bc

Faded Memories (Filipino)

book_age18+
717
FOLLOW
2.4K
READ
possessive
goodgirl
self-improved
drama
tragedy
bxg
betrayal
disappearance
self discover
virgin
like
intro-logo
Blurb

Faded Memories

Si Kenneth Santillan ay ang nakatakdang tagapagmana ng kanyang ama sa kanilang kompanya, and soon to be engage to his girlfriend na si Nathalie..

Habang si Jasmine naman ay nanirahan ng simple kasama ang kanyang lolo sa isang napakalayong lugar. sa "Paradise Villa."

Nagtagpo ang landas ni Kenneth at Jasmine nang mangyari ang isang car accident na kinasangkutan ni Kenneth. Madaling araw, nasira ang break ng kanyang kotse kaya dahilan yun ng pagkakasalpok nito. (pero may misteryo sa dahilan ng pagkaka-aksidente nito.)

Sa madaling araw na 'yon ay eksaktong nadaanan sya ni Jasmine at lolo nya. Dahil sa kabaitan ay tinulungan nila itong idala sa ospital. At dun na nila nadiskubre na nawalan ng alala si Kenneth. He lost his memories, because his head is severely injured. Gusto nilang tulungan ito ngunit hindi nila magawa dahil wala talaga syang maaalala, di nila ito makunan ng impormasyon dahil buradong-burado ang memorya nito dahil sa Amnesia. maski ang pangalan nya ay hindi nya alam.

Hinanapan sya ng I.D o kung ano mang makakapagpatunay ng identity nya, ngunit sa kinasamaang palad wala silang natagpuan. Sa awa, ay kinupkop nila ito, at pinangalanan sya ni Jasmine na 'Jacob.'

Kinupkop nila 'to ng tuluyan. Hanggang sa aksidenteng na fall inlove sa isa't-isa. Naging sila. Pero irang araw ay bumalik na ang orihinal na memorya ni Kenneth, bumalik sa memorya nya ang lahat-lahat. Sadly he forgets the memories he spent with Jasmine. Iniwan nya 'to at bumalik sakanyang totoo at nakaraang buhay.

Jasmine left depressed and broken-hearted. Pero determinado syang makita ulit si Kenneth/Jacob. Pinuntahan nya 'to sa Manila, at dun nya nga ito natagpuang muli. Ginawa nya ang lahat para maalala sya nito pero naiwan syang bigo at kaawa-awa. Dahil ang tanging minahal nya na lalaki ay nakalimutan sya.

Maibabalik pa kaya ang mga faded memories ni Kenneth kay Jasmine? O tuluyan nalang susuko si Jasmine?

