Chapter 2

2387 Words
Chapter 02 - Jacob Kinabukasan, ay sumailalim nga yung lalaking tinulungan namin sa CT scan. Hindi na kami nagreklamo sa nagastos namin sakanya. Basta ang iniisip lang naming dalawa ni lolo ay ang kaligtasan nya. Masinsinan kaming kinausap nung doctor, at inexplain sa amin ang parte ng kanyang brain na nagkokontrol ng memorya na na-injured. Patango-tango lang ako, at pilit na iniintindi ang mga sinasabi ng doctor kahit na may mga medical terms na hindi ko naman maintindihan. Si lolo naman ay nakahawak sa baba nya, at diretsong nakatingin dun sa x-ray nung utak nung lalaki. "Malaki naman ang chance ng pagbalik ng memorya nya hindi ba doc?" utas ni lolo na mabilis namang tinanguan ng doctor. "Opo, kaso tulad nga ng sabi ko, hindi natin alam kung kailan.." sabi ni doc. "Wala po bang paraan para mapabilis ang pagbalik ng memorya nya?" Tanong ko naman. Kyuryoso. "Hmm. It takes time lang talaga, Wala pa naman kasi akong nalaman na may amnesia na hindi bumalik ang original memory." Seryosong sabi nya. "Ngunit, may case na kapag bumalik na ang orihinal na memorya nya, malaki ang posibilidad na mabura na ang mga alala nya nung may amnesia sya, kasi mag-i-stick na ulit ang utak nya sa kanyang totoong memorya." Muling sabi ni doc, na ikina bigla namin ni lolo. Lalo na ako. I don't know kung bakit bigla nalang akong kinabahan. "Ganon po pala yun?" Gulat na wika ko. Pumikit si doc at tumango. "Yes.." Ang saklap naman pala, so once na bumalik na ang memorya nya may posibilidad na makalimutan nya ang mga alala nya noong kasalukuyang may amnesia sya. Pagkaalis ng doctor ay ipinagkibit-balikat ko nalang lahat ng mga thoughts na bumagabag sa isip ko. Okay lang kahit makalimutan nya man 'tong ginawang pagtulong namin sakanya, basta ang mahalaga ay bumalik ang kanyang original memory at gumaling sya, dahil alam ko naman na sa utak nya ay mawawala din kami pero paniguradong sa puso nya ay mananatili kaming dalawa ni lolo doon. Pumasok kami ni lolo sa kwarto nung lalaki. Pero pansin ko ang pagtabang ng ekspresyon nya. Hindi ko naman kasi mahinuha kung ano man ang iniisip nya. Basta ang napapansin ko lang ay hesitanly syang kupkupin namin yung lalaki. Marahan kong binuksan yung pintuan ng kwarto. Sinilip ko muna sya bago tuluyang nagpakita. Nakaupo sya ngayon sa kama habang nakasandal ang kanyang likod sa dingding. Nakakatuwa, dahil may improvement na sya, hindi na sya mukhang nanghihina ngayon. Marahil mas mabuti na ang kanyang pakiramdam. Nang magtagpo ang aming mga mata ay nginitian nya 'ko, I smiled back to him naman, pagkatapos ay tuluyan na kaming pumasok ni lolo at umupo sa tabi nya. "Nagugutom kaba?" Tanong ko na mabilis nyang hinindian. Suddenly, hindi nya kami matignan-tignan ni lolo, napayuko sya na para bang nahihiya? "Hmm. Nahihiya na ako sainyo." Nagkatinginan kaming dalawa ni lolo pagkatapos nya 'yong sabihin. Mukhang tama nga ang nasa isip ko, nahihiya nga sya. "Ano kaba, wag mungang isipin yun!" Sabi ko. Sa totoo nyan, wala naman talaga sa amin ni