WALANG nagawa si Elli nang kailangang pumunta ni Zayd sa bahay nila. Pagdating doon ay nagulat ang Mama at Papa niya, at kasalukuyan silang nasa sala ngayon para makausap ang mga ito ni Zayd. Mahabang katahimikan ang namagitan sa lahat, nakikiramdam lang ang Mama at Papa niya. Magkatabi silang nakaupo ni Zayd at magkatabi naman sa harapan ang mga magulang niya. Naglilipat-lipat lang ang tingin nito sa kanilang dalawa. Dahil ‘yon ang unang pagkakataon na may pumuntang lalaki sa bahay nila ay kinakabahan pa rin siya at hindi niya alam kung anong sasabihin ng mga ito. Hindi niya alam kung okay lang ba o ang ending tumutol ang mga ito sa kunwaring relasyon nila ni Zayd. “Ma’am, Sir…” simula na ni Zayd dahil parang walang magsalita ang Mama at Papa niya kung hindi ito magsasalita. “Nandito p

