Chapter 03 - Heartbeat Fast
Mataas na ang araw nang tumayo ako mula sa pagkakahilata ko. Napakusot din ako sa aking mga mata dahil nakakakasilaw ang sunlight na tumatama sa akin.
Napatampal ako sa bibig ko nang mapagtanto ko na hindi ko pala nasamahan si lolo sa pagdedeliver ngayon! Late na kasi akong nagising e. 'di kasi agad ako nakatulog kagabi.
Pinusod ko ang buhok ko pagkatapos ay bumaba na 'ko mula sa kama. Napatigil ako nang makita ko si Jacob na nakahilata parin hanggang ngayon. Mukhang napakalalim pa ng tulog nya ah? Hindi rin din 'to siguro agad nakatulog kagabi.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ko syang tulog, ngunit nang mapansin ko na matagal-tagal na ang pagtitig ko sakanya ay tumayo na 'ko. Makatitig naman ako wagas, pano kasi ewan ko ba kung anong meron sakanya, napaka-amo kasi ng mukha. Napakasarap pagmasdan, yung tipo na kapag nakita mo sya ay hindi mo maiiwasan na tignan ulit. Parang ganun.
I wander over to the window that looks out over the yard, and the mountain. It's clear powder-blue summer day. Nakakagood-vibes, dahil napakaganda ng panahon.
Pagkatapos kong sumilip sa labas ay pumasok na 'ko sa banyo ng kwarto ko upang mag toothbrush. After that, I pumasok na 'ko sa shower room ng banyo at naligo na.
Pahum-hum pa 'ko habang shinashampoo ko ang aking mahabang buhok ngunit halos mapatili ako sa gulat ng makita ko si Jacob na pumasok! Holy crap! Hindi ko na nabanlawan ang aking buhok ay nagkukumahog kong kinuha yung twalya at tinakpan ko ang sarili ko.
Papikit-pikit pa sya nung makapasok pero mabilis na nawala ang pagka-antok nya nang sumigaw ako ng malakas.
"JACOB!" Dalangin ko ay sana wala syang nakita. Pero hindi ako sure kasi salamin 'tong pagitan ng shower room e.
Napalunok sya habang nanlalaki ang mga mata nang makita nya 'kong nakairap. Agad syang humingi ng paumanhin at mabilis pa yata sa kidlat nang tumalikod sya.
"SHT! sorry Jasmine!" Sabi nya. Without a second glance ay lumabas na sya ng banyo.
Hindi nya ba narinig bago sya pumasok ang pagpatak ng tulo galing sa shower? Siguro talagang antok na antok pa sya kanina kaya wala pa sya sa sarili nya.
Tinuloy ko na ulit ang pagsh-shower nang maramdaman ko nang humapdi ang aking mga mata. Bumaba na ang bula ng shampoo sa aking mata kaya nagmamadali ko 'tong ni-rinse ng tubig.
Hindi ko na tinagalan ang pagligo, nang matapos na ako ay agad na 'kong nagbihis nang makabihis na ay awkward akong lumabas ng banyo. Agad na tumambad sa akin ngayon si Jacob na ngayon ay kagat-kagat ang kanyang pang-ibabang labi.
Yumuko sya. "Sorry talaga kung tuloy-tuloy akong pumasok sa banyo, 'di ko naman yun sinasadya promise!" Nakapikit sya habang sinasabi nya 'yon. Talagang todo paumanhin sya.
"Wala ka namang nakita di ba?" Nahihiya kong tanong. Pagkatapos ko ngang sabihin yun ay uminit ng husto ang pisngi ko.
Malalim syang napalunok pero agad-agad din naman syang tumango-tango.
"Promise! Wala talaga akong nakita!" Sabi nya. Tinanguan ko nalang tsaka ako nag-iwas ng tingin. Sa tingin ko wala naman talaga syang nakita e. Mabilis ko naman kasing natakpan ang sarili ko kaninang pumasok sya ng biglaan sa banyo. At isa pa, may kasalanan din naman ako kasi 'di ko nilock yung pintuan. Pero kasi sanay akong di naglo-lock. Nawala sa loob ko kanina na may maaaring pumasok pala.
Umupo ako sa harap ng salamin. "Okay lang, hm.. Magbabanyo kaba?" Tanong ko tsaka ko sya nilingunan ulit, he nod shyly. "Sige, pumasok kana.." Tumango sya at pumasok na dun sa banyo.
Napasinghap ako at binura ko na sa utak ko yung eksenang nangyari kanina. Grabe nakakahiya..
Sinuklay ko ang buhok ko pagkatapos ay nag-ayos ako ng konti. After that ay bumaba na 'ko mula dun sa kwarto.
Wala padin si lolo, nasa palengke padin siguro iyon o hindi kaya binisita nya yung mga farmer dun sa farm namin.
Dumiretso ako sa kusina upang maghanda ng almusal. Hindi pa pala kami nakakapag-breakfast ni Jacob. Kumakalam nadin panigurado ang tiyan non.
Habang hinahanda ko naman ang mga niluluto ko ay linapitan naman ako bigla ni Jacob.
"Gusto mo, tulungan na kita?" Paanyaya nya. Hinarapan ko sya tsaka ako umiling. "Naku, wag na Jacob, ako nalang. Umupo ka nalang jan," sabi ko sabay nguso dun sa upuan para isenyas na dun nalang sya. Kaso nagpimilit inagaw nya sa 'kin yung mga hawak-hawak ko.
"Ano kaba Jasmine, nararapat lang na tumulong ako, Ako na nga 'tong nakikitira tapos ako pa ba itong magbubuhay prinsipe." Napakamapilit din pala nya.
"Kaya mo? Tignan mo nga 'di pa ayos yang isa mong kamay," Sabi ko. Umiling lang sya. Bahala nga sya, mapilit e, kaya pinabayaan ko nalang. Sya yung nag-whisk nung itlog.
Ako naman ang nagluto. Nang matapos yun ay kumain na kami ng sabay.
"Nasan na pala ang lolo mo?" Tanong nya habang kumakain kami. "Nasa farm siguro yun." sagot ko.
"May farm kayo?" Aniya.
"Yep." Ngumiti ako. "Gusto mubang pumunta don?" Agad naman syang tumango at lumapad ang pagngisi nya.
"Sige pupunta tayo doon pero hindi muna sa ngayon," wika ko. Tamang-tama hindi ko pa nga pala naiilibot itong si Jacob sa lugar namin. Napapangisi tuloy ako ng wala sa oras nang maisip ko ang magiging reaksyon nya kapag nailibot ko na sya dito sa lugar namin.
Nang matapos kaming mag-breakfast dalawa ni Jacob ay nagpa-alam muna ko sakanya.
"Ahmm. Jacob, alis lang ako saglit huh?" Utas ko habang sinusuot ko ang aking body bag.
"San ka pupunta?" Tanong nya na halatang kyuryoso. Hinarapan ko naman sya tsaka ako ngumiti. "Basta." Nagkamot sya pagkatapos kong sabihin yun.
"Pupuntahan mo lolo mo?" Umiling ako. "Eh san nga?" muling sabi nya.
"Basta nga. Saglit lang naman ako e! Sige ba-bye na!" Masiglang sabi ko.
"Jasmine uy-" Hindi na nya natuloy ang kanyang sinabi. Wala nadin naman na syang nagawa dahil umalis na 'ko. Balak ko kasi syang bilhan ng mga damit. Kawawa naman kasi sya. Walang maisuot, kung sanang babae lang sya ay walang problema kaso nga, lalaki sya.
Kinuha ko yung bike namin tsaka ako sumakay doon.
Pinaandar ko ito at maligaya akong nagbike.. Ang sarap talagang mag-biseklata lalo na kapag ganito yung view.
Makalipas naman ang ilang sandali ay nakarating na 'ko sa tiangge malapit dito sa amin. Ukay-ukay dito, karamihan ng mga tao sa amin ay dito namimili ng damit. Maayos naman ang mga damit dito e, mura pa.. Para syang divisoria ganun.
Bumaba ako sa bike at tsaka ko sinuyod ang tiangge. Madami akong nakitang tingin ko na babagay kay Jacob. Masaya kong binili lahat ng mga nagugustuhan ko.
Matiyaga din akong nakipagtawaran sa mga aleng tindera.
"Ate, 200 nalang? Please.." Nag-puppy eyes pa 'ko kay aling tindera baka sakaling umubra. Gustong-gusto ko kasi itong hawak-hawak kong damit na para kay Jacob ngayon kaso 280 ang presyo e.
Nagkamot ng ulo ang ale at ngumuso. Mukhang hindi nya yata ibibigay ah?
"Naku, fixed price na yan e." Angil nya. Lumungkot ang mukha ko at nagpapa-awa effect. Nilahad ko yung t-shirt sa harap ko habang malungkot na tinitignan.
"Sayang..." bulong-bulong ko. Napabaling sa akin ang tindera and I guess na naawa sya. Nagpaawa ako e.
"Para kanino ba yan?" Tanong nya bigla. Binatawan ko yung damit.
"Para sa kaibigan ko po sana.. Sige po, tingin nalang ako sa iba." Bahagya akong yumuko sa ale at tumalikod na. Pipihit na 'ko, magbilang kalang ng one-to-three Jasmine paniguradong tatawagin ka ulit nyan, sabi ko sa isip ko at bahagya na 'kong naglakad.
"SANDALI LANG!" Tawag nung ale. Sinasabi ko na nga ba! For sure ibibigay nya na yon sa presyong gusto ko! Napangisi ako at napa-hagikgik ng wala sa oras.
"Bakit po?" Pakunyari pa 'ko nang lumingon ulit sakanya.
"Halika nga!" Aniya at sumenyas sya na lumapit ako sakanya na mabilis ko namang ginawa. Eto na Jasmine ibibigay nya na!
"Sige na nga payag na 'ko na two-hundred, ito na kunin mo na!" Lumawak ang pagngisi ko. Nagbunyi ang sistema ko. Ang galing mo talaga Jasmine! Sabi ko na nga ba effective yung taktika ko e.
"Talaga po!" Masigla kong sabi. Tumango ang ale at binalot nya na yung t-shirt.
"Naawa kasi ako sa 'yo, oh eto na!" Linahad nya na sa 'kin yung t-shirt. Kinuha ko yun at dali-dali ko syang yinakap. Mukhang nagulat pa nga sya dun sa ginawa ko.
"Salamat po!" Naging bubbly ako. Eh pano naman kasi laking tuwa ko.
"Ikaw talagang bata ka. Nadala mo 'ko," bulong nya. Bumingisngis ako at binigay ko na sakanya yung bayad.
Pagkatapos nun ay umalis na 'ko. "Salamat po talaga!" Pahabol kong sinabi habang papihit na 'ko. Tinanguan lang ako nung ale sabay ngiti.
Madami pa 'kong binili kay Jacob. Pati underwears ay binilhan ko na din sya. Alangan naman kasing ipagamit ko sakanya yung mga underwears ni lolo hindi ba?
Natawa ako nang maisip ko yun.
Nang matapos kong pinamili ng damit si Jacob ay nagkukumahog akong umuwi. Kahit na hirap na hirap ako dahil sa mga bitbit-bitbit ko.
Sa ilang sandali lang ay nakarating ako ng bahay. Nadatnan ko sina lolo at Jacob na ngayon ay abalang ni-rerenovate yung kwarto ni lolang inaagiw, na magsisilbi ng kwarto ni Jacob ngayon.
Nalaglag naman ang aking panga nang mahuli ng mga mata ko si Jacob, Uminit ang pisngi ko, pano naman kasi topless sya, siguro kung photographer ako perfect shot syang kunan ng litrato ngayon, pano kasi ang hot nyang tignan.
Tumatagiktik ang pawis nya. Hirap sya, I know that dahil nakasemento parin yung isa nyang kamay.
Hindi nila pansin ang presensya ko dahil sobrang abala sila sa kanilang ginagawa. Ako naman kung sigurong nakakatunawa lang ang pagtitig ay malamang sa malamang ay kanina pa nalusaw 'tong si Jacob. Para kasi akong na stiff e. Nawala ako sa sarili ko.
Biglang napabaling si Jacob sa akin. I looked away tsaka ako umubo.
"Jasmine!" Sabi nya. Nahihiya ko syang binalingan.
"Apo, nadatnan kitang wala dito kaninang pagkabalik ko, ani Jacob ay umalis ka san ka ba nagpunta ha?" Usisa ni lolo. Tumigil muna sila sakanilang ginagawa at lumapit sa akin.
Mas lalong lumakas ang pag-ubo ko nang makita ko ng high-definition ang sizzling hot na katawan ni Jacob. Inalis ko ang tingin ko sakanya at si lolo Arthur ang aking binalingan.
"Nagpunta lang po ako sa may tiangge dun sa bayan!" Paliwanag ko sa malakas na tono. Kumunot ang noo ni lolo. "Anong ginawa mo don?" Untag nya.
Tinaas ko yung mga dala-dala ko. "Binilhan ko ng mga damit si Jacob!" Aksidenteng nagtagpo na naman ang mga mata namin ni Jacob. Nalaglag ang panga nya na tila ba hindi makapaniwala. Tinuro nya yung mga dala-dala ko. "Para sa 'kin yan?" Tanong nya.
Tumango-tango naman ako. "Oo! Pinamili kita ng damit para hindi muna problemahin ang mga susuotin mo!" utas ko. Nakita kong pumula ang pisngi nya.
"Salamat Jasmine," Wika nya.
"Wala yun! Ano ka ba." sabi ko at ibinaba ko na yung mga pinamili ko.
"Nire-renovate nyo na pala yung kwarto lo? Anong pwede kong maitulong?" Sabi ko kay lolo.
"Wag kanang tumulong apo, kaya na naming dalawa 'to ni Jacob," hindi pag-sang ayon ni lolo.
"Oo nga kaya na namin 'to." Sabi naman ni Jacob, at sabay ulit silang nagtungo ni lolo dun sa kwarto.
Ngumuso ako. Walang makakapigil sa 'kin, tutulong ako sakanila! Masigla akong pumasok din sa kwarto, at tinulungan sila. Wala naman din silang nagawa sa huli.
Inalis ko lang naman ang mga agiw at tsaka ko tinanggalan ng alikabok ang paligid. May hawak-hawak akong feather duster ngayon at masayang kinukuskusan ang mga iba't-ibang gamit dito.
Suddenly, biglang nagpaalam si lolo para maghanda ng pananghalian namin, kaya kaming dalawa nalang ni Jacob ang natira.
"Malapit na tayong matapos!" Sabi ni Jacob habang nakatungtong sa may ladder at pinipinturahan ang dingding ng kwarto.
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Halos nakakalahati na nga ang napipinturahan. Nakakatuwa, kahit isang kamay lang ang gamit nya sa pagpintura ay ang bilis-bilis nya pa din.
"Kaya nga e, tantya kong matatapos tayo sa pagre-renovate dito bago matapos ang araw," Sang-ayon ko at itinuloy ang pagkuskos dito sa maalikabok na cabinet.
"Jacob i-check mo mamaya yung mga pinamili ko sa 'yo huh? Magaganda yung mga pinili ko siguradong magugustuhan mo," Ngiti ko.
Napatigil sya bigla sa pagpipintura at napabaling sa 'kin. "Sige." Ngumisi sya at nag-thumbs up, pagkatapos ay muling pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Bayolente na naman akong bumuntong hininga at malalim na napalunok. Kita ko kasi ang pagpe-flex ng mga muscles nya. Ano ba yan, ba't ba kasi ang bilis kong madistract sakanya? Ginulo-gulo ko ang buhok ko at nag-iwas na lamang ng tingin.
All of a sudden bigla ko na lamang narinig na napadaing si Jacob.
"Ouch..."
Kinabahan ako bigla, marubdob na lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa narinig kong pagdaing nya.
Binalingan ko sya na ngayon ay hawak-hawak ang kanyang ulo. Sht!
"Jacob, ayos kalang?" Nag-aalala kong tanong. Tinaas nya ang kamay nya at pilit na tumango. Sumasakit na naman ba ang ulo nya?
Nakita kong gumalaw-galaw yung tinutuntunan nyang ladder. At sa isang iglap ay nakita ko na syang pahulog doon.
"JACOB!" sigaw ko, mabilis pa sa kidlat ay lumapit ako sakanya. Bumagsak sya sa 'kin kaya nagkapatungan kami. Naging parang pansalo nya ako.
Nasaktan ako sa nangyari dahil syempre doble ang bigat nya sa akin. Pero kinakabahan padin ako dahil sakanya.
Nagkatitigan kami ng ilang sandali at pakiramdam ko ay may mga nagwalang insekto sa tiyan ko ng mata sa mata kaming nagkatinginan. Ramdam na ramdam ko naman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso, at sa tingin ko rin ay ganun din ang puso ko.
Napalunok ako habang nanlalaki ang mga mata. "A-ayos kalang?" Binasag ko ang katahimikan. Parang dun lang sya bumalik sa sarili. Mabilis syang umalis sa pagkakapatong sa akin na para bang napaso.
Umupo sya sa may sahig habang hawak-hawak ang kanyang ulo.
"Ayos lang ako, bigla nalang kasi akong nahilo kanina," sabi nya at bahagya nyang nishook ang ulo nya. Kinabahan talaga ako dun, akala ko kung ano nang nangyari sakanya.
Lumapit sya bigla ulit sa 'kin. "Ikaw Jasmine, ayos kalang?" Alala nyang tanong at inilalayan nya 'kong tumayo.
Napakagat ako sa labi at napahawak ako sa balakang ko dahil nakaramdam ako ng konting sakit.
"Ayos lang.." sagot ko. Napahawak sya sa balikat ko, at tinignan-tignan ako para bang kinakapkapan ng isang security guard.
"Sigurado ka?" Nag-aalala nyang tanong. Tumango lamang ako. "Oo." Ngumiti ako.
"Tara, ituloy na natin ang pagre-renovate," I abruptly change the subject na para bang walang nangyari. Tumango sya pero panay parin ang tingin nya sa akin. Mukhang binabasa nya 'ko.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko, pero patingin-tingin parin ako kay Jacob pag napalingon naman sya sa 'kin agad akong mag-iiwas ng tingin, at minsan naman sya naman yung nahuhuli kong nakatingin sa akin, pag ganun sya naman yung mag-iiwas ng tingin. Ano bang nangyayari sa aming dalawa? Pero basta ako pakiramdam ko ay hindi normal ang pagtibok ng puso ko dahil sobra akong naghaharumentado sa hindi maipaliwanag na dahilan.