“ANO BA kasing problema?” naiinis nang sigaw ni Elli kay Zayd at naguguluhan siya sa itsura nito dahil hindi niya malaman kung ano ba talaga ang gusto nitong sabihin sa kaniya. “Bakit ba ganiyan ang suot mo?” tanong nito kaya naman napatingin din siya sa suot niyang damit. “Bakit? Ano bang problema sa suot ko? Bawal na ba mag-suot nang ganitong damit ngayon kapag lalabas ng bahay?” sarkastikong tanong niya. She was currently wearing a loose maong pants, over-sized t-shirt and a converse. Oo na, mukha ba siyang hip hop? Eh, doon kasi siya komportable, eh, anong gagawin niya saka karamihan ng mga damit niya puro gano’n dahil hindi naman siya mahilig lumabas at kapag lalabas siya gusto niya komportable siya sa suot niya. “Hindi bawal! Pero gusto mo bang lait-laitin ka na lang ng mga taong

