Jack Adii POV* Nandito kami ngayon sa sikat na H-Bar nila Syx at Theodor. No girls allowed. Nakapagpaalam naman nang maigi si Syx sa kanyang Asawa. Alam namin na ilang libong suyuan lambing pa ang ginawa niya kay Fulvia para mapapayag niya 'to, makasama lamang ito sa amin ni Theodor, na minsan na lamang din kami magkita-kita’y hindi pa siya pasasamahin. Pero ginagalang naman namin ang desisyon ni Fulvia dahil kung hindi namin ginalang ang desisyon ni Fulvia, pvta! May paglalagyan talaga kaming tatlo. Hindi naman kasi malayo ang ugali ni Fulvia kay Amazona, mas matindi nga lang nang kunti si Amazona dahilan para bang lalaki pa ito sa akin. Naalala ko ang ginawa kanina ni Amazona sa paglilinis niya sa kanyang mga baril ay talagang seryoso ito at bihasa siyang gumamit na kapag kunting gala

