Chapter 04 - Crush
Bagamat mas maayos na ang kondisyon ni Jacob sa mga sumunod pa na mga araw. Pinayuhan padin kami ng doctor na ipacheck-up namin sya regulary.
Kinabahan nga ako nung last time na sumakit ang ulo nya. Akala ko ano ng nangyari.
Pero may part sa akin na hindi ko maintindihan, para kasing ayoko ng bumalik ang orihinal na memorya nya, lalo na ngayon na mas nagiging close pa kami.
Sinampal ko nang mahina ang sarili ko nang maisip ko yun. At binaon ko na sa lupa at ayoko nang hukayin pang muli yung espekulasyon ko na 'yon na ayaw ko ng bumalik ang orihinal na ala-ala ni Jacob.
"Huy.. Anong nangyayari sa 'yo!" Siniko ako ng mahina ni Jacob, dun lang ako natauhan.
Magkasama kami ngayon dito sa farm namin habang nakaupo at namimitas ng mga repolyo.
"W-wala.." wala sa sarili kong sambit tsaka ako nagbaba ng tingin sa mga repolyo.
"Wala daw. Parang ang lalim nga ng iniisip mo e. Ano ba yun?" Tanong nya. Kuryoso. I shrug dahil ayokong sabihin sakanya yung mga thoughts kong naisip tungkol sakanya kanina.
"Wala nga, tara dun tayo oh!" Winala ko ang topic. Tumayo ako at tinuro yung kabilang dako ng pataniman ng repolyo. Dun sa may mga red cabbage naman.
"Sige!" Ngumiti si Jacob at dali-daling tumayo.. Napapansin ko sakanya, unti-unti na syang nasasanay sa buhay dito sa Paradise Villa, sa katunayan palagi na namin syang nakakaagapay ni lolo sa tuwing nagtatanim, nagha-harvest at nagde-deliver sa palengke, at yun din ang nagiging bonding namin.
Naglakad kami papunta doon sa taniman ng mga red cabbage habang hawak-hawak namin ang malaking basket na lulan doon ang mga ordinaryong repolyo na pinitas namin kanina.
Umupo kami sa may lupa at ako nagsimula na 'kong mamitas ulit.
"Jasmine?" Tikhim nya. Agad nya namang nakuha ang atensyon ko. "Hmm?"
"Anong pinagkaiba ng mga kulay green na repolyo at sa mga repolyong ito?" Usisa nya sabay nguso sa mga red cabbage. Palagi syang ganto lagi syang nagtatanong about sa mga gulay na tila ba isang bata na malaki ang kyuryusidad. Kaya sa tingin ko mayaman itong si Jacob e.
"Hm. Yung mga kulay green yun yung mga tipikal, pero itong mga red cabbage madalang lang 'tong mga 'to tsaka nangangailangan sila ng mas malusog na lupa para mabuhay," Utas ko, tsaka ko pinakita sakanya yung kulay tsokolateng lupa.
Tumango-tango sya. "Ganun ba yun? Eh bakit tinawag na red cabbage, e kulay violet naman?" Nasamid ako at napahagalpak dahil dun sa sinabi nya. Sabagay he has a point. Ewan ko din kung bakit ganun yung tawag e. Kahit i-google mo man, red cabbage talaga ang tawag dito kahit na kulay violet naman.
"Yun ang 'di ko alam, eh bakit yung yolk ng itlog ang tawag ay 'pula ng itlog' pero kulay yellow naman?" Pareho kaming naghalakhakan ng malakas at dumating sa punto na naagaw na namin ang mga atensyon ng ibang mga farmer, Napabaling sila sa amin. Nang mangyari 'yun pareho kaming napatigil ni Jacob at nahihiyang ngumiti pero panay padin ang paghagikgik.
Pinagpatuloy nalang namin ang pagpipitas ng magtanong na naman sya ulit. "Jasmine, Ano palang natapos mo?" Aniya.
"Business Ad.." simple kong sinagot sabay ngiti.
"Kailan ka gumraduate?" Sabi nya habang nagpapag-pag ng kamay dahil dumikit ang lupa sa kanyang mga palad.
Humarap ako sakanya. "Last year lang.." sagot ko.
"Eh bakit hindi ka nagta-trabaho sa mga kompanya?" Napatingin ako sa kawalan pagkatapos nyang sabihin yun.
"Mas gusto ko kasing tulungan si lolo, pero maghahanap din naman ako ng trabaho, ngunit hindi ko pa alam kung kailan.. Tsaka nasanay na kasi akong tulungan si lolo mas nag-eenjoy ako," sabi ko with a calm tone. He sighed. "Alam mo.. Napapansin ko sa 'yo ang swerte ng lolo mo sa 'yo." Napalingon ako sakanya, nakangiti sya ngayon habang nakatingin sa mga mata ko, at muli.. Eto na naman parang hindi na naman normal ang hearbeat ko, dahil sa tingin nyang nakaka loose-thread ng panty. Yung kasing dimple nya ang lakas ng epekto sa 'kin.
Nag-iwas ako ng tingin at nagkunyaring nagbunot ng damo. "Bakit mo naman yun nasabi?" Utas ko.
"Eh kasi nakikita ko e.. Kaya nagpapasalamat ako dahil kayo ang tumulong sa akin, napakabait nyo sobra." Uminit ang pisngi ko dun sa sinabi nya, at 'di ko nagawang lumingon dahil pakiramdam ko ay sing-pula na ng kamatis ang pisngi ko ngayon.
"Wagas ka kung magpaflaterred ah?" Bulong ko.
"Eh totoo naman..." sabi nya. Pero kahit 'di ko sya nakikita alam kong pinagmamasdan nya padin ako, mabuti nalang at natatakpan ng mahaba kong buhok ang mukha ko.
"Hmmm.. Nakakailang relationship kana?" Nauutal-utal nyang sambit. Na para bang naglakas lang sya ng loob na tanungin sa akin 'yon. Nasamid ako sa gulat, at para ding nabilaukan ako sa sarili kong laway, bakit nya naman yun naitanong?
"W-wala pa.." nahihiya kong sagot. Hindi parin ako nakatingin sakanya, marubdob parin ang pagpintig ng puso ko.
"Talaga?" he asked na tila na nanigurado. "Oo nga.." sabi ko.
"Sa ganda mong yan? Hindi kapa nagkaka-boyfriend?" Dahil dun sa sinabi nya muli akong napabaling sakanya. Ni-flip ko ang buhok ko, parang slow motion ang paglingon sakanya. Natamaan pa ang kanyang mukha sa hibla ng aking mga buhok, pero 'di sya umiwas, bagkus inamoy nya pa 'to habang nakapikit parang feel na feel nya pa.
"Hindi pa nga." Awkward kong sinabi. Parang may epekto sa akin yung pag-compliment nya, kahit sanay naman akong tawaging maganda.
"Nagagandahan ka sa 'kin?" Naglakas ako ng loob na itanong iyon kahit na pumapalakpak na ang tenga ko sa tuwa.
Ngumiti sya, I can trace na genuine yung ngiti nyang yon. "Oo. Magpa-pakaplastic pa ba 'ko? Hindi naman natin yun mapag-kakaila.." Kung pwede lang humiga dito at magpagulong-gulong ay kanina ko pa ginawa. Pero napaisip ako, eh sya kaya nakailang relationship na? Hindi nya din alam dahil nga may amnesia sya. Pero sa tingin ko madami nadin syang naging mga girlfriends e sa gwapo nya ba naman? Hindi ko nga alam baka may girlfriend sya sa past at original memory nya.
My skulp prickles nang maisip ko yun. Agad din naman akong umiling at ipinagkibit-balikat.
"Thank you." yun lamang ang aking nasabi sa mahinhin na tono. Napalingon ako sakanya, at magpahanggang ngayon ay nakatitig parin sya sa akin. Awkward na masaya ang nararamdaman ko.
"Pero I'm sure madami ang nagkakagusto sa iyo," matabang nyang sinabi at muling namitas ng mga red cabbage. Ako naman ay napaisip, aminado naman ako na madami naman talagang nagkakagusto sa 'kin lalo na nung nag-aaral pa 'ko. Pero hindi ko sila binigyan ng pansin.
"Oo," simple kong sinagot dun sa tinanong nya. Hindi ko naman mawari kung bakit bigla syang bayolenteng nagpabuntong-hininga.
"I see," malamig nyang sabi. Tumahimik ako at muli ding nagpitas ng repolyo.
