asawa. Nasa loob na ng sasakyan ang dalawa at ang mga lint*k—naturingang mga lalaki ay may nakasalpak na lollipop sa bibig at tila sayang-saya sa loob. May music kase. Kotse pala iyon ni Chad. May bago na naman itong collection. Nainggit tuloy ako. Ako kase iyon pang bigay ni Travis at ilang paayos na agad iyon dahil sa pagbangga nito lagi. “Raiko, Chad, 'yung mga sinabi ko, ha!” paalala ni Jarred sa dalawa. “Opo, Master.” “Kami bahala, Boss.” Humalik siya sa labi ko bago sinenyasan si Chad na mag-drive na. Na excite ako nang makalabas ng M.U. ang sasakyan. “Grabeng magbilin si Master Jarred, eh, mamaya naman ay naroon na rin sila,” komento ni Raiko nang nakakalayo na kami. “Bakit hindi mo sinabi iyan kanina?” tanong ni Chad dito. “Sira-ulo ka ba? 'eh di nabaril ko no'n. Hindi ka talaga nag-iisip.” “Oo nga, 'no?” Napailing ako. Nag-usap ang isang isip-bata at isang mahina ang radar. Tskk, so boring. Hindi ko gustong kausap si Chad, kailangan ko pang ipa-intindi rito ang joke bago niya ma-gets. Si Raiko naman ay sawa na ako, lagi ko na itong napapaglaruan. Come to think of it, si Jarred at Seb na lang ang hindi ko napi-play. Sabagay, laging busy si Seb sa kompanya nila saka sa bait nito ay baka ako pa ang magpa-alila. Si Jarred naman ay ibang laro ang gusto. Napahagikgik ako sa naisip na kalandian. “Ellaina, baliw ka ba? natawa ka diyang mag-isa,” puna ni Raiko. “Tse! huwag n'yo nga akong kausapin. Hoy! Chad, buksan mo na ang bubong ng kotse mo nang mahanginan naman ako... ayoko ng amoy n'yo, eh,” untag ko pa sa isa. “Okay.” Ilang saglit pa ay nararamdaman ko na ang preskong hangin mula sa labas ng sasakyan. Napapatingin ako sa dalawang nasa unahan. May isang balot pala sila ng lollipop. Parang ang sarap. Well, hindi naman ako mahilig sa mga candy. Pero ang hitsura ng dalawa, parang nakakatakam kaya humingi ako. “Raiko, pahinge,” nakangiti kong sabi. “Ano ka ngayon, Ellaina? remember last time? 'di mo ako binigyan ng kinakain mo. Pina-tahol mo muna ako na parang aso,” aniya na ikinainis ko. Sumandal ako sa sasakyan at nakasimangot na nag-iwas ng tingin sa kanila. Sumasabay pa ang mga ito sa mahinang music ng kotse. Pero hindi ko talaga matiis kaya humingi ulit ako maya-maya. “Ano muna'ng sabi ng pusa?” nakangising tanong ni Raiko. “Meow, meow!” nakairap kong sagot. Tumawa nang malakas ang dalawa. Humanda sa akin ang mga ito pagdating ng La Vista. Mabuti na lang masarap ang lollipop. “Sarap pala nito," hindi ko napigilang saad. “Chad, ilakas mo nga ang sound," utos ko pa sa lalaki na sinunod naman agad nito. Ilang saglit pa ay naging masaya ang paglalakbay namin patungo sa La Vista habang tumutugtog ang kantang 'Betamax'. Tawang-tawa ako kina Raiko at Chad dahil sa pagkanta nila. Sayang, hindi ako makasabay dahil hindi ko kabisado ang lyrics. “Wala pa nung MYX, wala pa nung MTV, wala pa nung internet! wala pa nung ipod o mp3” kanta ni Raiko. “Wala!” second voice ni Chad. Nakakatawa ang kanta. Pero mas nakakatawa ang hitsura ng dalawang feeling Boyband. Napapalingon tuloy ang mga taong nadadaanan namin. Azzerdon Nilapitan ko si Jarred habang tsine-check nito ang kabayong nagkasakit kamakailan lang. Mukha naman kasi itong karag. nagmamadaling tapusin ang trabaho. 'Di sana iniwan na lang niya ako rito at sumama na kay maldita sa La Vista. Halu.. Kung kailan mag-asawa na saka pa laging nami-miss ang isat-isa. Ang aarte! Buti nga tinutulungan ko pa siya kahit papaano sa dami kong inaasikasong negosyo. “Bayaw, bakit 'di ka na lang kaya sumunod na sa La Vista? mukhang naroon din naman ang utak mo, eh,” sabi ko. “Hindi naman sa ganoon. Nag-aalala lang ako kay Ellaina. Alam mo naman ang trip no'n, baka kasi umandar na naman ang kamalditahan at makalimutang buntis siya,” anito. Kung bakit kasi napaka-sutil ng babaeng iyon. Sobrang clumsy pa. Ilang beses na itong muntik madupilas sa banyo, sa hagdan, kahit sa damuhan ay nadapa na ito. Mabuti na lang at hindi masama ang bagsak. Nag-aalala si Jarred dahil first baby nila iyon at sinabi sa amin ni Angelo na kaya niya hinihintay na manganak muna si Ellaina bago tanggalin ang device nito ay dahil malaki ang pwedeng epekto no'n sa katawan ng babae. May tendency na hindi na siya magkaanak o kung saan man bahagi magka-diperensya. Kaya parang ayaw na nga ni Jarred ipatanggal iyon pero mas malaki ang magiging problema kapag nanatili iyon sa katawan ng kapatid ko. “Huwag mong alalahanin si Ellaina, dalawa na nga ang kasama niya at si Tatay naroon pa. Hindi iyon uubra kay tatay, istrikto iyon, eh,” sabi ko na lang. Bumuntong hininga ito, “dalian na natin para makasunod na tayo. Iba ang pakiramdam ko, eh.” Ellaina Hindi namin akalain na aabutan kami ng malakas na ulan patungong La Vista. Samantalang ang ganda ng panahon sa M.U. nung umalis kami kanina. Kahit pinasemento na ni Azzer ang daan patungo sa bahay para sa sasakyan ay di pa rin iyon umabot kaya na estranded kami sa putikan. Panay ang mura ng dalawang lalaking kasama. Ikaw ba naman ang lumubog sa putik ang bagong-bagong kotse? “Sino'ng may balat sa p'wet?” tanong ko sa mga ito. “Wala ako.” “Wala lalo ako!” Natigilan ako. Ako nga pala ang may balat sa puwet sabi ni Jarred, hihihi!. May maliit daw ako niyon, hindi lang halata. Naku, ako pala ang malas. Tinatawagan ko si mommy pero cannot be reach na ito. Ang lakas na kasi ng ulan at hindi pa ganoon kalakas ang signal sa lugar. “Delikado tayo rito, baka mabagsakan tayo ng mga puno,” sabi ni Chad. “Oo nga, ang lakas pa naman ng hangin. Paano si Ellaina? hindi iyan pwedeng mabasa, baka lagnatin pa'y tayo ang malalagot,” ani Raiko. Nakinig lang ako sa usapan ng dalawa. Natutuwa ako sa pamomroblema nila. “Kalungin mo na lang, may payong naman dito,” mungkahi ni Chad na ikinatanggi ni Raiko. “Ikaw na lang at mas malaki ka. Mamaya'y madapa pa kami sa putikan.” “Hala, ikaw na, baka malaman pa ni Boss na binuhat ko iyan, eh.” “Di ako naman ang nalagot?” Napasimangot ako. Bakit ba sila takot na takot kay Jarred? hindi naman sila pinapatamaan ng bala ng asawa ko. Pinagpa-practisan lang naman sila, ah? sabagay, kahit ako natatakot din sa Hubby ko kapag galit. Dinadaan ko na lang talaga sa pagpapa-cute. Makalipas ng ilang sandali ay inantok na ako sa loob ng sasakyan. Mukha namang hindi titigil ang ulan. Inabot na kami roon ng tanghalian at nagugutom na ako. “Raiko, gutom na kami ng baby ko,” ungot ko sa lalaki habang himas ang tiyan. Siniko nito si Chad. “Chad, gutom na raw si Ellaina.” “Malakas pa ang ulan, Ellaina, malayo pa ang bahay n'yo. Ito oh, kumain ka muna ng lollipop. ubusin mo,” sabi sa'kin ng lalaki. Napilitan akong mag-candy na lang. Kaya lang gutom pa rin ako. Umungot ulit ako sa dalawa. “Naubos mo na agad?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Chad nang makitang puro stick na lang ang natira sa supot ng lollipop. “Oo, gutom pa ako, ano ba? gusto ko nang kumain, saka nilalamig na ako,” reklamo ko pa. “Raiko, buhatin mo na kasi si Ellaina para makapunta na tayo sa bahay nila.” “Hindi nga ako pwede. Mahina ako sa putikan na iyan. Baka madulas lang kami. Ikaw na lang!” muling tanggi ni Raiko. Nilalamig na talaga ako sa sasakyan. “Lalong hindi ako pwede. Lampa ako, remember?” dahilan naman ni Chad. “Bakit hindi muna pumunta ang isa sa inyo at tawagin si Tatay para siya ang bumuhat sa akin dito?” suhestiyon ko sa kanila. Napalingon ang dalawang binata sa akin. “Oo nga 'no? bakit hindi ko naisip iyon?” si Raiko. Oh, ako na ang pupunta. Dito ka muna at bantayan mo si Ellaina,” boluntaryo ni Chad. Eh di tapos ang usap! umalis si Chad pero pagbalik nito ay kapote lang ang dala dahil wala raw doon si Tatay. Nasa bayan pa raw ito at si Mommy pa lang ang nasa bahay. No choice na ang dalawa. Isinuot ko ang raincoat. Hanggang huling sandali ay nagtatalo pa rin ang dalawa kung sino ang bubuhat sa akin. "Jack en poy na lang kayo