NARAMDAMAN ni Elli na bahagya ng gumaan ang paghinga nito kaya marahan na niyang inangat ang mukha palayo rito.
“OH MY GOSH, ZAYD! What are you doing?” narinig niyang sigaw ng isang babae mula sa likuran niya at bago pa man niya tuluyang makatayo ay nahila na nito ang buhok niya. “At ikaw na malanding babae ka ano’ng ginagawa mo rito?!” galit na galit na sigaw nito sa kaniya habang mahigpit pa ring hawak ang buhok niya.
“Teach her a lesson, Aiz!” sigaw naman ng isa sa mga kasama nito habang kinukuhaan siya ng video.
“Stop it, ‘Zel!” awat ni Zayden dito at pilit na tinanggal ang kamay nitong nakasabunot sa buhok niya. “At kayo ano bang ginagawa niyo rito?” galit din na baling nito sa babaeng may hawak ng buhok niya. Medyo okay na ito.
“Hindi ba’t ako ang dapat na nagtatanong sa ‘yo niyan?” bulyaw pa rin nito. “Ano’ng ginagawa niyo at sino ‘yang babaeng ‘yan at bakit nandito ‘yan!” Kitang-kita niya ang matinding galit sa mga mata nito.
“Ahmm. This is all just a mistake,” mahinahon na awat niya sa mga ito at hindi niya alam kung paano ba niya lulusutan ang gulong napasok niya.
“Yes. This is just a mistake! Dahil boyfriend ko ‘tong nilalandi mo!” sigaw pa rin nito na halos lumabas ang mga litid sa matinding galit sa kaniya.
“Stop it, Aizelle! Di niya ko nilalandi besides ikaw ‘tong may kasalanan ng lahat!” pagtatanggol naman sa kaniya ng binata at inilalayo siya sa babaeng pilit siyang inaabot.
“Kasalanan ko?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon?”
“Baka nakalimutan mo kung anong sinabi mo sa akin no’ng tumawag ka!” sigaw ng binata.
“Yes, because I was about to surprised you! Pero hindi ko akalain na ako pala ang masusorpresa sa makikita ko,” mangiyak-ngiyak na wika nito.
“That joke was not funny!” seryosong saad ni Zayd.
Hindi pa rin niya malaman kung ano’ng gagawin dahil iyon ang unang pagkakataon niyang mapasama sa ganoong klaseng gulo.
Pambihira! Sa movies ko lang ‘to napapanood, eh. Bakit ba kasi ako nandito?
“Umalis muna kayo at isama mo ‘yang mga alipores mo,” utos ni Zayd.
“ZAYD!” tutol ni Aizelle.
“Please! Just leave me alone for now,” mariing wika pa rin ng binata.
Wala na itong nagawa kaya padabog na lamang itong sumunod sa sinabi ng binata pati nang mga kasama nito ngunit bago ito tuluyang tumalikod ay tiningnan muna siya nito ng masama.
“I’m sorry! You’re not supposed to be here,” mahinahong wika nito nang tuluyan ng makaalis ang girlfriend nito.
“Uhmm. Pwede na rin ba akong lumabas?” nag-aalangan na paalam niya rito.
“‘Wag muna. Baka nasa labas pa sila at hinihintay ka,” usal nito saka naglakad papasok sa loob ng penthouse, sumunod naman siya rito.
“Wag mo sanang mamasamain ha,” paglalakas loob na wika niya. “Siya ba ‘yong dahilan kung bakit bigla kang nahirapang huminga kanina?”
Napalingon naman ito sa kaniya. “Nope,” mabilis na tugon nito saka nagpatuloy sa paglakad.
“Hindi ba siya yung kausap mo kanina sa phone, tingin ko kasi paran— aw!” hindi niya natapos ang sasabihin sana niya dahil bumangga siya sa malapad nitong likuran nang bigla itong huminto sa paglakad.
Seryoso lang siyang tiningnan nito bago ulit naglakad palapit sa upuang naroon sa living room at pabagsak na naupo roon. Sumandal lang ito at pumikit.
Pasimple niya itong tiningnan. Doon lamang niya napansin na guwapo pala ito, at aaminin niyang gumaguwapo ito kapag tinititigan. Matangkad din ito, maputi, matangos ang ilong, medyo may kaliitan ang nakapikit nitong mata.
Never pa siya nagkaka-boyfriend pero marunong naman siya tumingin ng guwapo at hindi.
