ELLAINA Ang talim ng mga tingin sa akin ni Azzerdon habang magkakasabay kaming kumakain ng magkakaibigan sa resthouse. Kasama namin doon sina Raiko, Angelo, Chad, Seb, Trixie at syempre sina Jarred at Azzer na katabi ko sa upuan. Nagmukhang zombie land ang Mondejar University, wala kang makikitang tao sa labas maliban sa amin. Ang mga bantay ay hindi ko malaman kung saan mga nakatago kaya nagngingitngit nang lihim ang aking kalooban. Pakiramdam ko ay napagkakaisahan na ako. Hindi ko na rin ma-contact ang Master ko dahil wala sa akin ang Cp ko. Bantay-sarado ako sa Paaralan na iyon. Hindi ako makakilos sa takot na gumana ang eksperimento nila sa akin. Pasalamat na nga lang ako at hindi na nila ako pinipilit matulog. "Ipagpatuloy mo lang ang kabaitan mo, Ellaina, at hindi mo na kailangang

