Mabilis akong lumabas sa kotse at tumingin sa bahay at nagmamadaling pumasok nang bahay ng patayin ko ang makina. Hindi ko kasi naabutan si Amazona sa nangyari kanina, hinihingal akong nanakbo patungo sa loob. Nakasalubong ko sila Nanay Helen at Sherlyn na ngayon ay busy sa pagbi-bake ng cake sa kusina. "Amazona, Amazona. Nandiyan ka ba?" napatingin na lamang ako sa hagdanan patungo sa kuwarto niya sa pag aalalang andoon siya. ‘’Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit hinahanap mo rito si Cassisy, hindi ba't magkasabayan kayong pumasok sa mga kanya-kanyang trabaho ninyo?’’ saad naman ni Manang Helen na ngayon ay busy sa kanyang ginagawang chocolate cake. "Ano po ang nangyayari?" napatingin naman ako kay Sherlyn na ngayon ay naka-pink dress ito. Bahagyang napatingin si Manang Helen sa laban ng b

