“ULITIN MO nga ‘yong sinabi mo?” bulyaw ni Nikka kay Patrick at napatayo pa siya mula sa kinauupuan niya. “Anong bang ibig mong sabihin sa walang ginawa si Mr. Pascual nang makita ‘yong notes na nakaipit sa booklet ni Elli? Explain mo!” “Oo nga, wala talaga siyang ginawa at kitang-kita ko na nagulat siya no’ng makita ‘yong papel na nakaipit sa booklet ni Elli pero bigla lang niyang isinara ‘yon at may ibinulong pa siya kay Elli kaya kinakabahan din talaga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko!” wika nito habang nilalamukos ang papel na hawak nito nang dahil sa nerbiyos. “Ano ka ba!” singhal niya rito. “Hindi ka dapat kabahanan ang dapat na gawin mo alamin mo kung bakit ‘yon ginawa ni sir!” utos naman niya rito. “Kailangan mas maging mabilis tayo sa kanila, paano kung gusto pala pagtak

