Chapter 10

1655 Words

NARAMDAMAN ni Elli ang paglayo ni Zayd mula sa likuran niya kaya humarap siya rito. Pagharap niya ay iniabot naman nito sa kaniya ang librong kinuha nito. “Salamat…” mahinang usal niya at pagkakuha niya ng libro ay inilagay na niya iyon sa cart. “Elli, teka lang,” seryosong pigil naman nito sa kaniya ng akmang itutulak na niya ang cart. Napilitan naman siyang tumingin ulit dito. “Bakit? May kailangan ka ba?” nagtatakang tanong naman niya rito dahil sa totoo lang ay naguguluhan siya sa ikinikilos nito. “Busy ka ba? Gusto kasi sana kitang makausap?” seryoso na namang tanong nito kaya mas lalo siyang nagtaka pero hindi kasi niya gusto kung ano ‘yong nararamdaman niya kaya hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit mas gusto niyang umiwas dito. “Medyo,” nag-aalinlangang sagot niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD