ELLAINA Kakaiba ang araw na iyon. Tila may pina-plano sina Jarred. Ang sasarap ng mga pagkain at pinagpahinga pa niya akong maigi sa kwarto. Binantayan pa ng lalaki ang aking pagtulog at siniguro na makaka-idlip ako nang mahimbing. Nang sumapit ang tanghali ay iniwan niya akong saglit kasama sina Chad at Raiko sa rooftop kaya kinausap ko ang dalawa. "Raiko, Chad, parang ang weird ninyo ngayon?" Nasabi kong patanong sa mga ito. Naglalaro ng chest ang dalawa at ako naman ay kunwaring intresado na nanonood. "Bakit mo naman nasabi iyan?" tanong ni Raiko. "Ewan ko ba. Ang sama ng kutob ko. Baka kung ano na ang gawin nila sa akin, ha?" panghuhuli ko pa sa mga ito. "Naku, ano namang gagawin nila sa iyo? Ang paranoid mo naman," sabad ni Chad. "Malay ko? Kayo ang nakakaalam niyan!" "Kung a