lolo yun e. "Ano po bang pwede kong gawin para makabayad sa inyo?" Muli syang nag-angat ng tingin, si lolo naman ang binalingan nya. "Hindi naman kami naghahanap ng kabayaran e." simpleng sagot ni lolo. "Tama sya don!" Pag sang-ayon ko naman dun sa sinabi ni lolo, tsaka sya ngumiti ng genuinely. "Salamat talaga.." Yun lamang ang kanyang nasabi. Sa mga sumunod na araw. Kami ang kumupkop dun sa lalaking tinulungan namin. Sa katunayan, kasama na namin sya ngayon pauwi sa bahay.. Wala kasi syang choice. Eh sino pa bang ibang kukup-kop sakanya. Kung hindi kami. Tahimik lamang sya habang tinitignan ang view sa labas, ako naman ay nakangiti syang tinitignan. I wonder, sino nga kaya itong lalaking 'to. Anong pangalan nya at ilang taon na sya? Bigla naman syang napabaling sa akin. Kaya mabilis pa sa kidlat ay nag-iwas ako ng tingin, at nagkunyaring may sinisipatan ako sa labas. Pero nakakahiya, alam ko kasing nahuli nya kong nakatitig sakanya. "Saan kayo nakatira?" Biglaang tanong nya. Napilitan akong bumaling sakanya para sagutin yung tanong nya. "Sa Paradise Villa.." ngiti ko, kumunot ang kanyang noo. "Paradise Villa?" Patanong nyang sinabi. Kaya siguro ganito ang ekspresyon nya, kasi hindi nya din alam ang lugar na 'yon. Malayo kasi 'yon. Bihira nga lang ang mga nakaka-alam ng lugar na 'yon. "Yes.. Makikita mudin, maganda don!" Proud kong sinabi. Napahawak sya sakanyang batok. At tumango nalang. Makalipas ang ilang sandaling byahe ay nakarating nadin kami sa wakas! Nagmamadali akong lumabas ng pick up namin, sunod naman si lolo, at huli naman yung lalaki. Eksaktong pagkababa nya naman ay agad nyang pinasadahan ng tingin ang paligid. Hinarapan ko sya at itinaas ko pa ang aking dalawang kamay. "Welcome to Paradise Villa!" Masigla kong sabi habang nakangiti. Tinuro ko pa yung karatulang kahoy na may nakaukit na "Paradise Villa." "Maganda dito hindi ba?" Sabi naman ni lolo. Ngiti at tango lang naman ang sinagot doon nung lalaki. Pagkatapos nyang pasadahin ng tingin ang buong paligid ay nakisabay na syang maglakad patungo sa bahay namin. "Gubat ba 'tong lugar na 'to?" Nalusaw ang ngiti ko sa labi pagkatapos nyang sabihin yun. "Gubat? Parang ganun na nga!" Sabi ko. Eto kasing lugar namin na 'to ay napakadaming puno. Pero kung iniisip nyo na parang Jungle type, at madaming mababangis na hayop. Hindi sya ganon! Maiikumpara ko sya sa Sagada ng Mountain Province. Parang ganun sya, madaming-madaming pine trees ang nakatanim sa paligid. Kaya nga 'to tinawag na Paradise Villa kasi mala-paraiso ang ganda. Nakakarelax. Sariwa pa ang hangin. "Parang wala na yata to sa mapa e.." Tawa nya bigla. Ngumuso ako. Echusero 'tong lalaking to ah? Bakit parang hindi sya nagagandahan sa lugar namin? "Grabe ka naman!!" Tinapik ko sya sa braso nya. Napadaing sya. Kaya mabilis naman akong nagpaumanhin. Natamaan ko kasi ang nakasemento nya pang kaliwang kamay. "Sorry.." Nag piece sign ako. "Okay lang.." Nagkibit-balikat lang sya. "Hindi muba nagustuhan dito sa lugar namin?" Tanong ko. Umiling sya. "Wala