Chapter 01 - Lost Memories
Russel's POV
"Sigurado ka bang patay na sya?" Papasok palang ako sa opisina ni daddy para ibalita sana sakanya ang pagkakawala ni Kenneth, pero bigla akong natigil nung marinig ko 'yon mula sakanya, Teka.. May kausap sya?
Sa kyuryusidad ay 'di muna ako pumasok ng opisina nya, idinikit ko ang kaliwang tenga ko sa pintuan. Para marinig ang pinag-uusapan ng kasama nya.
"Yes sir.. Sigurado po akong patay na sya, sinunod ko po yung utos nya na sirain ang break ng kanyang sasakyan.. Nasaksihan ko din po ang pagkakaaksidente nya, sumalpok ang kanyang kotse sa isang malaking puno, sa katunayan kinuha ko din po ang mga I.D nya, lisensya nya, Identity Card, at lahat ng magpapatunay ng kanyang pagkatao para hindi nila malaman kung sino talaga sya." Napahawak ako sa bibig ko, dahil sa sobrang gulat. Bagamat hindi ko alam kung sino talaga ang pinag-uusapan nila, ngunit parang nahihinuha kung sino! Sht! Pinapatay ni daddy si Kenneth?
I was taken aback hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon at hindi ko na alam ang gagawin.
Kaya pala sya pinaghahanap si Kenneth ngayon? Dahil may kagagawan pala si dad sa kung ano mang nangyari sakanya?
Sa pagkakaalam ko kasi ay pumunta si Kenneth sa isang napakalayong lugar. For business purposes, pinapatingin kasi ng daddy nya yung lupa sa lugar na 'yon para sa pagpapatayo ng panibagong building sakanilang negosyo. Hindi na sya nakauwi dahil may ginawang di kanais-nais si dad. Crap! He's so evil bakit nya yon nagawa?
Mas lalo ko pang pinakinggan ang pag-uusap nila nung kasama nya.
Daddy chuckled. "Good, siguradong matatagpuan sya ng mga taga don, pero hindi nila sya maibabalik dito, dahil wala silang mapagkukunan ng identity nya, dun na sya panigurado malilibing!" Tumawa si daddy na tila ba isang demonyo. Hindi ko na maatim pa ang manatili dito kaya pinasok ko na sila.
Kumalabog ng malakas ang pintuan. Nalaglag ang kanilang mga panga nang bumungad ako sakanila.
Para silang nakakita ng multo ngayon. Ako naman ay nagngingitngit. Napayukom ako.
"Dad. Why did you do that?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Nanatili syang tulala at nangangapa ng isasagot.
"Narinig mo ang usapan namin?" Mejo na-alarma ang kanyang tono. Linapitan nya ko at hinawakan ang aking kamay.
"Wag mong ipagsasabi ito anak!" Wika nya sa tensyonadong tono. Napailing ako at naghahalong pagkadismaya, galit at pagkagulo ang bumukas na ekspresyon sa 'kin.
Sinenyasan nya yung lalaking kausap nya kanina na umalis na. Mabilis naman syang sinunod nito.
"Listen-" Pinutol ko kaagad ang kanyang sinabi.
"Bakit mo sya pinapatay!" Nagsilabasan yata ang mga ugat ko sa ulo nang sinabi ko 'yon.
This time parang naging kalmado pa sya na para bang wala lang sakanya. "Para mawalan na ng tagapagmana si Mr. Santillan." Walang kagatol-gatol nyang sabi. So yun ang dahilan nya! Para ano?
"What!" sigaw ko. Hindi makapaniwala. Pagkatapos ay napakusot ako sa mukha ko.
"Ngayong wala na si Kenneth. Siguradong tayo mag i-inherit sa kompanya.." Sabi nya. So yun pala ang dahilan! Dahil lang gusto nyang mapunta sakanya ang kompanya.
"What the hell dad! Hindi ko inakalang aabot sa ganyan ang kademonyohan mo at nagawa mong ipapatay ang anak ni Mr-" Hindi ko pa man naitatapos ang sinasabi ko ay bigla na lamang nya akong sinampal ng napakalakas. Sa sobrang lakas ay pakiramdam ko ay umuusok na ang kabilang pisngi ko.
"Don't talk to me like that!" Singhal nya. Ako naman ay nanatiling nakatagilid ang aking ulo habang hawak-hawak ko yung parte ng mukha ko na binanatan nya ng malakas na sampal.
"I can't believe you dad.." dismayado kong sabi. Hindi ko sukat akalain na may ama akong kasing sahol pa yata ng demonyo.
"Binabalaan kita Russel, wag na wag mo 'kong ilalaglag kay Mr. Santillan!" Sabi nya habang dinuduro-duro ako. Bumilis ang aking buntong hininga.
"Hindi ka pa man namamatay dad, sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno!" Natahimik sya dun sa sinabi ko. Nanginginig ang kanyang labi at alam ko ring nagngi-ngitngit sya sa galit.
Napailing na lamang ako at iniwan sya.
Habang nakasakay naman ako sa elevator. Iniisip ko parin yung ginawa ni daddy. Sukdulan yung ginawa nya kay Kenneth. Si Kenneth kasi ay ang nag-iisang anak ni Mr. Santillan, sya din ang nakatakdang tagapagmana ng kompanya nila, which is ang kompanya ding pinagtatrabauhan namin.
Confident si daddy na sya ang magiging tagapagmana ngayong wala na si Kenneth. Dahil malapit si Mr. Santillan sakanya. Para ngang anak na ang turing nya dito. Ngunit walang alam si Mr. Santillan na inaahas sya nito! Na handang gawin ang lahat mapunta lang sakanya ang kumpanya.
Tumunog ang elevator na hudyat na sa ground floor na 'ko. Parang dun lang ako natauhan. Pagkababa ko palang ay biyernes santo na lahat ng mga mukha ng mga empleyado. Inaalala ko si Mr. Santillan pano nya kaya tatanggapin ngayon na patay na ang kanyang anak?
Jasmine's POV
Dalawang araw na ang lumipas pero hindi padin gumigising yung lalaking tinulungan namin ni lolo. Sa katunayan nandito nga ako ngayon sa kwarto kung saan sya naka-confine at matiyaga ko syang binabantayan.
I wonder, alam na kaya nang mga magulang nito ang nangyari sakanya? Hmm. Most probably siguro ay pinaghahanap parin sya hanggang ngayon..
Habang pinagmamasdan ko sya, nakita ko na bigla na lamang gumalaw ang kanyang mga daliri, nataranta ako at hindi alam ang gagawin, should I call a doctor now?
Aamba palang sana akong tumayo ngunit bigla akong napatigil nang makita kong unti-unti nya ng minulat ang kanyang mga mata. Napatingin sya sa akin ng diretso, papikit-pikit pa sya na halatang nanghihina parin.
"S-sino ka? Nasan ako?" tanong nya, sa nanghihinang tono. Napalunok ako, at ilang segundo muna ang lumipas bago ko sya nasagot. "Nasa ospital ka," mahinahon kong sagot.
"You know.... naaksidente ka?" Patanong kong sinabing muli, napatikhim pa 'ko, dahil ang awkward. Kung titignan mo sya ngayon parang wala padin talaga sya sa huwisyo nya.
"S-sino kaba?" nanghihina nya ulit na tanong.
"Ahmm. Ako si Jasmine, kami ng lolo ko ang nagdala sa 'yo dito sa ospital, hindi ba't naaksidente ka?" Wika ko. Tumahimik lang sya pagkatapos kong sabihin yun, and his expression remained impassive. Shz! Ano kayang nangyari sa lalaking 'to, bakit parang wala sya sakanyang sarili?
Tumikhim muli ako. "Ahmm. Ikaw, sino ka pala? Pwede kabang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa identity mo?" Sabi ko, yumuko-yuko pa 'ko sakanya. At kinaway-kaway ko ang aking mga kamay, para makuha ko ang atensyon nya.
Nanatiling nakatikom ang bibig nya.. Hindi nya sinagot yung tanong ko, dahil dun ay napakunot ang noo ko.
"Uy!! Sino ka? Magbigay ka naman nang pwedeng kontakin sa mga magulang mo para mapuntahan ka na nila dito," muling sabi ko ngunit parang kinakausap ko lang ang hangin. What happened to him?
Mas lumapit pa 'ko sakanya, hinawakan ko pa baba nya para bumaling sya sa 'kin.
Ngumuso ako. "Anong pangalan mo? At taga san ka?" Tanong ko sa seryosong tono.
"Hindi ko alam," tugon nya, Nasamid ako ng bahagya, napahawak pa 'ko sa bibig ko. Joker din 'tong lalaking 'to ah? Pwede ba yun, hindi alam kung sino sya at taga san sya?
"Seryoso? Sabihin muna! Hindi ito ang time para magbiro," utas ko. Napahawak lang sya sa ulo nya at nanatiling tulala.
