TAHIMIK na inaayos ni Zayd ang mga papel na nasa harapan ng lamesa niya. Dahil malapit na ang graduation ay napakarami niyang re-review-hin na mga dokumento. Totoong wala siyang pakialam sa kahit anong negosyo na Papa niya pero iba ang eskwelahan na ‘yon dahil hindi naman lingid sa kaniya na kasama ang Mama niya sa nagtayo ng University. Kaya kaysa kung alin pa mang negosyo ng erpat niya ang binigay nito sa kaniya ay mas gusto niya pa rin ang University. Dahil malapit na rin naman siyang maka-graduate ay isa na siya sa umaasikaso ng lahat. That University was a corporation, he was just the acting Chairman of the board. And he was okay with that. Natigilan siya sa ginagawa niya nang may ilang katok sa pintuan siyang narinig. “Come in,” he said. Umayos siya nang upo. “Oy, Zayd!” bati sa k

