“OH, SAAN ka pupunta?” nagtatakang tanong ng Mama ni Elli nang humalik siya sa pisngi nito para magpaalam. Nakasuot lang siya ulit ng damit na nakasanayan niyang suotin. “Ah, may susundo kasi sa ‘kin, Ma, may pupuntahan lang,” tugon niya at wala naman siyang ibang magawa kundi ang magpaalam dito dahil baka hanapin siya. “May date ka?” nakangiting tanong nito. “Po? Wala po, Ma,” mabilis namang tanggi niya. “Ay sus! First time in history na ngayon ka lang aalis nang ganitong oras.” Pagtapos ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Makikipag-date ka nang ganiyan ang itsura mo?” hindi makapaniwalang tanong nito saka ito tumayo mula kinauupuan saka siya mabilis na hinila papasok ng silid niya. May kung ano itong hinahanap sa loob ng cabinet niya. “Ma, nagmamadali na kasi ako,” naiili

