ELLAINA Nagpupuyos ako sa galit nang hindi man lang ako palapiting mag-isa ni Samantha sa sanggol na si Jarella. Noong kalungin ko naman ito ay naka-abang ang babae at hindi umaalis sa tabi namin. Inis na inis ako na walang nagawa kun'di magmukmok sa silid namin ni Jarred. Paano ko ba mababawasan ang mga Evañez kung ito pa nga lang si Jarella ay hirap na akong makakilos? Iritado kong pinagsisipa ang mga unan sa kama sa silid namin. Tumatakbo ang oras at wala pang nangyayari ni isa sa mga utos ni Master. Ano na lang ang sasabihin ko rito kapag nagharap kami? Kagigil talaga!! Muntik na akong mahuli ni Jarred sa pagsisira ng unan nang bigla itong pumasok sa kwarto namin. Nagulat ako nang lapitan niya at mariing hawakan sa magkabilang braso. "Ellaina, saan ka galing kanina, ha? Alam kong

