Chapter 33

2135 Words

“MAGANDANG gabi po,” magalang na bati ni Zayd sa mga magulang ni Elli. Hindi nga inaasahan ni Elli na mapapaaga ang punta nito. “Sige, hijo, maupo ka muna roon at hindi pa rin ako tapos magluto ang sabi kasi ni Elly ay mga ala siete ka pa rin darating,” wika ng Mama niya kaya inaya na niya si Zayd na maupo muna sa living room nila. “Maaga ko po kasing natapos ‘yong trabaho ko kaya maaga rin po akong nagpunta rito,” tugon naman ni Zayd. “Maupo ka na,” sabi naman niya rito, tumango naman ito sa kaniya saka naupo. Pagkaupo nito ay tumabi na rin siya rito. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay pagkakaroon siya ng instant boyfriend, oo parang instant noodles lang. Gano’n kabilis para sa kaniya. Nang bumalik ang Mama niya sa kusina ay walang sino man sa kanila ang nagsasalita, napansin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD