AZZERDON Nang malamang nasa Villa sina Nanay at Tatay ay nagtungo ako roon kasama ang aking mag-ina. Pagdating namin ay naroon na sina Raiko at Chad kausap ang mga magulang namin. Kalong ni Nanay Samantha si Jarella. Magkasunod namang bumaba ang mag-asawang Jarred at Ellaina sa hagdanan. "Ellaina, kanina pa kami rito pero ngayon ka lang bumaba. Para ka pa ring walang asawa't anak kung umasta, tsk!" kastigo ni Nanay sa kapatid ko. "N-napasarap ang tulog ko, eh," pabalang na sagot ni Maldita na hindi ko pinalampas. "'Oy, umayos ka nga ng pagsagot diyan. Ang sabihin mo'y feeling dalaga ka pa rin kung gumising. 'Di ka tumulad sa asawa ko na nakahanda na agad ang mesa pagbangon ko. Hmmp!" pasaring ko. Hindi kumibo si Ellaina, bagay na akin na namang ipinagtaka. Hindi ba dapat na aalma si

