SA trabaho ay lutang si Wendy. Ang isip niya ay na kay Uncle Sam. Magiging guardian niya ito. Ano ang magiging buhay niya kasama ito? Parang 'di pumasok sa isip niya na dadating ang araw na ito ang mag aalaga at magpapalaki sa kanya. "Wendy, paki-assist ang customer. Natulala ka na d'yan." Saway ng may ari sa kanya. "Ah, s-sige po," wala sa sariling sagot niya. Napatingin si Wendy sa gawi ng customer. Patingin tingin ang babae sa nakadisplay na mga ballpen. Agad niyang nilapitan ang babae. "Green ang hinahanap kong kulay. Kaya lang wala pala kayo, 'non," sambit ng babae nang makalapit siya. "Ho? Green?" Nakataas ang kilay na binalingan siya nito. "Bingi ka ba? Sabi ng kukay green ang kailangan ko. Bakit inuulit mo pa?" "Ay, sorry, po. Tatanungin ko po ang nasa counter," hingi niya

