JARRED Malaking ban ang sinakyan namin patungo ng San Isidro para sunduin si Ellaina. Ang balak ko sana ay kami lang ni Azzerdon ang tutungo roon ngunit nang malaman ng iba ang tungkol kay Travis ay mga nagsisama ang mga ito kaya napuno kami sa sasakyan. Ako, si Azzer, Angelo, Chad, Raiko, at Seb. Gusto pa ngang sumama nina Gil at Bobbie pero nagkaroon ng lakad ang mga ito kaya hindi natuloy. Nag-aalala ako para kay Ellaina. Hindi ko mabasa ang kilos ng asawa kaya natatakot ako. What if hindi siya sumama pabalik? Mapipilitan akong pwersahin siyang iuwi. I understand that she needs space pero sa sitwasyon niya ngayon ay kailangan niya ng karamay. Hindi si Travis ang makakatulong sa kanya kun'di ako! "Chad, wala na bang ibibilis ang pagmamaneho mo, ha?" inis kong untag sa lalaki na kata