naman akong sinabing hindi ko gusto di ba?" "Eh kasi sa ekspresyon mo parang ayaw mo?" Wika ko. "Hindi.. Relaxing nga ang first impression ko at 'di mo mapagkakailang maganda talaga.." Bumawi sya. Akala ko hindi nya na pupuriin 'tong lugar namin e. "Pero nawiwirduhan ako.. Kayo lang ba ng lolo mo ang nakatira dito?" Tanong nya. Kyuryoso. "Hindi! May mga neighbors din kami, yun nga lang konti lang. Tsaka alam mo simple lang ang buhay namin dito!" Sabi ko. "Mukhang hindi naman kayo mahirap," sabi nya. "Sakto lang," sagot ko. Ngumiti sya pagkatapos nun ay hindi na kami nagsalita pa. Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay namin. "Nandito na tayo!" sigaw ni lolo. At una ng pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko sya pinansin, hinarapan ko lang itong lalaki at masigla kong inintroduce sakanya ang bahay namin. "Tada! Eto ang bahay namin!" High energy kong sabi. Tumingala sya at nakangisi nyang pinagmasdan ang bahay. "Ang ganda ng bahay nyo." Sabi nya at tinignan nya ko. Buti pa 'tong bahay namin agad nyang naappreciate. Sabagay kahit sino namang makakita ng bahay namin lagi nilang pinupuri ito. Dahil sa maganda daw. Iba kasi ang disenyo nya. Para bang katulad sya nung mga bahay na tipikal sa America.. American inspired kasi ang disenyo nito. "Tara, pasok tayo!" Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay at nag half-run kaming pareho patungo sa loob. Mukhang nahihiya pa sya pagtapak nya sa loob e. Agad ko syang pinaupo sa may sofa. "Ngayong nagpapagaling ka muna sa amnesia mo, dito ka muna sa bahay namin.." Biglang nagsalita si lolo, kaya napatingin kaming pareho sakanya. "Salamat po. Pero pangako na hindi ako magiging pabigat sa inyo.." wika nya sa mahinang tono. Marahil nahihiya na naman sya. "Salamat po talaga sa pagkup-kop sa akin." Muling sabi nya. Hindi naman ako nagdalawang-isip na kupkupin sya, dahil nase-sense ko naman kasi na mabait syang tao. "So ngayon, kasapi ka na ng pamilya namin hindi ba apo?" utas ni lolo. Pagkatapos nun ay nagkangitian kaming pare-pareho. Nagpaalam muna din si lolo para maghanda ng lunch kaya naiwan kami dito nung lalaki na masayang nagke-kwentuhan. "Kayo lang bang dalawa ng lolo mo ang magkasama dito?" He asks tentatively. "Oo." simple kong sagot sabay ngiti. "Eh nasan mga magulang mo?" Bumaba ang tingin ko at lumungkot din ang aking ekspresyon. "Wala na sila," mahinang sagot ko. "Anong ibig mong sabihin na wala na sila?" Mahina ding tanong nya. Suminghap ako at muling nag-angat ng tingin. "Patay na sila.." simpleng sagot ko. Nagulat sya at mabilis na humingi ng paumanhin. "Sorry." Umiling ako. "Ano kaba, okay lang! Ulilang lubos na 'ko, kaya si lolo nalang ang nagpalaki sa akin." sambit ko. "Ganun ba?" Yun lang ang kanyang nasabi, at mukha na syang nahiyang magtanong ulit. "Ngayong dito kana titira.. Hindi ka namin matawag sa totoong pangalan mo, dahil hindi namin alam. Maski ikaw di ba? So anong gusto mong itawag namin sa 'yo?" Winala ko ang pinag-uusapan namin kanina at pinalitan ko ng bagong