Chapter 17 - Failed Plan Sa araw na nakita namin ni daddy si Kenneth with our naked eyes. Ay hindi naging panatag si daddy, lagi syang balisa at parang hindi alam ang gagawin. Sa katunayan, hindi ko inaalis ang pagmamatchag sakanya dahil alam kong may binabalak syang masama kay Kenneth. Lalo na't nalaman nyang hindi pala sya nagtagumpay sa pagpapakitil ng buhay nito. Katulad ng palagi kong ginagawa, sinisilip ko sya sa opisina bago ako pumasok. Pagbukas ko ng bahagya sa pintuan ay bumungad sya sa akin na ngayon ay may masinsinang kausap sa phone nya. Nakapamewang sya gamit ang isa nyang kamay, habang ang isa naman ay gamit nya bilang panghawak ng kanyang phone. Pinilit kong pakinggan ang mga sinasabi nya ngunit hindi ko masundan dahil sobrang hina ng pagkakabulalas.. Nakatalikod sya

