Chapter 13

1226 Words

PAGTAPOS makausap ni Elli si Mr. Pascual ay dumeretso na kaagad siya ng Z-Quarters para makausap si Zayd. Wala siyang pasabi na pupunta siya roon kaya naman nagulat si Zayd at ang mga kaibigan nito nang makita siya at nasa rooftop sila nang mga oras na ‘yon. Nagtataka man ang binata pero naglakad ito palapit sa kaniya, ang mga kaibigan naman nito ay tahimik lang nakatingin sa kanilang dalawa. Medyo na-awkward siya kasi hindi naman niya kilala ang mga ito. “May kailangan ka ba, Elli?” salubong ang kilay na tanong sa kaniya ni Zayd. “Ah, kasi…” nagdadalawang isip na wika niya dahil ang totoo hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang gusto niya dahil nando’n pa ang mga kaibigan nito. Naglilipat-lipat ang tingin niya sa binata at sa mga kaibigan nito at parang na-gets naman ni Zayd kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD