“HINDI ka ba sasabay umuwi, Elli?” tanong ni Asher sa kaniya. Alas sais na kasi ng hapon at tapos na ang klase nila.
“Hindi, mauna ka na muna, hindi pa rin naman nagte-text si Manong Ising, may mga tatapusin lang ako,” tugon naman niya sa kaibigan.
“Sige, mauna na ‘ko sa ‘yo. May family gathering kasi kami ngayon kaya hindi kita masasamahan ng matagal,” paliwanag naman nito sa kaniya.
“Ano ka ba, okay lang saka may sundo naman ako,” natatawang sabi naman niya.
“Sige, bye!”
“Bye!” paalam na rin niya pagkatapos ay tinalikuran na siya nito.
Tinapos na muna niya ‘yong design na ipapasa niya para sa contest na nakita niyang naka-post sa bulletin. Hindi naman ‘yong prizes ang habol niya ro’n, ang habol niya ay ma-discover ‘yong design niya at makapasok siya sa Everest Architect Co. until next day na lang kasi ang due date ng pagpasa ng entry.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal doon nang maka-received na niya ang text ni Manong Ising na nasa labas na ito at hinihintay siya.
Niligpit lang niya ang mga gamit niya at saka siya lumabas ng room nila. Palabas na siya ng building ng department nila nang salubungin siya ng grupo nila Aizelle.
Hindi niya alam pero bahagya siyang nakaramdam ng takot nang makita ang mga ito. Pero huminga lang siya ng malalim at sinubukang lagpasan ang grupong nasa harapan niya.
“Oops, where do you think you’re going?” pigil ni Aizelle sa balikat niya kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang tumingin dito. “We have sort of questions for you? Or mas magandang sabihin, may pakiusap kami sa ‘yo.”
“Ano bang kailangan niyo sa ‘kin?” lakas loob nang tanong niya sa mga ito.
“Wala naman. Hindi lang ako papayag na basta-basta na lang matalo sa isang babaeng gaya mo. Pero dahil may kailangan ako sa ‘yo, ako na mismo ang nagpunta rito, ‘di ba? You should feel grateful,” sarkastikong tugon naman ni Aizelle kasunod no’n ay pinaligiran na siya ng mga kasama nito pero ang mas ikinakunot ng noo niya ay nakita niyang kasama si Nikka sa mga nakapalibot sa kaniya.
Nagtataka siyang tumingin dito pero tinaasan lang siya nito ng kilay. At bago pa man niya ito matanong ay may isang babae nang humablot ng buhok niya. Napangiwi siya sa sakit ng sabunot na ‘yon.
“Easy, ladies, hindi ko pa siya nakakausap,” awat naman ni Aizelle sa kaibigan kaya binitiwan nito ang buhok niya. “So, siguro naman alam mo na kung anong mangyayari sa ‘yo kung hindi mo gagawin kung anong gusto ko?” taas-kilay na tanong nito sa kaniya.
“Ano ba talagang gusto mong mangyari?” hindi maalis ang inis sa boses niya dahil hindi niya alam kung ano bang nagawa niya para pag-initan siya ng grupo nito. Kung tutuusin nga ang mga ito pa ang may kasalanan sa kaniya.
“Simple lang naman ang gusto ko,” simula nito pagtapos ay humakbang ulit palapit sa kaniya dahil napalayo siya rito nang may humila ng buhok niya. “Gusto kong sabihin mo kay Zayd na pinapatawad mo na ako at ayaw mong ma-kick out ako sa school na ‘to dahil lang sa issue mo. Ayaw mo ng gulo kaya huwag na lang niya ituloy ‘yong sanction sa amin, madali lang naman ‘di ba?” Hindi iyon pakiusap kundi more on pag-uutos.
Hindi niya rin maintindihan kung bakit sa kaniya nito pinapagawa ‘yon samantalang wala naman siyang kinalaman sa desisyon ni Zayd.
“Ano? Sumagot ka!” sigaw nito sa kaniya.
“Hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari pero sa tingin ko hindi ako ang dapat na kausapin mo kung may problema man kayo ni Zayd.”
“Hindi mo ba talaga nage-gets?” naiinis na tanong nito. “Ikaw ang dahilan kung bakit gusto akong ipa-kick-out ni Zayd dito sa school kaya alam kong ikaw lang din ang makakapagpabago ng isip niya!”
“Hindi naman ako ang dahilan no’n kundi ikaw,” hindi makatiis na sabi rin niya. “Saka wala akong kinalaman sa pagpapa-kick out sa ‘yo. Ang alam ko maraming nagpunta sa Admin office para ireklamo ka pero hindi ako kasama sa mga nag-reklamo na ‘yon kaya bakit ba ako ang pinag-iinitan ninyo?”
