ARAW ng libing ni Amor, 'di matapos tapos ang pagluha ni Wendy habang inihahatid sa huling hantungan ang ina. Nakaakbay si Star sa kaibigan na naghihinagpis sa pagkawala ng ina. Ang laki ng pagsisisi ni Wendy. Kung puwede lang na ibalik niya ang lahat, sana'y mas naipadama niya ang pagmamahal sa ina. Inihagis niya ang white rose sa ibabaw ng ataul ng ina. "Mama ko...." hagulhol ni Wendy na tinatawag ang ina. Isa isa ng umaalis ang mga nakikiramay. 'Di sinasadyang nahagip ng mata niya si Uncle Sam na hindi kalayuan sa kanila ni Star. "Tama na, Wendy. Magpakatatag ka, malalampasan mo rin ito." "Siguro nga makasarili ako. Iniisip ko lang ang sarili ko. Nawala tuloy si Mama. Kasalanan ko lahat ito. Ako ang dapat sisihin, Star." Napahikbi muli siya. Habang buhay niyang sisisihin ang saril

