NGAYONG araw na ang examination day. Kinakabahan si Elli pero alam naman niya na ready siya sa kung ano man ang magiging resulta no’n. Hindi man siya ang mag-highest ay tatanggapin niya ‘yon. Ang mahalaga malapit na siyang maka-graduate at malapit na rin niyang maabot ang pangarap niya. “Kinakabahan ako, Elli,” bulong sa kaniya ni Ash. “Baka hindi ako makapasa rito,” dagdag pa nito. Nasa examination room sila, iba kasi ang regular room for class at iba rin ang room for examination day.a “Ayan! Kasi naman ang tigas ng ulo mo, masyado kang nag-petiks, eh, dapat kasi sumabay ka ng review kahit papaano. Malaking tulong din ‘yong kahit paano may na-review ka,” sermon naman niya sa kaibigan. Itong exam na rin kasi ang pinaka-finals nila kaya dito talaga malalaman kung ga-graduate ka or hindi.

