“SO ANO ba talagang plano mo, dude?” tanong ni Rye kay Zayd pagpasok pa lang nila ng Z-Quarters. Doon sila madalas na tumambay kapag tapos na ang mga klase nila. Nalaman na kasi ng mga ito ang ginawa nila Aizelle kay Elli at nakuha na rin niya ang mga CCTV copy sa nangyari. “Balak kong ibigay sa Admin lahat ng ebidensya na nakuha ko at sila na ang bahalang gumawa ng aksyon,” mabilis namang sagot ng binata habang paupo sa paborito niyang upuan doon sa lobby ng Quarters niya. “Pero paano kung lalo lang madiin si Aizelle at tuluyan na silang ma-kick out dito sa school? Kaya mo bang harapin ang erpat mo?” “Wala na akong magagawa ro’n, saka kahit saan tingnan ‘yon talaga ang dapat na gawin ng Admin, regardless of the status of the student, masisira ang credibility ng school kung hahayaan na