“Aba! Talaga palang matapang ‘to, eh!” naiiling na wika ni Aizelle sa kaniya kasabay no’n ay hinila na nito ang buhok niya. May isa namang sumipa ng tuhod niya kaya napaupo siya sa sakit. “Kung hindi mo gagawin ang sinabi ko siguradong makakalbo ka! Ano sumagot ka!” sigaw nito at parang matatanggap na ang buhok niya sa sobrang sakit.
Sa dami ng mga babaeng nakapalibot sa kaniya hindi niya alam kung paano siya lalaban.
“ANONG GINAGAWA NIYO!!” ang malakas na tinig na ‘yon ang nagpatigil sa mga ito.
“Tigilan niyo ‘yan! Tigilan niyo ‘yan!” pagtapos ay ang malakas na awat na ‘yon ni Nikka ang narinig niya.
“What?!” Galit na sigaw ni Aizelle saka siya nito binitiwan.
Pag-angat niya ng tingin ay nasa harapan na siya ni Nikka at umaakto itong ipinagtatanggol siya. Napakunot ang noo niya pero alam niya sa sarili na isa ito sa mga sumasabunot sa kaniya kanina.
“Ano namang ginawa niyo, Aizelle?” Ang galit na galit na tinig na ‘yon ni Zayd ang narinig niya.
“Sinusubukan nilang pilitin si Elli na sabihin sa ‘yo na huwag na sila ipa-kick out sa school na ‘to!” pasigaw namang sagot ni Nikka. “At dahil ayaw pumayag ni Elli kaya pinagtulungan nila, I was here para awatin lang sila,” sabi pa ni Nikka na hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin samantalang kanina ay parang hindi niya ito kilala.
“What! Traydor ka!” Galit na galit sigaw ni Aizelle sa pinsan niya.
Hindi na siya makagalaw dahil sa sakit at galos na nasa katawan niya. Napatingala siya nang hawiin ni Zayd si Nikka kaya naman nagtama ang mga mata nila. At nakita niya ang awa sa mga mata nito ng oras na ‘yon pero pinilit niyang ngumiti rito.
Naiiling na lang na naupo ito sa harapan niya at walang sabi-sabi na binuhat siya.
“At saan mo siya balak dalhin, ha, Zayden!?” Galit na sigaw ni Aizelle.
“Aizelle, hintayin mo na lang na ipatawag ka ng Admin bukas,” matabang na sabi ni Zayd habang buhat-buhat siya at naglakad palayo sa lugar na ‘yon.
Wala siyang mahagilap na sabihin dito pero nararamdaman niyang safe na siya sa tabi nito. Hindi niya maiwasang titigan ang seryoso at galit na mukha nito. Wala rin itong kahit anong sinabi sa kanya pero alam niyang nag-aalala ito sa kaniya.
Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. Pero nakita niyang tinatahak nito ang daan papunta sa building nito. Pagdating nila roon ay ibinaba siya nito sa couch na nasa lobby, at tumalikod sa kaniya. Wala pa rin itong kahit anong sinasabi sa kaniya kaya sinusundan lang niya ito ng tingin.
Pagbalik nito at may dala na itong first aid kit. Naupo ito sa harapan niya at ginamot ang mga galos at kalmot sa braso niya.
“Argh!” angal niya nang suklayin ng kamay nito ang buhok niya. Nagsalubong naman ang kilay nito kaya tumayo ito at tiningnan ang ulo niya.
“Tsk!” palatak nito at tingin niya may sugat din siya roon dahil dinampian din nito iyon ng gamot.
“Salamat, Zayd,” hindi mapigil na sabi niya sa binata.
“Hindi mo kailangang magpasalamat dahil ako ang dahilan kung bakit nangyari sa ‘yo ‘yan,” naiiling na wika naman nito.
“Salamat pa rin kasi dumating ka dahil kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa ‘kin doon,” pilit naman niya.
Muli itong naupo at seryosong tumingin sa kaniya. Hindi niya alam pero biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang muling magtama ang mata nila. Hindi rin niya alam kung anong sasabihin niya rito dahil para siyang matutunaw sa mga tingin nito sa kaniya.
Halos sabay silang napapitlag ng biglang tumunog ang cellphone niya, nang tingnan niya iyon ay si Manong Ising iyon.
“Ay, Zayd! Nandiyan na nga pala ‘yong sundo ko,” sabi niya at bigla siyang napatayo sa kinauupuan.
“Tara na, at ihahatid na kita sa parking lot baka mamaya nakaabang pa sila sa ‘yo,” wika naman nito sabay kuha ng mga gamit na dala niya at mabilis na lumakad palabas ng building na ‘yon. Wala naman siyang ibang nagawa kundi ang sumunod na lang dito.
“ANONG GINAGAWA NIYO!!” Nang dahil sa malakas na sigaw ni Zayd na ‘yon ay mabilis na lumapit si Nikka kay Elli.
“Tigilan niyo ‘yan! Tigilan niyo ‘yan!” malakas na sigaw niya. Nagtatakang tumingin sa kaniya ang mga kaibigan lalong-lalo na si Aizelle, pero wala siyang magagawa kundi ang bumaliktad para hindi siya madamay sa kung anong mang gagawin ni Zayd sa mga kaibigan niya dahil sigurado siyang hindi nito palalampasin iyon.
“What?!” Galit na sigaw ni Aizelle at parang gusto siyang sigurin nito.
“Ano namang ginawa niyo, Aizelle?” Ang galit na galit na tanong ni Zayd saka ito humakbang palapit sa kanila.
“Sinusubukan nilang pilitin si Elli na sabihin sa ‘yo na huwag na sila ipa-kick out sa school na ‘to!” tugon naman niya sa tanong nito. “At dahil ayaw pumayag ni Elli kaya pinagtulungan nila, I was here para awatin lang sila.”
“What! Traydor ka!” Galit na galit sigaw ni Aizelle sa kaniya.
Hinawi siya ni Zayd para makita si Elli na nasa likuran niya. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ni Zayd nang makita si Elli, naupo ito sa harapan ng pinsan niya saka marahang binuhat. Aaminin niyang selos na selos siya pero wala siyang magagawa dahil ang kailangan niyang lusutan ngayon ay ang mga kaibigan niyang gusto siyang lamunin ng buhay.
“At saan mo siya balak dalhin, ha, Zayden!?” Galit na sigaw ni Aizelle.
“Aizelle, hintayin mo na lang na ipatawag ka ng Admin bukas,” matabang na sabi ni Zayd habang naglalakad papalayo roon.
Mabilis naman siyang tumakbo kasunod ng mga ito. Mahirap nang maiwan doon baka sa kaniya pa mabaling ang galit ng mga ito.
Tahimik lang siyang nakasunod sa dalawa, gusto niyang sumingit pero hindi niya alam kung paano dahil galit na galit ang mukha ni Zayd.
“Ah, s**t!” Gulat na gulat na mura niya dahil may biglang humila sa kaniya. “Ian!” sigaw niya sa pangalan nito nang makilala ang binata. “Ano ka ba naman aatakihin ako sa ‘yo!” bulyaw niya rito.
“Sinusundan ka nila Aizelle,” sabi nito kaya nanahimik siya. At tiningnan ang direksyong tinitingnan nito. Nakita nga niya ang mga kaibigan na nakasunod kay Elli at Zayd.
Hindi sila gumawa ng kahit anong ingay hanggang sa makalayo ang mga kaibigan niya.
“Kailan mo ba ako balak i-set up kay Zayd?” naiinip nang tanong niya rito nang makalayo na ang mga taong tinataguan nila. “Napakatagal mo namang kumilos, Ian. Baka kung saan ako pulutin nito dahil diyan sa kabagalan mo!” naiinis na bulyaw niya sa binata.
“Easy ka lang, wala sa mood ngayon si Zayd, nakita mo naman, ‘di ba? Galit na galit siya kay Aizelle kaya sa tingin ko naman hindi na sila magkakabalikan,” relax na relax namang wika nito at sumandal sa pader na pinagtataguan nila.
“Ang bóbo mo talaga!” sigaw niya ulit dito. “Hindi si Aizelle ang tinutukoy ko. Maraming babae ang aalialigid ngayon diyan kay Zayd, lalo na ngayong alam na nila na walang girlfriend si Zayden. Saka mas nagiging malapit yata siya kay Elli.” Biglang nagbago naman ang expression ng mukha nito nang dahil sa sinabi niya.
“Sorry na, babe!” malambing nang wika sa kaniya nito. “Hayaan mo, paglipas nitong nangyari na ‘to, makakapag-usap na kayo ni Zayden. Sisiguraduhin ko na magkakaroon ka ng pagkakataon para makasarili ‘yon,” paniniguro naman nito sa kaniya. Pagtapos ay tumayo ito sa harapan niya at marahan siyang isinandal sa pader na nasa likod niya.
“Bilisan mo naman kasing kumilos. Ayoko namang masayang lahat ng effort ko para lang makuha ko si Zayden. Hindi mo alam kung gaano katagal ko na siyang gusto.”
“Roger that!” wika naman nito sabay yapos sa kaniya at marahan siyang hinalikan sa leeg niya.
“Puro ka ganiyan, eh, hindi mo nga maibigay ‘yong gusto ko,” naiiling na angil niya rito.
“Pagbigyan mo na ako. Kapag kayo na ni Zayd, hindi ko na rin ‘to magagawa sa ‘yo kaya pagbigyan mo na ako,” mapang-akit na bulong nito sa tenga niya. Habang patuloy siya nitong hinahalikan pababa sa balikat niya at unti-unti rin nitong tinatanggal ang butones ng suot niyang blouse.
“Seryoso ka ba, Ian? Nandito tayo sa school at nasa open area tayo?” hindi makapaniwalang pigil niya rito.
“So, what? Ayaw mo no’n, may thrill. Saka wala nang ibang tao rito at wala nang makakakita sa ating dalawa.”