Ilang segundo na ang lumipas ay hindi parin sya nakakasagot. Bigla nadin akong kinutuban, mukhang hindi naman sya nagbibiro.
"Hindi ko talaga alam.." sabi nya. All of a sudden bigla na lang syang napadaing habang hawak-hawak ang nakabondage nyang ulo.
"Ahhh!" daing nya. Kinabahan ako lalo, kaya wala ng patumpik tumpik pa ay nagmamadali akong lumabas ng kwarto nya at tumawag muli ako ng doctor.
Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa nakita ko dun sa lalaki, para kasing ang sakit-sakit talaga ng ulo nya.
Pagtawag ko naman ng doctor ay agad naman nilang pinuntahan yung lalaki sa kwarto nya para examinin sya ulit. Kagat-kagat ko ang aking labi habang sinisilip kung anong ginagawa sakanya.
Suddenly, bigla naman ang pagdating ni lolo.
"Anong nangyari?" bungad nya with a perplexed expression.
"Nagising na po yung lalaking tinulungan natin, tapos bigla na lamang sumakit ang ulo nya.. Tas ngayon ine-examine sya ng doctor."
"Malubha kasi ang pagkaka-bagok ng ulo nya, kaya iniinda nya siguro ngayon yung sakit." Iling ni lolo. Bahagya pa syang napangiwi at halatang inaalala nya yung lalaki. "Hm. Nakausap muna ba sya?" he continued. Napakamot naman ako sa ulo ko, at inalala ang katiting na conversation namin nung lalaki kanina.
"Opo.. Kaso parang wala sya sa huwisyo e, tas tulala lang sya ganun. Tapos, tinanong ko naman kung sino sya, ang sabi nya hindi nya daw alam." Sagot ko. Nalaglag naman ang panga ni lolo, he look so horrified now.
"Anong sabi mo apo? Hindi nya alam ang pangalan nya?" Naguguluhan na sabi ni lolo. Tumango ako. "Opo, pero siguro pag nahimasmasan na sya, maaari na natin syang kausapin ng matino," kibit-balikat ko, at muling dumungaw dun sa kwarto nung lalaki.
Kita ko mula dito sa kinatatayuan ko na, masinsinang kinakausap sya nung doctor, wala naman akong ka-ide-ideya kung ano ang pinag-uusapan nila.
Nagtaka lang ako sa ekspresyon ng doctor, dahil ngumiwi ito at napailing. Para bang nakasagap sya ng bad news ganun.
Humalukipkip ako at nagbuntong hininga, tsaka ko hinarapan si lolo na ngayon ay parang ang lawak-lawak ng iniisip.
"Lo, ano pong iniisip nya?" tanong ko then I c**k my head at the one side.
"Sabi mo, hindi alam nung lalake ang pangalan nya, pwede ba 'yon? Ako kinukutuban ako ha hindi kaya nagka-am---" Naputol ang sinasabi ni lolo, dahil bigla na lamang lumabas yung doctor, nakuha nya ang mga atensyon namin kaya pareho kami ni lolo na napabaling sakanya.
"Kamusta na po yung lalaking pasyente doc?" Pambungad kong sabi sakanya.
He sighed, at tinaas nya ang kanyang salamin, at sumilip sakanyang clipboard.
"Hm. Well, ayun sa pinapakita ng at sa kilos nung lalake, sadly, nagka-amnesia po sya, pero we need to check his brain first, kailangan muna natin syang isalang sa CT-scan."
Automatic na nalaglag ang panga ko dun sa ibinalita ng doctor. Amnesia? May Amnesia yung lalaki!
Napatampal ako sa bibig ko at inalala ko sya, kaya pala! Kaya pala parang wala sya sakanyang sarili nung kinakausap ko sya. Akala ko pa man din nagbibiro lang sya na hindi nya alam ang kanyang pangalan.
Nagkatinginan kami ni lolo, he was taken aback too. "Sinasabi ko na nga ba." Ani lolo sabay iling.
"Masama kasi ang pagkakabagok ng kanyang ulo, marahil naapektuhan ang kanyang utak that's why he lost his memories, sadly completely na wala syang naalala sa buhay nya." Napailing din ang doctor. Ako naman ay natulala.. At na-speechless. Pano na nyan sya? Pano namin sya maibabalik sa pamilya nya kung wala naman syang maalala ni-isa sa pagkatao nya?
"Pero may pag-asa namang mabalik ang memorya nya di ba doc?" Ani lolo. Napatigil ang doctor at tumango din naman.
"Yes, however hindi natin masasabi kung kailan," sagot ng doctor. Napalunok ako ng malalim.
"Okay, I have to go," paalam ng doctor. Pagkatapos nun ay naging tahimik ang pagitan sa aming dalawa ni lolo. Shocking naman kasi yung nangyari dun sa lalaki.
"Lo... pano nyan natin maibabalik yung lalaki sa mga magulang nya?" Binasag ko ang katahimikan. He shrugs. "Mahirap nga ang sitwasyon nya Jasmine. Hindi naman natin sya pwedeng pabayaan nalang.. Lalo na't hindi pa sya lubusang ayos." Mahinang bulalas ni lolo.
"Oo nga po e, naaawa din ako sakanya," Nag-aalalang sabi ko. Kumbaga kasi parang na re-start muli yung memorya nung lalaki e.
"Mabuti pa't kausapin natin sya. Halika..." Anyaya ni lolo tsaka sya tumayo. Tumayo din ako at sabay kaming pumasok dun sa kwarto nung lalaki.
Magpahanggang-ngayon impassive parin ang ekspresyon nya. Nginitian ko sya. Pero nanatili syang matabang. Tinignan nya ko pero mabilis din naman syang nag-iwas ng tingin.
"Hi!" Bati ko sakanya. I tried to lighten up his mood. Pero mukhang wa epek. Siguro kailangan pa naming maghintay ng ilang araw bago namin sya makausap ng matino. Kakagising nya lang kasi e. At isa pa, iniinda nya pa siguro ang mga masasakit sa katawan nya, sa katunayan nakasemento pa nga ang kanyang kaliwang kamay e.
Umupo kami ni lolo sa tabi nya, at hindi namin inaasahan na magsasalita sya. "Kayo ba ang nagdala sa akin dito?"
Napakurap-kurap ako at hindi kaagad nakasagot.
"Ah oo! Tinulungan ka namin ng lolo ko!" wika ko.
"Pati ba nung madaling araw ng pagkakaaksidente mo ay hindi mo din maalala?" Mahinahon namang sabi ni lolo. Umirap sa kawalan yung lalaki na tila ba pinipilit nyang alalahanin ang lahat.
Umiling lang sya bilang sagot dun sa tanong ni lolo.
"Pati pangalan mo hindi mo maalala?" tanong ulit ni lolo. Umiling lang sya ulit.
"Lo, may amnesia nga sya, he completely lost his memories, wag nyo po syang pilitin pag-isipin. Baka ma-stress." sabi ko sa kay lolo. Huminga lang sya ng malalim at tinikom nalang nya ang kanyang bibig.
Hinarapan naman ako nung lalaki. Nagkatitigan kami ng mata sa mata ng ilang segundo. Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam ako ng pagkailang.
"Salamat sa pagtulong nyo sa 'kin.." sabi nya. Unti-unti akong nag-angat muli ng tingin sakanya tsaka ako ngumiti. "Wala yun."
"Wag nyo kong iwanan pakiusap. Dahil hindi ko alam kung pano na 'ko neto ngayong wala naman akong alam sa pagkatao ko," pakiusap nya sa malungkot na tono. Nahabag ako seriously, eh kasi nga naman saan sya pupulutin pagkalabas nya dito sa ospital e wala naman syang kaalam-alam dahil na re-start muli ang memorya nya.
"Wag kang mag-alala sa ngayon, kami muna ang kukup-kop sa 'yo habang nagpapagaling ka, at hindi ka din namin papabayaan hangga't hindi pa bumabalik ang orihinal na memorya mo," wika ko at alam kong bakas na bakas ang sinseridad sa aking tono.
"Hindi ba, lo?" Hinarapan ko si lolo, at hinihintay ko ang pag sang ayon nya. Pero mukhang naghe-hesitate pa sya. Pero kalaunan ay tumango din. "Sige, walang problema."
"Salamat, dahil mababait ang mga tumulong sa 'kin," he smiled briefly after he said that. Buti nga kami ang nakakita sakanya nung mangyari yung aksidente, kung hindi kami. Pano na kaya sya ngayon?
"Hindi mo pa pala kami kilala hindi ba?" nakangiti kong sabi. Bahagya syang tumango.
"Ako si Jasmine! Jasmine Cruz.. at eto naman ang lolo ko. Si lolo Arthur," sabi ko. Tumango sya. Ako naman ay iniabot ko ang kamay ko sakanya, na tinanggap nya naman. Pero the moment na nahawakan ko ang kamay nya. Hindi ko alam kung bakit parang bigla na lamang nag skip-beat ang puso ko..