ELLAINA Nagngangalit ang aking bagang habang lihim na nakatanaw sa mag-asawang Azzerdon at Danica. Alalay ng lalaki ang babae pagpasok sa bahay ng mga ito. Akala ko kanina ay tsansa ko nang makuha si Danica. Lingid kina Azzer at Jarred na naka-monitor sa akin ang buong paligid ng Mondejar Universty at gayon din ang mansyon ng kapatid. Nang mabatid kong paalis si Danica na mag-isa ay binalak ko itong kunin para gawing bitag. 'Yun nga lang—dumating ang asawa niya kaya wala akong nagawa kun'di umatras. Nakakagalit lang talaga. Saglit ko pang pinagmasdan ang masayang pareha bago ipinasyang umalis roon. Sakay ng aking motoksiklo ay bumalik ako ng M.U., doon ako nagdaan sa lihim na lagusan at itinago ang sasakyan sa dating kinalalagyan. Pagkaliban sa mataas na pader ay saka ko inalis ang itim

