HINDI alam ni Elli kung anong pumasok sa isip niya at humakbang siya palapit kay Ash. Nakita rin niya ang gulat sa mukha nito nang mag-angat ito ng tingin at makita siya. “Elli…” mahinang tawag nito sa pangalan niya at mabilis na tumayo. Hindi niya alam kung bakit sa halip na makaramdam siya ng galit dito ay awa ang nararamdaman niya sa binata. “Elli, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, gusto kong maging maayos ang lahat sa pagitan natin, gusto kong itama ‘yong pagkakamali ko.” “No, Ash, I have learned my lesson,” seryosong sabi niya rito kaya natigilan ito ulit. Oo, nakakaramdam siya ng awa rito pero hindi ibig sabihin no’n madali na lang sa kaniya na tanggapin ang lahat. “Hindi madali para sa ‘kin ang magtiwala ulit. Masyado nang maraming tao ang sumira ng tiwala ko at hindi ko i