"Madami kang suitors?" Muli nya na namang tanong. Bakit ba puro ganito ang mga tanong nya.
"Ngayon wala, pero dati meron pero wala akong sinagot." Napatigil sya sa pagkilos at muling bumaling sa 'kin. "Bakit naman?"
"Eh kasi hindi ko sila type," sabi ko, kibit-balikat ang tono. "Napaka-pihikan mo pala." bulong nya.
"'Di naman," giit ko.
"Oo kaya," sabi nya.
"Di nga.. Tsaka focus ako sa study non," utas ko na natatawa na ng konti.
"Sabi mo e, pero crush? May crush ka?" Tanong nya, kuryoso ulit. Biglang ang mukha nyang nakangiti ang sumagi sa utak ko hindi ko alam kung bakit at anong ibig sabihin.
"Hm. Tara bigay na natin 'tong mga naharvest natin kay lolo." I changed the subject, at tumayo na.
Suddenly, bigla syang ngumisi at napatingin sa lupa, ewan ko kung anong tinititigan nya doon.
"Teka lang, hindi ba't bulate ito?" Namutla ako nang tinuro nya yung bulateng nangingisay sa lupa. Nataranta ako, dahil takot na takot ako sa mga bulate.
"Patayin mo!" Utos ko na natataranta dahil nagtindigan na ang mga balahibo ko. Hindi nya 'ko pinakinggan bagkus hinawakan nya pa yung bulate at ipinakita sa 'kin.
"AHHH!" Napatili ako sa gulat dahil akala ko ay i-aacha nya sa akin yung bulate.
"JACOB ITAPON MUNA YAN!" iritado kong sabi. Kinikilabutan na 'ko. Maliban sa nakakadiri ang mga bulate nakakapanghilakbot pa sila. I swear ibigay muna sa akin ang ipis wag lang ang bulate.
Tumawa nya. "Oh, ba't namumutla ka jan?" Nanunuya nyang sabi.
Hindi ko na maatim dahil pakiramdam ko ay may binabalak ang kumag. Tumakbo na 'ko ng mabilis. Pero sinundan nya padin ako.
Tawa sya ng tawa ngayon habang tumatakbo kaming parehas.
"Uy Jasmine! Wala na tinapon ko na," Humihingal sya habang tumatawa nung sinabi nya yun. Tumigil ako sa pagtakbo tsaka ko sya binalingan habang nakairap.
Tinignan ko kung hawak-hawak nya pa ba. Nakahinga ako ng maluwag nung hindi na. "Kakainis ka Jacob!" sabi ko. Tumawa sya habang hawak-hawak ang kanyang tiyan.
"'Di ko alam na ganun pala kalaki ang takot mo sa bulate," tawa nya. Inismid ko sya.
"Tseh!" sabi ko at nagmartsa at pumunta ulit dun sa kinaroroonan namin kanina upang kunin yung mga pinamitas namin.
Grabe sya kung pagtawanan ako, eh sya nga takot sa dilim at multo e. Minsan talaga nakakainis sya dahil sinusumpong ng kapilyuhan.
Habang pauwi kami ni Jacob sa bahay napadaan kami sa highlands ng Paradise Villa, kung saan nagkalat ang mga baka at kambing ng mga ranchero dito.
Sabay kaming naglalakad dalawa pero sya panay ang sight seeing na tila ba may hinahanap kulang na nga lang ay bigyan ko sya ng binocular e.
"Huy!" Sabi ko habang inaayos ang mga takas-takas kong buhok. Panay kasi ang gulo ng buhok ko dahil sa lakas ng hangin.
"Ngayon ko lang na-appreciate na sobrang ganda pala dito sa Paradise Villa," wika nya with full of appreciation in his tone. Bahagyang naka-usli ang mga mata nya habang pinapasadahan ng tingin ang buong highlands.
Ngumiti ako. "Madami pang pwedeng puntahan dito. Hayaan mo, pag nagka-oras ako ay ipapasyal kita," sabi ko tsaka ko sya tinulak ng mahina gamit ang aking balikat.
"Talaga?" masayang sabi nya. Tumango ako. "Oo nga, tara na Jacob! Baka hinahanap na tayo ni lolo!" Hinawakan ko na ang kanyang kamay, tsaka na kami umalis kung saan kami nakatayo kanina.
