"WENDY! Open this door!" Malakas na sigaw ni Sam sa labas ng kuwarto ng dalaga. Nakatulog ata ng mahimbing si Wendy at hindi namalayan ang oras na gabing gabi na at hindi pa kumakain. Mayamaya ay naririnig na ni Sam ang tunog na may bumukas ng pinto. Pupungas pungas pa si Wendy ng makita niya. Napatingin siya r'to na suot ang silk na pantulog nito. Dalagang dalaga na ang dating musmos 'nong dumating sa apartment niya. "Bakit po kayo sumisigaw, papa?" inosente niyang tanong. "Kanina pa ako kumakatok sa pinto. Tulog ka lang pala. Saka, anong oras na? Hindi ka pa kumakain kaya kinatok na kita." Nagulat si Wendy at bumalik muli sa kanyang kuwarto. Tinignan lang naman niya ang orasan. Alas diyes na pala ng gabi. Napasarap ang tulog niya, 'di niya namamalayan na lagpas hapunan na. "Sorry po

