ELLAINA Muntik na akong mapamura nang pagtalon ko sa terrace ng Villa ay siya namang paglabas doon mula sa loob ang inang si Samantha. Nagulat ito pagkita sa akin. "Ellaina? Ano'ng nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang hitsura mo?" sunod-sunod na tanong ng babae. Lihim tuloy akong nairita sabay tingin sa mga paang marumi. Napabuntong hininga ako ng mabatid na kay dami ring dahon na dumikit sa suot kong bestida. Hindi ko alam na mahuhuli ni Samantha sa ganoong hitsura. Agad akong nag-isip ng dahilan. "Sorry, Mommy. Nagpunta kasi ako sa lihim na hardin. Gusto ko kasing makatiyak na walang problema sa akin pati na sa mga kayamanan doon," sagot ko. "Pero bakit may pagtalon ka pa riyan ay may pinto naman? Tingnan mo nga iyang kuko mo't dumurugo?" Napatingin ako sa kuko ng aking mga paa. Tama si