All of a sudden, biglang lumamig ang kamay nya at napatigil sa paglalakad.
"Bakit?" Tanong ko at hinarapan ko sya.
"Wala na bang ibang daan?" Nawirduhan ako sakanya, bakit ayaw nya yatang dumaan dito? Wala namang problema huh?
"Bakit ba? Ano bang kinatatakot mo?" untag ko at nagpamewang. Napakagat sya sa labi nya at bumaling sa mga baka sa paligid.
"Natatakot ako sa mga baka, hindi ba naghahabol ang mga yan?" I can trace the fear on his tone? What! Wag nyang sabihin takot sya sa mga baka? Holy cow!
Halos humagalpak ako sa tawa. "Natatakot ka sa mga baka?" Hindi ko makapaniwalang bulalas.
"Oo," simple nyang sinagot. Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Grabe andaming mas pwedeng katakutan na hayop bakit baka pa?
"Hindi naman sila nangangagat Jacob e! Wag kang mag-alala!" Patawa kong sabi. Ngumuso naman sya at nagkamot. "Baka manipa sila?" utas nya.
Umiling ako. "Ano kaba! Hindi!" Tawa ko at tsaka ko na pinalupot ang kamay ko sa braso nya. Humakbang na 'ko, ngunit sya ay ayaw parin para bang naghe-hesitate padin sya. Dami ko talagang tawa sakanya, hindi sya natakot sa bulate kanina pero ngayon takot naman sya sa mga baka?
"Tara na.." Pamimilit ko, sa huli ay napilit ko din naman sya hanggang sa nag moo ang isang baka.
"Mooooo....." Halos mapalundag sya, napapikit pa sya at nagmamadaling naglakad.
"AHH!" sigaw nya habang nakapikit. "Lumayo ka!" sabi nya pa ulit dun sa papalapit na baka. Ako naman ay walang ginawa kungdi ang tumawa ng tumawa pano ba naman kasi napaka-epic e. Kung sana ay navideohan ko, kaso nga lang hindi ko dala-dala ang phone ko.
Humihingal-hingal kami pagkalayo namin dun sa mga baka. Humihingal sya dahil sa pagod at pagkarelief, para bang nabunutan sya ng tinik sa dibdib dahil nakalayo na kami dun sa mga baka. Ako naman hingal ng hingal dahil sa sobrang pagtawa.
"Jasmine, wag na tayong dumaan don nextime!" Mejo inis nyang sabi.
"Bakit?" Nanunuya kong tanong, kahit alam ko naman na ang dahilan kung bakit ayaw nya ng dumaan doon.
"Basta.." iritado nyang sabi. Napailing ako. "Sige, Sige." utas ko. Sige na hindi ko na sya idadaan doon, baka kasi himatayin na sya. Nakakatawa talaga sya, andaming kinatatakutan, takot sa dilim dahil baka daw may moo-moo, tas takot din pala sya sa baka!
"Tara na nga!" Inis nya pa ulit na sabi, at nauna ng naglakad sa akin. Nalagpasan na namin yung mga baka, tas sa mga kambing naman kami napadaan ngayon.
Ang iingay ng mga kambing ngayon, dahil nagambala namin sila, panay ang pag "mehehehe" nila.
"Siguro Jasmine, nagpapastol kadin ng mga kambing ano?" Sabi nya habang tumatawa. Kumunot naman ang noo ko. "Hindi ah!" giit ko.
"Naiimagine kasi kita habang nagpapastol ng kambing." Tumawa pa sya ng mas malakas, talagang ako ang tinutukso nya ngayon ah. "Mehehehe.... Mehehehe...." Nag-act pa sya ng parang isang kambing habang nanuyang tinitignan ako.
"Hindi nga sabi ako nagpapastol ng kambing! Wala naman kaming inaalagan na mga hayop ni lolo," sabi ko.
Hindi nya 'ko pinakinggan, panay lang ang panunukso nya sa akin habang pauwi kami. Kesho kamukha ko daw ang mga kambing. Ikaw ang sabihan ng ganon hindi kaba maiinis di ba?
"Nakakainis ka talagang Jacob ka!" Para akong mag su-super saiyan. Nang mapansin nya na akong pikon na ay kumaripas na sya ng takbo. Tumakbo din ako para habulin sya.
"Humanda ka sa 'king Jacob ka!"