chap-preview
Free preview
Simula
A NOVEL by ketchupprince: "Faded Memories" Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kasaysayang nakalathala rito ay pawang kathang-isip lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad ay hindi sinasadya ng may-akda. Ang anumang bahagi o kabuuan ng istoryang ito ay hindi maaaring sipiin o mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng kinauukulan. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ FADED MEMORIES - Simula Madaling araw na nang mapagdesisyonan namin ni lolo na lumuwas ng karatig bayan upang ideliver ang mga naharvest naming mga gulay para ibenta sa mga tindera doon. Pahikab-hikab pa 'ko nang pinagbuksan ako ni lolo sa mejo nangangalawang na naming pick up. Pagbukas nya ng pintuan ay walang gana akong umupo sa passenger's seat. Sya naman ay umikot upang umupo naman sa may driver's seat upang magsimula nang mag-drive. "Sabi ko naman sa 'yo apo na ako nalang ang magde-deliver sa palengke hindi ba? Tignan mo, putol ulit ang tulog mo, dahil pinili mong samahan ako," utas ni lolo habang ini-start nya ang engine ng sasakyan. Kinusot ko ang mga mata ko bago ko sya sinagot. "Lo, kailangan nyo po kasi ng makakatulong, di ba?" sagot ko. Umiling sya. "Mana ka talaga sa papa mo," sabi nya, pagkatapos nun ay sinimulan nya na ang pagda-drive. Ayan si lolo Arthur, sya na ang nagpalaki sa 'kin, magsimula ng mamatay ang mga magulang ko. Ulilang lubos na kasi ako.  Ang mama ko ay namatay pagkatapos nya kong ipanganak kaya nga hindi ko na sya nasilayan e, tanging sa mga litrato nya na lang ko sya nakita. At si papa naman ay, namatay noong tatlong taon gulang pa lamang ako. Namatay sya dahil sa isang vehicular accident. Kaya eto, si lolo nalang ang naging kaagapay ko sa buhay. Simple lang naman ang buhay namin dito sa Paradise Villa, hindi mayaman, hindi din naman mahirap. Yung sakto lang.(Simpleng buhay ba) Kasi may pinagkukunan namin kami ng hanap buhay e. Yun nga ay yung maliit na farm namin. Nagtatanim kami ng mga iba't-ibang gulay don, at pagkatapos ay binebenta namin sa mga palengke. Buong byahe ay nakairap lang ako sa labas, animo'y napakalalim ng iniisip. Three-thirty na ng madaling araw nang makarating kami sa palengke. "Nandito na tayo." Sabi ni lolo habang kinakalas nya ang kanyang seat belt. Ganun din ang ginawa ko. Mabilis ko ding kinalas ang seat belt ko, at nagmamadali na 'kong lumabas. Pagkalabas palang namin ay dinumog na agad kami ng mga tindera, na tila nagkukumahog nang bumili. As always palagi naman pala silang ganito, dahil gustong-gusto nila ang mga tinda namin, maliban sa mura na fresh pa. "Oh easy lang po kayo!" Natatawang sambit ko sa mga tinderang nagsilapitan sa 'min. Natawa naman si lolo at nagsimula na nyang papilahin ang mga tindera. Pagkatapos ay tinulungan ko syang magbuhat ng mga box na ang laman ay mga gulay. Nagsimula na ang bentahan, kaya naging aligagang-aligaga ang lahat, syempre ganun din ako.. Todo lista ako, sa mga nabebenta. Lumipas ang tatlumpung-minuto, nalimas kaagad ang mga paninda namin kaya, laking tuwa namin ni lolo. "Ang galing sold out agad!" Maligayang sabi ni lolo. "Parang hindi na kayo nasanay," sabi ko naman. "Ang ganda kasi ng quality ng mga gulay nyo lo," dagdag ko pa. Napangiti sya, pagkatapos ay inakbayan nya 'ko at sabay kaming nagtungo ulit dun sa sasakyan namin. Sa kaligatnaan ng byahe pauwi ay biglang may pumukaw naman ng atensyon namin. May bahagyang nagliliyab kasi na kotse sa may roadside. Pareho kaming nagkatinginan ni lolo habang nanlalaki ang mga mata. Shiz! May aksidente! Pero napakatahimik ng kalsada. Tanging kami lang yata ang nakasaksi. "May naaksidente po lo!" Sabi ko. Tinigil agad ni lolo ang sasakyan namin nung malapitan namin ang isang bahagyang nagliliyab na kotse. "Jusmiyo!" Ani lolo, at sabay kaming bumaba ng sasakyan. Nakabukas ang pintuan ng kotse. At automatic na bumilog ang aking mga mata ng may makita akong taong walang malay sa loob habang duguan ang ulo nito. "Lo, tulungan natin sya, kawawa naman!" Natataranta kong sabi. Agad syang nilapitan ni lolo at hinawakan ang palapulsuhan nito