topic. Pagkasabi ko nun ay natahimik sya, mukhang napaisip. Alangan naman kasing sa tuwing tinatawag namin sya ay ang palagi naming sinasabi. "Uy," lang hindi ba? Kaya nararapat lang na ngayon na hindi pa bumabalik ang memorya nya ay binyagan muna namin sya ng alternate na pangalan. Nagkamot sya. "Hindi ko alam e." Napangiwi ako. "Ikaw ang magdesisyon, Ano bang gustong mong ipangalan namin sa 'yo?" Tanong ko. He smile shyly at sinabing. "Ikaw, kung ano ang gusto mo!" Aniya. Nag-palumbaba ako at nag-isip ng mga maaaring ipangalan sakanya. "How about.. Berting nalang gusto mo?" Pagbibiro ko na mabilis nyang hindi sinang ayunan. "Mag-isip ka naman ng maganda!" sabi nya. Natawa naman ako, dahil mukhang ayaw na ayaw nya dun sa sinuggest kong pwedeng ipangalan sakanya. "Kung Atoy nalang?" I snap at pilyang ngumisi. Bigla nya kong inirapan. "Ang pangit naman! Wala kabang maisip na iba?" Humalakhak ako ng humalakhak habang sya ay nanatiling nakairap sa 'kin. "Oh sige, Hmmm. Jacob? Gusto muba 'yon?" Tanong ko. Tumingala sya at mukhang nag-isip muna. Siguro naman hindi na baduy 'yon no? Simpleng pangalan pero very manly. "Buti pa 'yon." Ngumiti na sya. "So, yun nalang?" sabi ko. Tumango-tango sya. "So ngayon, Jacob na ang itatawag namin sa 'yo?" masigla kong sabi. Nag-thumbs up sya. "Sige." Mas lalo akong lumapit sakanya at humagikgik ng humagikgik. "Yes! Sa wakas ay may pangalan kanadin Jacob!" masayang sabi ko. Kinagabihan, ay naging problema namin ni lolo kung saan papatulugin si Jacob. Dalawa lang kasi yung kwarto ng bahay namin which is ino-occupy naming dalawa. Actually, may isa pa naman. Kwarto ng namayapa kong lola, kaso madumi dun e. Inaagiw pa, kase magsimula nung namatay si lola, wala nang gumamit ng kwarto na yun. "Ahm.. Dito nalang po ako sa sala matulog, ayos lang po ako dito.." Suhestiyon ni Jacob. "Naku.. Lalamigan ka jan Jacob. Mabuti pa kung dun ka nalang muna sa kwarto ni Jasmine matulog.." Naubo ako dun sa sinabi ni lolo, pagkatapos ay nagkatitigan kami ni Jacob. "Dun ka muna pansamantala, habang hindi pa natin narerenovate yung isang kwarto, ayos lang ba yun sa 'yo apo?" Binalingan ako ni lolo at binigyan nya 'ko ng pumayag-kana-ngayon-lang-naman-look. Sige na nga. Tumango ako at ngumiti. "Sige." Mukhang hindi naman makapaniwala si Jacob. "Sigurado ka Jasmine?" sabi nya. "OO nga!" wika ko. "Alright. Ako ay matutulog na, maaga pa 'ko sa farm bukas," sabi naman ni lolo at aamba ng papasok sakanyang kwarto. "Sige po lo! Goodnight!" Masigla kong sabi. Pagkaalis ni lolo nagkatinginan kaming dalawa ni Jacob. "Tara na.." Sabi ko at una akong pumanik ng hagdan. Mabilis nya naman akong sinundan. Pagpasok palang namin ni Jacob sa loob ng kwarto ko ay agad syang napa-wow. "Ang ganda ng kwarto mo huh?" Mangha nyang sabi habang pinapasadahan ng tingin ang mga gamit sa paligid. "Hindi naman." I chuckled, tas natahimik sya wala syang ibang ginawa kungdi pagmasdan ang paligid. "Ahmm. Jacob?" Tikhim ko, kaya napalingon sya ulit sa akin. "Hmm?" Aniya. "Ako nalang dito sa