“To be honest, Aizelle is not the sole reason kung bakit ‘yon nangyari,” biglang wika nito. “Maraming rason.” Pagtapos ay bigla itong dumilat at tumingin sa kaniya kaya naman huling-huli nito na nakatitig siya sa maamong mukha nito. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin. “Anyway, I’m Zayd,” biglang pagpapakilala nito.
“I’m Mariya Ellianna Sandoval. Elli for short,” pagpapakilala rin niya.
“Siguro, pwede ka naman nang lumabas. Wala na siguro sila,” walang emosyong wika nito saka muling pumikit.
“Di ka na ba babalik sa prom?”
“Hindi na. Wala na ako sa mood,” walang ganang saad nito. “Saka ano’ng oras na rin naman, sigurado wala ka na ring aabutan sa party,” dagdag pa nito habang nakapikit pa rin.
“Gano’n ba. Sige bababa na ako,” usal niya saka naglakad papuntang main door. “Alis na ako,” habol pa niya bago tuluyang isara ang pinto ngunit hindi pa rin ito natitinag sa kinauupuan nito.
Habang nasa elevator siya ay biglang tumunong ang cellphone niya.
“Hello!” sagot niya sa tawag.
“Elli, bumaba ka na nandito na si Manong Ising!” pasigaw na wika ng pinsan dahil sa ingay na nanggagaling sa prom.
“Oo, pababa na ako!” sagot niya bago tuluyang maputol ang tawag at saka niya iyon ibinalik sa pouch niya.
Pagbukas ng elevator ay hindi niya inaasahan ang malagkit na likidong inihagis sa kaniya.
Hindi niya inaasahan na naroon pa rin ang grupo ni Aizella at matiyagang naghihintay sa kaniya. Ang isa sa mga ito ay may hawak na isang tabo kung saan inilagay ang wine na isinaboy kay Elli habang ang isa ay tuwang-tuwa na kinukuhaan ng video ang pangyayaring iyon.
Malakas pang nagtatawanan ang mga ito nang dahil sa istura niyang mukhang basang sisiw. Ngunit ang hindi matanggap ng utak niya ay naroon din si Nikka sa grupo ni Aizelle habang tuwang-tuwa rin sa mga nangyayari sa kaniya.
“‘Yan ang bagay sa ‘yong malandi ka!” sigaw pa ni Aizelle. “Hey, guys!” pagkuha nito sa atensiyon ng lahat ng nandoon. “Mag-iingat kayo sa babaeng ‘to, dahil huling-huli ko siyang hinahalikan si Zayd!” galit na galit na sigaw nito. “Malandi ‘yan!”
Hindi malaman ni Elli kung ano ang dapat niyang maging reaksiyon sa mga nangyayaring iyon. Hindi niya inaasahan na iyon ang kalalabasan ng minsan niyang pagtangkang makisalamuha sa ibang tao. Hindi niya inaasahan na ganoon ang kalalabasan ng prom night na iyon.
Napakaraming tao na ang nakapaligid sa kanila na kahit saan siya tumingin ay puro mga nagtatawanang estudyante lang sa paligid niya ang nakikita at naririnig niya. Napakaraming camera din ang nagkikislapan sa harapan niya. Gustung-gusto na niyang umiyak pero ayaw niyang gawin ‘yon sa harap nila Aizelle.
“Elli!” malakas na tawag sa kaniya ni Asher at mabilis siyang hinila.
“What are you doing?” pigil naman ni Aizelle sa binata.
“Please, stop this,” matigas na usal ni Asher at kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito ng mga oras na iyon.
Sa katauhan ng kaibigan ay nakahanap siya ng kakampi. Hinubad nito ang suot na coat at sinuot sa kaniya pagtapos ay inakbayan siya palabas sa magulong lugar na iyon.
“Salamat, Ash!” naiiyak na wika niya rito.
“Wag ka na umiyak, ‘di bagay sa ‘yo,” wika nito sa malaki at baritono pa ring tinig kaya nanibago siya ngunit hinayaan na lang niya. “Tara, ihahatid na kita sa inyo,” aya nito kaya sumunod na lang siya rito.
Ang hindi lang niya mabigyan ng sagot ay ang katanungan niya na kung bakit maging ang pinsan niya ay naroon at tuwang-tuwa sa nangyayari at bakit pakiramdam niya ay may kinalaman ito sa huling nangyari sa kaniya.