NAGPASYA si Nikka na umuwi na lang muna at mag-stay sa bahay nila Elli dahil ilang linggo na rin siyang hindi nakakauwi roon. Pero hindi niya inaasahan na maririnig pa niyang boyfriend n ani Elli si Zayd. Oo nga at nagkalinawan na sila ni Ian tungkol doon pero talagang hindi pa rin niya maiwasang maramdaman na talunan na naman siya dahil sa hindi na naman niya nagawang talunin si Elli. “Teka nga, naguguluhan kasi ako, eh, pwede bang ipaliwanag niyo nang mabuti,” wika ng Mama ni Elli. “Sigurado ka ba talaga, Tita, na gusto mong marinig?” panunukso niya rito. “You don’t have to say anything to her, Nikka,” pigil naman sa kaniya ni Elli. “Kung mayroon mang dapat magsabi sa kaniya ng totoo sa tingin ko ako ‘yon.” “Go! Eh di sabihin mo sa kaniya kung paano mo nga nilandi si Zayd!” sigaw ni