sahig. Ikaw nalang muna jan sa kama, ayos ba?" Suhestiyon ko na mabilis nyang inilingan. Halatang disapprove. "Hindi Jasmine.. Nakakahiya naman sa 'yo, ako 'tong nakikitulog tas ako pa ang pe-pwesto sa kama?" Nagkamot ako. Infairness huh? Gentleman. Ang pangit nga namang tignan kung ako ang pepwesto sa lapag. "Sigurado ka?" Sabi ko. Ngumiti sya at nag thumbs-up. Napalunok ako ng makita ko syang ngumiti, para bang nadistract ako, lalo nang pinakita nya ang napakalalim nyang dimple. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko umiinit ang pisngi ko. Jeez.. What's happening to me? Pagtalikod ko ay tinapik ko ang noo ko. Ngiti lang yun Jasmine ba't wagas ka naman kung magharumentado. Saad ng utak ko. Mukhang nawirduhan si Jacob sa biglaang pag-talikod ko. "Jasmine, may problema ba?" Tanong nya. Humarap muli ako sakanya, at umiling. "Wala.." saad ko. Binuksan ko yung lagayan ko ng comforter, at kumot at kumuha ako ng tig-iisa at ini-abot ko 'to sakanya. "Eto oh. Wag kang mag-alala pag na renovate na yung isang kwarto pwede ka ng matulog don!" Masaya kong sinabi. Kinuha nya sa 'kin yung comforter at inilatag nya 'to sa sahig. "Salamat huh?" Kota na yata kami sa pagpapasalamat nya ah? "Wala yun!" kibit-balikat ko at tinulungan ko sya sa paglalatag. Nang mailatag na yung comforter ay inabutan ko naman sya ng unan. "Ang laki talaga ng utang na loob ko sainyo ng lolo Arthur mo.." Bulong-bulong nya. "Wala yun sa min.. For the mean time, habang 'di pa bumabalik ang ala-ala mo, ay welcome ka dito," mahina kong sabi. Kahit na may possibility na makalimutan nya kami ni lolo once na bumalik na ang totoong memorya nya. Malungkot man pag nangyari yun, pero tatanggapin ko. Mananatili naman kami panigurado ni lolo sa puso nya. "Anong iniisip mo," biglang sabi nya. I shook my head. "Wala.." sagot ko. "Tulog na tayo?" sabi ko ulit. "Okay.. Goodnight," simple nyang sagot. Aamba palang sana akong patayin yung ilaw ngunit bigla nya naman akong pinigilan. "Pwede bang wag mung patayin yung ilaw?" Sabi nya. Napatigil ako. "Pero, bakit?" tanong ko. "Parang hindi yata ako makatulog pag hindi nakabukas ang ilaw," sabi nya. Natawa naman ako. Mukha yatang matatakutin sya? "Takot ka sa dilim?" Wika ko. Namula ang pisngi nya na halatang nahiya. "Nakakatakot kasi baka may tumabing multo sa 'kin dito." Hindi ko na napigilan na hindi humagalpak sa tawa dahil dun sa sinabi nya. "Ano kaba! Walang moo-moo dito no." saad ko. "Pano mo nalaman?" Aniya. "Basta, wala! Pero sige para sa 'yo, hindi ko papatayin ang ilaw. Baka kasalanan ko pa kungdi ka makatulog jan." Hagikgik ko. Nag-iwas lamang sya ng tingin. He look so embarrassed. Grabe, kahit hindi ko naman talaga kilala ang personalidad nitong si Jacob, nasesense ko na matatakutin sya. "Good night Jacob!" Sabi ko at nahiga na 'ko at nagtalukbong na ng comforter. "Night.." sabi nya naman. Napangiti ako. Sa gabing 'yon, hindi mabura-bura sa mga labi ko ang ngiti dahil pakiramdam ko ay ang saya-saya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD