GABRIEL/TRAVIS Habang pabalik sa San Isidro ang bangkang sinasakyan ay magulo ang aking isip. Hindi maalis sa utak ko ang mukha ng babaeng inihatid ko sa Isla Castillo. Hindi ko ito kilala pero pamilyar siya sa akin. Lalo na ang kanyang pangalan, Ellaina! Alam kong may kakaiba sa babaeng iyon. Hindi ko sigurado pero may kutob akong bahagi siya ng aking buhay. Pero paano ko naman iyon malalaman kung clueless pa rin ako sa tunay kong pagkatao? Kanina ay parang gusto ko itong tanungin pero natatakot ako. Ano'ng mayroon sa Ellaina na iyon at hindi ito mawala sa aking isipan? Pagkarating ko ng San Isidro ay sinalubong ako ni Serena sa pampang. Bakas ang pag-aalala sa maamo nitong mukha ngunit nang makita ang bagka ko ay nagliwanag ang ekspresyon nito saka masayang kumaway sa akin. "Gabrie

