Chapter 3

1124 Words
“YOU know what?! I really hate that girl,” naiinis pa ring sabi ni Aizelle. First year pa lang si Nikka nang naging kaklase niya sila Aizelle at napasama siya sa grupo ng mga ito. At kahit kailan ay hindi niya pinagsisisihan na nakasama niya ang mga ito lalo na ang maging kaibigan si Aizelle. Dahil mula nang makasama siya nito ay iba na rin ang naging hatak niya pagdating sa mga lalaki. Well, boys were her life. Pinsan nga niya si Elli pero hindi niya ito magawang tulungan dahil ayaw rin niya. ‘Yon ang totoo, matagal na siyang nakikisama rito dahil lang sa kailangan niya pero mula pagkabata nila ay ayaw na talaga niya sa pagkatao ng pinsan dahil sa masyadong kabaitan nito. At hindi niya matanggap na mas maraming tao ang nagkakagusto at natutuwa kay Elli kaysa sa kaniya. At lalong pinakaayaw niya ay ang madalas na pagkumpara nito sa kaniya. “Aiz, I think you did it right,” singit ni Fiona, kaya nagkatawanan silang magkakaibigan. “No. Di pa tapos ang pasabog ko dahil starting on Monday, sisiguraduhin kong masisira ang pagkatao niya,” nanggigigil na sabi ni Aizelle pagtapos ay uminom ito ng alak na hawak nito, “Zayd is mine,” dugtong pa nito. No, Zayd is going to be mine. Bulong niya sa sarili. Yes, matagal na talaga siyang may gusto kay Zayd. Mas matagal pa sa relasyon nilang dalawa, hindi lang talaga siya makalapit dito dahil si Aizelle ang naging girlfriend nito. “Aizelle!” napalingon silang lahat kay Zayden na kasalukuyang papalapit sa kanila. “Ano na namang ginawa mo kay Elli?” “Elli? Bakit close na kayo? Kailan pa?” sarkastikong wika ni Aizelle. “Baka nakakalimutan mo Zayden, ako pa rin ang girlfriend mo!” “At baka nakakalimutan mo rin na nakipaghiwalay ka sa akin?!” ganting paalala ng binata rito. “That was just a prank, Zayd,” biglang nagbago ang tono nito at malambing na humarap sa binata. “Di mo kailangan seryosohin ‘yon,” pagtapos ay mabilis na yumakap kay Zayd. “Nope. You have to learn your lesson,” matigas na wika ni Zayd dito. “This is for real. At hinding-hindi ako babalik sa ‘yo hangga’t hindi nagbabago ‘yang ugali mo!” bulyaw pa nito bago ito tuluyang talikuran. Dahil sa nangyaring iyon hindi napigilan ni Nikka na lihim na mapangiti kaya uminom siya ng wine na hawak niya upang itago ang mga ngiting iyon. “No. Zayd, please.” Habol pa rin ni Aizelle rito. “Don’t leave me. I won’t do that again,” pakiusap pa rin ng dalaga ngunit nagpatuloy lang sa paglakad si Zayd. “Nang dahil ba ‘yon sa babaeng ‘yon?” malakas pang sigaw nito kaya muling napatigil sa paglakad ang binata at hinarap ang dalaga. “Partly, baka oo nga! Siguro kung hindi dahil sa kaniya baka hindi ako natauhan! Baka hanggang ngayon naniniwala ako na magbabago ka pero hindi naman talaga. I had enough, Aizelle! So just please let me...” mariin ng pakiusap ng binata rito. Wala nang nagawa pa si Aizelle kundi ang hayaan na lamang ito. And I think this is the right time for me. Usal niya sa sarili saka marahan siyang tumayo sa kinauupuan. “Guys, please excuse me,” paalam niya sa mga kaibigan. “Where are you going?” tanong naman ni Andi. “May kakausapin lang ako,” tugon lang niya rito saka tumalikod. Lumapit siya sa kinauupuan ng mga kaibigan ni Zayden kahit na wala roon ang binata. At dahil naging magkasintahan si Zayd at Aizelle ay naging malapit na rin ang grupo nila sa isa’t isa. “Hi, guys!” bati niya sa mga ito nang makalapit. “Hello, Nikka!” bati rin ng mga ito. “Medyo mainit-init ang problema ngayon, ah,” wika niya sa mga ito. Sanay naman na ang magkabilang grupo nila sa away ng dalawa, dahil kapag magkaaway ang ito ay damay silang lahat sa init ng ulo ng dalawa. “Yeah. But I think this is for real,” wika naman ni Kian. “Ngayon ko lang nakitang magalit ng ganoon si Zayd kay Aizelle,” napapailing pa na dugtong nito. “Tingin ko rin. Parang this time malabo na magkabalikan ‘yong dalawa,” segunda naman ni Ian. “Dapat kasi pards, di mo na tinawagan si Zayd para sabihin yung nangyari,” baling naman ni Riu kay Kian. “So, hahayaan na lang natin ‘yong ginawa ni Aizelle doon sa babae? Wala naman siyang ginagawang masama,” galit na wika ni Kian saka uminom ng hawak nitong beer. “Lahat tayo ayaw natin kay Aizelle, alam natin na hindi siya magandang impluwensiya kay Zayd,” dugtong pa nito. Pasimpleng kinalabit ni Nikka si Ian at sinenyasan itong sumunod sa kaniya. Sa mga ito kasi, si Ian ang tanging naging malapit sa kaniya. “Guys, excuse lang, ha,” paalam naman niya at nagtanguan naman ang mga ito. “Kaya tama lang na maghiwalay na sila,” narinig pa niyang usal ni Rye bago siya tuluyang makalayo. Lumakad siya papunta sa pool area ng hotel dahil doon tahimik at doon niya makakausap ng maayos si Ian, nakita naman niyang nakasunod ito sa kaniya. “Bakit?” bungad na tanong ni Ian paglapit sa kaniya. “Can you help me with Zayd?” nang-aakit na tanong niya rito. “Help? What?” naguguluhang tanong naman nito. “I want to be his girl.” diretso nang sagot niya. “What!? Nababaliw ka na ba? Akala mo ba ganoon lang ‘yon kadali gawin?” naiiling na sabi nito. “Besides, di ko hawak utak no’n.” “Ang sabi ko lang naman tulungan mo ko. Tulungan mo lang ako mapalapit sa kaniya then the rest ako na bahala,” paliwanag niya rito. “Pagtapos? Ano namang mapapala ko?” “Anything you want,” sabay kindat niya rito. “Anything? Sigurado ka.” Pagtapos humakbang ito palapit sa kaniya at nang makalapit ay hinapit siya nito sa bewang niya. Alam na agad niya kung ano’ng gusto nito, kaya ngumiti at bumulong siya rito. “Yes, anything you want, basta ba tutulungan mo akong mapalapit kay Zayd.” "Hindi naman mahirap gawin ‘yan basta magugustuhan ko ‘yong kapalit, eh," makahulugang sabi nito sabay kindat sa kaniya. "So, let’s go to my pad?" "Sure," nakangiting usal. Matagal-tagal na rin mula nang huling beses na may naka-séx siya and she really miss having it. Pagtapos ay sabay silang lumabas ng Hotel de Montecildez at pumunta ng condo nito na hindi rin naman kalayuan doon, around 10 to 15 minutes drive ay naroon na rin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD