ELLAINA Inalalayan ko si Raiko hanggang Clinic para magamot ang ilang gasgas na natamo ng binata mula sa pagkahulog sa balon. Pagkarating doon ay agad akong naghanap ng first aid kit. Wala naman kasing tao. Kumuha ako ng bulak at alcohol saka ginamot ang lalaki. "Bagay na bagay talaga sa iyo ang maging Nurse, Ellaina," saad ni Raiko habang idinadampi ko ang bulak sa pisngi niya. "Ano'ng sinasabi mo diyan?" malamig ang boses kong tanong. "Hindi mo lang tanda pero Nursing student ka. Ahmm . . . Tumigil ka lang saglit dahil nagbuntis ka kay Jarella." Nahinto ako sa ginagawa nang marinig ang pangalan ng batang iyon. Biglang nanikip ang aking dibdib pero pinilit ko itong balewalain at ipinagpatuloy ang ginagawa. "H-hindi ko siya anak," pagtutuwid ko makaraan ng ilang saglit. "Anak niny