pagkatapos ay itinapat nya 'to sa tenga nya upang malaman siguro kung may pulso pa ba ito. Napatampal ako sa aking bibig, dahil kinakabahan ako. Baka kasi patay na sya. Napatingin sa akin si lolo. "Buhay pa sya!" Aniya. At agad-agad nya 'tong ilinabas sa kotse at binuhat. Nakakataranta ang nangyayari. "Mabuti kung dalhin po natin sya sa ospital," Alalang sabi ko. Tumango si lolo, at nagmamadali nyang pinasok yung lalake sa sasakyan namin. Pumasok din ako at hinawakan ang mukha nung lalaking duguan. "Mukhang malala ang pagkabagok ng ulo nya," sabi ko. "Kailangan talagang madala na natin sya sa ospital para maisalba ang buhay nya," Wika ni lolo at mas lalo nyang binilisan ang pagmamaneho. "Mabuti nalang at nakita natin sya," sabi ko. Kung hindi siguro namin sya natagpuan baka ano nang nangyari sakanya. "Mabuti pa Jasmine ay tumawag ka ng pulis para ipa-imbistiga ang nangyari." Suhestiyon ni lolo na sinang-ayunan ko naman. Tama! Yun dapat ang gawin, kaya dali-dali akong kinotak ang mga pulis. "Lo, hinahanapan po sya ng ID o Identity Card, para malaman kung sino sya," sabi ko pagkatapos kong i hang-up ang cellphone ko. "Kapain mo ang bulsa nya, baka-sakaling nandon ang wallet nya at may mahanap kang ID doon." Agad kong sinunod yung utos ni lolo, pero sa kinasamaang palad ay wala akong nakapa ni isa. "Wala pong kalaman-laman ang bulsa nya!" Napakagat ng labi si lolo pagkatapos kong sabihin yun. "Hindi bale, pag gumising na sya malalaman din natin, hayaan nating mga pulis muna ang mag-imbistiga, ang importante ay maidala natin sya sa ospital," bulalas ni lolo. "Mabuti nga po.." sang-ayon ko. Basta ang importante ngayon ay maisalba ang buhay ng lalakeng ito. Pagkarating namin sa ospital ay agad namang inasikaso ng mga doctor at nurse yung lalaking tinulungan namin. "Grabe, mukhang malubha yung lalaki," sabi ko kay lolo at tsaka ko sya tinabihan sakanyang inuupuan. "Ang ipinagtataka ko lang, mukhang propesyonal naman yung lalaki, naka-suit e, mukhang negosyante, pero bakit wala tayong natagpuan na I.D sakanya?" Ani lolo sa nagtatakang tono. Nakatingin pa sya sa kawalan na tila may iniisip. Pero hindi ko naman mabasa kung ano 'yon. "Malalaman din naman natin ang identity nya pag nagising sya e." Tumango lang si lolo pagkatapos kong sabihin yun. Sumapit ang umaga, dun palang naimbistigahan ng mga pulis ang nangyari. Lumabas sa imbestigasyon na nawalan daw ng preno, nasira daw ang break ng kotse nung lalaki kaya sya naaksidente. Tinanong din kami kung may nakita ba kaming I.D para malaman ang pagkatao nya. Sa kinasamaang palad nga wala. Kaya wala kaming idea kung sino ang lalaking 'yon. Mukhang hindi din naman sya taga Paradise Villa e. Sa tingin ko taga Maynila sya. Napasinghap si lolo ng matapos naming kausapin ang mga pulis. Ilang sandali pa kaming naghintay bago lumabas ang doctor, pati sya ay hinahanap ang mga kamag-anak nung lalaki, wala na naman kaming maisagot, dahil nga tinulungan lang namin sya. Kami nalang ang pinagsabihan ng doctor sa tunay na kalagayan nung lalaki. Sinabi nya na labis ang pagkabagok ng ulo nito. Pero mabuti daw ay nadala namin sya agad sa ospital dahil kung hindi daw. Baka ay wala na sya ngayon. Ilang araw pa daw ang hihintayin bago sya gumising. Pagkatapos i-explain yun ng doctor ay umalis na sya. At kaming dalawa naman ni lolo ang nagkaharapan. "Hindi po tnatin sya pwedeng pabayaan, kawawa naman.. Walang nagbabantay sakanya," Nag-aalalang sabi ko. Sabay silip dun sa kwarto kung nasaan yung lalaki. Andaming nakapalupot na benda sa ulo nya, tapos wala pading malay. Napaface palm si lolo, mukha syang napipilitan pero naaawa din. "Pero pagkagising nya at sinabi nya na ang tungkol sa sa identity nya at mga magulang nya, iwan na natin sya huh?" I nod pagkatapos ay umupo kami ulit. Kawawa naman kasi kung iiwan nalang namin sya ngayon..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Mistress

read
298.1K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.8K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
563.0K
bc

Married to a Hot Magnate

read
357.0K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook