NAPASANDAL na lang si Zayd dahil sa sakit nang ulo niya sa dami ng papeles na nasa harapan niya. Hindi kasi niya inaasahan na ganito pala karami ang kailangan na ayusin sa University na iyon. Tatayo na sana siya para kumain ng lunch nang tumunog ang phone niya, that was his father kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sagutin iyon. “Zayd, dalhin mo ang permits ngayon sa site sa Rodriguez, Rizal,” utos nito sa kaniya mula sa kabilang linya. “What? How many times do I have to explain to you that aside from this university, I don’t give a fúck to your other businesses?” “Hindi ko hinihingi ang permiso mo, Zayden, inuutusan kita, dalhin mo na ngayon dahil hindi pwede si Mier kaya wala akong ibang mapagkakatiwalaan. Kailangang-kailangan ni Engr. Mallari ‘yong permits at blueprint dahil may

