NAPABALIKWAS nang bangon si Elli nang marinig ang sunud-sunod na pagtunog ng cellphone niya. Pinilit naman niyang inabot ‘yon na nakapatong sa ibabaw ng bedside table niya para sagutin iyon. Nakapikit pa siya nang ilapit niya sa tenga niya iyon dahil ang aga-aga naman kasi ng tawag na ‘yon at dahil weekend, ngayon lang sana siya makakapagpahinga ng maayos at mahaba-haba pero hindi nangyari dahil sa timawang istorbo na ‘yon. “Hello?” tinatamad at nakapikit pa rin na sagot niya sa tawag. Ni hindi na nga niya tingnan kung sino ‘yon, eh. “Kanina pa kita tinatawagan! Ang lupet mo naman matulog,” angal naman ng nasa kabilang linya. “Hindi ko naman kasi alam na tulog mantika ka pala, eh di sana kagabi pa kita tinawagan.” “Bakit ba kasi? Ang aga-aga naman ng problema mo, Zayd?” angal din naman