para mabilis. Kapag ako nalipasan ng gutom; yari kayo sa asawa ko,” banta ko na sa mga ito. Napilitan tuloy mag-totopik sina Chad at Raiko. Napahiyaw pa si Chad nang matalo ang isa. No choice si Raiko kaya lumabas na ito sa gitna ng malakas na ulan. Inayos ko ang takip ng ulo at nagpakarga sa lalaki. Grabe, ang lamig ng hangin at halos hindi makita ang daanan. Si Chad ay dinala naman ang bag ko saka payong pero walang silbi iyon dahil sa lakas ng ulan at hangin. “Ellaina, huwag ka namang kayakap sa batok ko, lalo akong malalagot niyan kay Master, eh,” sabi ni Raiko. Para na itong naligo sa ulan ng mga oras na iyon. “Saan pala ako kakapit?” tanong ko. Pa-bridal kasi ang kalong niya sa akin. Hindi naman pwedeng pababa sa likod at mapipisa ang baby ko. “Luwagan mo lang nang konte at nasasakal ako. Hindi ko na tuloy makita ang daan,” reklamo pa nito. Paano'y sa sobrang lakas ng ulan kaya pati mata nito'y nasisilam. Hinawi ko ang basa niyang mukha. Nagulat ang lalaki sa ginawa ko at para itong biglang natakot. “Raiko, huwag kang mag-alala, pet lang ang tingin ko sayo,” wika ko. Nang bigla ay tila may tumulak kay Raiko na muntik na niyang ikadapa. “Ano iyon? hoy! Chad, 'wag kang manulak! kapag nabitiwan ko si Ellaina; yari tayo kay Master!” malakas na saad ni Raiko sa likod. “Ano? Paano kita maiitulak eh, nasa unahan ako?” Nagkatinginan kami ni Raiko. Kinilabutan ako bigla. Ramdam ko kase na may tumulak talaga rito kanina. Itinikom ko na lang ang bibig at baka lalo itong madapa kapag tinakot ko. Napaglalaruan ba kami ng mga maligno sa La Vista? s**t! buntis pa naman ako. Matiwasay naman kaming nakarating sa bahay. Naligo agad ang dalawang kasama. Ikwinento ko naman kay Mommy ang nangyari kanina. “Anak, hindi ko sigurado ang mga maligno ha, pero ang sabi-sabi ng mga matatanda rito ay may mga lamang lupa raw talaga sa mga ganitong lugar,” paliwanag nito habang kumakain ako ng tanghalian. Umuna na ako kina Chad at Raiko dahil naliligo pa sa ulan ang mga ito. Tsk! Parang mga bata. “Mom, natatakot ako. Buntis ako at baka napaglaruan kami ng mga dwende,” kabado kong ani. “Huwag kang mag-alala, anak, maraming bawang dito. Mamaya igagawa kita.” “Ha? baka naman mamaho ako, Mommy,” nag-aalala kong reaksyon. “Okay lang 'yon, kesa mapahamak kayo ni baby.” sumang-ayon na lang ako sa ina. Pagkakain ay inantok ako kaya habang nagkakape sina Chad at Raiko sa ibaba ay nagpasya akong matulog muna sa itaas. Nag-aayos na ako ng higaan nang maramdamang may humila sa aking buhok. Paglingon ko ay wala namang tao kaya kinilabutan ako at takot na nagtatakbo pababa. “May humila ng buhok ko, Mommy,” naiiyak kong sumbong sa ina. “Ha? naku, sinasabi ko na nga ba. Mamaya pagdating ng tatay mo'y magpapatawag tayo ng albularyo.” Sa sobrang takot ay sa sala na lang ako natulog. Bandang alas tres ng hapon dumating si Tatay at tumawag agad ng albularyo. Wala naman daw akong galaw, pero may sinabi ito na nakapag-pataas ng balahibo namin. “May kasama kayong ligaw na espirito pagparito. Hindi ko naman makita na ikaw ang sadya niya kaya huwag kang mag-alala,” wika ng albularyo. Huwag mag-alala? matapos akong sabunutan? si Raiko ay nakita kong natigilan saglit. Pero hindi ko na masyadong pinansin ang reaksyon nito. Baka natakot, naisip ko. Duwag kasi ito sa mga ganoon. Ako ay hindi naman talaga matatakutin kaya lang, kung ganyang ako ang pinagpaparamdaman ay ibang usapan na iyon. “Oh, anak, isuot mo ito para pangtaboy sa mga ligaw na kaluluwa,” sabi sa akin ni mommy. Napangiwi ako sa bawang na ikwinintas niya sa akin. Hahatsingin ako sa amoy niyon. “Samantha, bakit naman itinodo mo ang bawang sa anak mo? wala na tayong gagamiting panggisa mamaya,” ani tatay. “Pumitas ka na lang ng ilan mamaya. Ano'ng gusto mo, aswangin ang anak mo?” Napailing ang ama. Nang tingnan ko si Chad at Raiko ay nakasiksik na ito sa tabi ng mommy ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD