TOTOONG na-enjoy ni Nikka ang stay nila sa Bicol kaya nga kung siya ang tatanungin ay parang ayaw na niyang bumalik. Pero alam niyang hindi pwede dahil may dapat pa siyang tapusin at hindi pwedeng hindi niya makita ang pagbagsak ni Elli. That day ay sa school na siya dumeretso dahil may kailangan pa siyang ayusin sa isang subject niya para lang maka-graduate siya. Hindi pwedeng hindi siya maka-graduate dahil hindi siya makakalayas sa bahay nila Elli nang hindi siya handa. “Nikka! Nikka!” nagsalubong ang kilay niya nang makitang sinasalubong siya ni Patrick. “Bakit?” taas-kilay na tanong niya rito pero sa halip na sagutin siya ay napansin niyang nag-aalangan ito dahil nasa likuran niya si Ian. “Sige na, Ian, mauna ka na. May pag-uusapan lang kami,” paalam na niya rito. “At saan kayo pup

