Chapter 5

2262 Words
Chapter 05 - Gunggong Nagawa kong mahabol si Jacob. hingal na hingal ako nang makarating kami malapit sa tapat ng bahay namin. Tumalon ako para magpapusan sakanya. Nang makakapit ako sa likod nya ay piningot ko sya sa tenga. "Aray!" daing nya kahit natatawa parin. "Anong sabi mong mukha akong kambing huh!" sabi ko habang nakapasan parin sakanya. Sa pilitan nya 'kong binaba kaya humalandusay ako sa may damo. Lalong umusok ang ilong ko. "Biro lang naman 'yon!" natatawa parin nyang sambit. Magsasalita pa lamang sana ako ng biglang may umalingawngaw na boses. "TITA!!" Agad akong napalingon kung sino 'yon. Nawala lahat ng pagkainis ko kay Jacob at napalitan ngayon yun ng saya ng makita ko ang aking beloved pamangkin na miss na miss ko na. Patakbo sya sa 'kin, nang makalapit na sya ay kaagad nya 'kong kinulong ng yakap gamit ang kanyang mga napakaliit na kamay. "Landon!" Masaya kong sabi, pagkatapos ay tumayo ako tsaka ko sya kinarga at hinalikan ng madaming beses sa pisngi. Pamangkin ko 'tong si Landon sa pinsan, anak sya ng pinsan kong si kuya John. "I miss you tita!" Cute at maligayang sabi ni Landon, bigla namang tumikhim si Jacob. Napabaling ako sakanya na ngayon ay nginunguso ang karga-karga kong si Landon. "S-sino sya?" Tanong ni Jacob. "Pamangkin ko sya," nakangiti kong sambit. Bumaling si Landon sa kay Jacob na ngayon ay nakakunot ang noo. "Tita, sino sya?" Ani Landon. Nangapa muna 'ko ng isasagot kasi maski ako hindi alam kung pano i-eexplain sa bata kung sino ba si Jacob. Hindi ko masabing kinupkop namin sya. "Kaibigan ko sya!" saad ko, tumango-tango lang si Landon at matama silang nagkatitigang dalawa ni Jacob. Kinawayan sya ni Jacob ngunit si Landon ay sumimangot at kinagat nya ang kanyang labi sabay taas ng kanyang isang kamay habang nakayukom ito. Natawa ako sa naging reaksyon ng bata. Ang sungit nya kay Jacob. Napawi ang ngiti ni Jacob sa labi at nagkamot. "Mukha yatang ayaw nya sa 'kin Jasmine," bulong nya na mejo patawa. I chuckled. "Di ka kasi kilala," Tawa ko. Muli kong binalingan si Landon. "Kasama mo papa mong pumunta dito?" Tanong ko sakanya, at tsaka ako luminga-linga sa paligid para hanapin si kuya John, kumunot ang noo ko ng hindi sya nahagilap ng mga mata ko, tanging nakita ko lang ay ang SUV nilang nakaparada. "Oo tita," simpleng sagot ni Landon. "Eh nasan sya ngayon?" untag ko, kyuryoso. "Kasama nya si lolo Art tita, umalis sila," Paliwanag nya. Talaga nga naman oh? Talagang iniwan nilang mag-isa itong bata. Siguro nasa farm ngayon sila at pinag-uusapan ang tungkol sa negosyo ni lolo, si kuya John kasi ang kaagapay talaga ni lolo sa business namin. Ako patulong-tulong lang. Ilang sandali lang ay dumating nadin sina lolo at kuya John na ngayon ay abalang nag-uusap habang papalapit dito. Nang magtagpo na ang mga mata namin ni kuya John ay agad ko syang tinawag. "Kuya John!" Tawag ko, napabaling din si Jacob sakanya. Nginitian ako ni kuya at nagmamadali silang lumapit ni lolo sa amin. "Oh Jasmine Pinsan!" Pambungad nyang sabi sa akin tsaka sya nakipag apiran, at nakipagyakapan. Ngumuso ako nung kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin. "Bakit, hindi mo naman sinabi na bibisita kayo ngayon dito kuya?" sabi ko. "Biglaan lang, kasi yang pamangkin mo ay miss na miss kana," Aniya. Parang natunaw ang puso ko pagkasabi nya nun. Masyado kasi kaming malapit ni Landon kahit madalang na madalang lang kami kung magkita. Sa Maynila kasi sila nakatira. Actually, dito din sila nakatira dati kasama ang kapatid nyang si Tiffany na super close cousin ko din, kaso nasa Maynila na din yun ngayon, dun nga sya nakatira sa bahay nila kuya John. "Pagkakita nya nga sa akin kanina ay agad nya 'kong sinalubong e. Si Tiffany pala ba't di mo kasama kuya, pati asawa mo ba't di mo sila sinama?" Wika ko. Tumawa naman ng mahina si lolo, "Alam mo naman masyado ng busy ang pinsan mong yun," sabi ni lolo. "Tama si lolo, busy si Tiffany ngayon sa pagtatrabaho dun sa Maynila." Napa-pout ako, masyado yatang workaholic ang babaeng yun. Madalang na nga lang kung magparamdam e. Mabuti pa nga itong kuya nya kahit papano bumibisita naman, e sya? Once in a blue moon lang yata kung pumunta dito. Napasinghap ako ng mahaba. "Nakakatampo na ang lokang yun ah.. Pakisabi kuya na bumisita naman sya dito minsan!" sabi ko kay kuya John. Tumango-tango sya, "Sige-Sige, miss mo na sya ano?" Aniya. Mabilis akong tumango, hindi lang miss. Miss na Miss, eh pano naman kasi super close kami nun, lalo na't kaming dalawa lang ang babae sa pamilya. Maliit lang kasi ang pamilya namin, dalawa lamang kasi ang anak ni lolo, parehong lalaki, which is ang papa ko nga tas ang papa nila Tiffany at kuya John na si tito Guillermo na nasa Maynila nadin. Tangi talagang kami nalang ni lolo ang naiwan dito sa Paradise Villa. "Opo, kuya miss ko na yung lukaret na 'yon," sagot ko dun sakanyang sinabi. "Bakit kasi hindi ka nalang muna dun sa Manila huh Jasmine? Hindi ba't nakatapos kadin naman? Magtrabaho ka don, there's a lot of opportunities there." Pagkasabi nun ni kuya John ay nahirapan akong lumunok, napalingon din ako kay lolo na ngayon ay napayuko na tila ba nalungkot. Ito ang ikinaba-bali ng puso ko e, hindi ko kayang iwan mag-isa dito si lolo, kaya ipinagsasantabi ko muna yung Manila thingy. "Naku kuya, hindi ko kayang iwan mag-isa si lolo dito," sabi ko. Nakita kong muling nag-angat ng tingin si lolo, para ding biglang naging relief ang ekspresyon nya. "Sabi mo e," kuya John sighed. Suddenly, nahagip ng mga mata nya si Jacob. Siguradong macu-curious nyan sya nito, kung sino si Jacob. Binalingan ko si Jacob na ngayon ay bayolenteng lumunok gumalaw kasi ang adams apple nya, ng napatitig si kuya John sakanya, para din syang nahiya bigla, napayuko sya. Nagkatinginan kaming dalawa ni lolo. "S-sino sya?" biglang tanong ni kuya John. Tentative pa ang kanyang pagkakasambit. Napakagat ng labi si Jacob at parang nangangapa ng isasagot kay kuya. Lumapit ako kay Jacob at pinalupot ko ang kaliwang kamay ko sa bewang nya. Napalingon sya sa akin nang ginawa ko 'yon. Nalaglag naman ang panga ni kuya John, he look so horrified, Ano kayang iniisip nya ngayon? Crap! "Jasmine, wag mong sabihin na nag-asawa kana!" Hindi makapaniwalang bulalas ni kuya John. Agad akong umiling at kinaway-kaway ang dalawa kong kamay para iparating sakanya na nagkakamali sya ng iniisip. "Kuya hindi po!" giit ko. Mukhang hindi padin sya makapaniwala, nanatili kasing nanlalaki ang mga mata nya, confused as well. Nataranta kaming pareho ni Jacob, hindi namin alam kung pano ie-explain sakanya! "Eh sino sya?" tanong ni kuya John, nagugulimihanan. Sumingit na sa amin si lolo. "Apo, sige... Ako nalang mag-eexplain kay kuya John mo, pumasok na kayo dun sa loob." Tumango si lolo sa amin, at binigyan nya kami ng sige-ako-na-ang-bahala-dito-look. Nakahinga ako ng maluwag at tumango nalang, si lolo na nga lang, mukhang sya naman ang nakakaalam ng tamang words para i-explain kay kuya John kung sino ba 'tong si Jacob. Binalingan ko si Jacob, "Tara.." utas ko, at sumenyas ng pumasok sa loob ng bahay, tinanguan nya lang ako at sumunod na sa akin. Kinarga ko naman ulit si Landon at ipinasok din sa loob ng bahay. Pagkapasok namin sa loob, tumikhim si Jacob. "Jasmine, hindi kaya magalit sa akin yung pinsan mo? Baka isipin nya na pabigat ako sa inyo, baka paalisin nya 'ko," nababagabag na sabi nya. Umiling naman ako at binaba si Landon. "Ano kaba! Hindi no!" Sabi ko. Hindi naman ganun si kuya John e. Siguro nga kung nalaman nya pa yung nangyari dito sa kay Jacob baka nga sya na mismo 'tong mag sa-suggest na kupkupin namin sya. "Pano mo nasabi?" bothered nya paring saad. Lumapit ako sakanya, at tsaka ko sya hinawakan sa dalawang balikat. "Wala ka dapat ikabagabag Jacob, wala naman panigurado kay kuya John ang ginawa naming pagkup-kop sa 'yo, nagulat lang talaga sya kanina," I whisper matter-of-factly, huminga sya ng maluwag at nagbaba ng tingin. "Tara, kain na tayo," Anyaya ko. Tumango sya, ako naman ay pumunta na sa kusina habang nakasunod din si Landon sa akin at panay ang kwento ng kung ano-anong kyeme. Panay nalang ang 'oo' ko at tango, ang daldal talaga nyang bata kaya nga gustong-gusto ko sya, kahit may pagkasalbahe ng konti. Tulad kanina, sinungitan nya si Jacob. Kumain nga kaming tatlo, si Landon ay katabi ko habang sinusubuan, si Jacob naman ay nasa katapat ko naman na upuan. Panay parin ang girian nilang dalawa ni Landon, binibwisit kasi sya ni Jacob kaya nai-imbyerna, pero napaka-cute nya. "Tita oh!" Sabi sa akin ni Landon habang tinuturo si Jacob. Natawa naman ako dahil sakanilang dalawa. "Hayaan mo sya. Mapambwisit talaga yan e," hagikgik ko. Inusli lang ni Jacob ang dila nya, at tinukso nyang muli si Landon, si Landon naman ay mukhang paiyak na. "Nakakainis ka!" Inis na sabi ni Landon, tinapik ko naman ang kamay ni Jacob para patigilan na. "Huy, tama na. Baka umiyak pa 'to e," suway ko sa kay Jacob. Humalakhak sya. "Ang cute-cute kasing bwisitan nyan ng pamangkin mo, mana sya sa 'yo, pareho kayong pikon!" I scowled at him pagkatapos nya yung sabihin. Mapanukso talaga 'tong bwisit na Jacob na 'to. "Tita, gusto kong fish!" Biglang sabi ni Landon, hinarapan ko ang mga isdang nakahain. Tsaka ko tinuro yung tilapia. "Eto ba ang gusto mo bhe?" sabi ko. Mabilis syang umiling at itinuro sa akin yung galunggong. "Yun yung gusto ko tita!" Aniya. Kinuha ko yung galunggong at hinimay ko ito gamit ang kutsara't tinidor, mahirap na baka matinik sya. "Paborito mo ba 'tong galunggong huh Landon?" Tanong ko. "Oo, gusto ko yang gunggong.." Pareho kaming nasamid ni Jacob dun sa sinabi nya, tapos ay nagkititigan kami. Hindi namin napigilan ang aming sarili at humagalpak na kami sa tawa. Landon, scowled at us, tapos ay humalukipkip pa. "Bakit? Kayo tumatawa?" Masungit nyang sinabi. "Gunggong daw!" Tawa ni Jacob habang hawak-hawak ang tiyan, ganun din ako. Hindi naman halatang bentang-benta sa amin yung tawag ni Landon sa galunggong ano? Kinurot ko si Landon, "Hindi yun gunggong pamangks, Galunggong 'yon!" saad ko. He pouts, "Hindi gunggong!" giit nya, ayun si Jacob mas lalong natawa ng wagas. He laughing his ass of now. Ako mejo kumalma na. "Ikaw jan yang gunggong e Landon!" Sambit ni Jacob na syang ikina-init ng ulo ni Landon, tumayo ang mokong tsaka lumapit kay Jacob. Nagulat ako, nang bigla nya na lamang kinagat si Jacob sa kamay. Holy crap! Napasigaw si Jacob, marahil sa sakit ng pagbaon ng mga ngipin ni Landon sa kamay nya. "Ahhhh!!!" daing nya, habang nanlalaki ang mga mata. Binalingan nya 'ko. "Jasmine! Alisin mo sya! Arayy!" daing nya. Nagmamadali akong tumayo at inawat si Landon. "Landon, tama na yan!" sabi ko at hinila ko sya palayo. Namula si Jacob, habang panay ang labas ng hininga sakanyang bibig. "Ouchh... Grabe kang bata ka, ang sakit mong mangagat!" sabi nya. "Wag mo na kasing bwisitin, ayan tuloy napikon!" sabi ko at ini-upo ko na ulit si Landon. "Isusumbong kita sa papa ko!" Wika ni Landon, sa inis parin na tono, mukhang hindi talaga sila magka-kaayos. "Tama na nga yan! Kumain na tayo ulit," suway ko sakanila. Sinunod naman nila ako, at nanahimik na. Habang kumakain kami, palihim ko na pinagmamasdan si Jacob, hindi ko akalain na mahilig parang mang-asar ng bata itong lalaking 'to. Suddenly, biglang dumating sina lolo at kuya John. Mukhang tapos na silang mag-usap. Nakita kong agad na binalingan ni kuya si Jacob pero, mukhang kibit-balikat lang naman ang ekspresyon nya. Sabi ko na e, wala lang naman sakanya. "Lo, kuya John, kain narin po kayo," paanyaya ko sakanilang dalawa. Sinunod naman nila ako, at umupo na din upang saluhan kami. Nagsumbong naman si Landon sa papa nya. "Papa, inaasar ako ng lalaking 'to!" sumbong ni Landon sa papa nya. "Ano bang nangyari?" Sabi naman ni lolo. "Wala po, nagkakabiruan lang kami kanina!" sabi ko. Tumango lang sila, at nagkibit-balikat. "Ba't pala may narinig kaming sumigaw kanina?" Ani kuya John. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jacob. "Kinagat kasi ni Landon si Jacob," sabi ko. Natawa naman si lolo. "Talaga, ginawa mo yun Landon? Bakit mo naman kinagat?" Mejo galit na sabi ni kuya John. Anla, mukhang si Landon pa 'tong mapapagalitan ah. "Kasi nakakainis sya e!" Angil ni Landon. "Magpa-sorry ka, pasensyahan nyo na sya may pagkasalbahe kasi," Wika ni kuya. Naku, kung alam nya lang may kasalanan din naman si Jacob. Kahit na mukhang labag man sa loob ni Landon ay nagpa-sorry padin sya kay Jacob. Walang magawa e, dahil utos yun ng papa nya. "Sorry..." Nakapout na sabi ni Landon, ngumisi lang si Jacob at ginulo-gulo ang buhok ni Landon. "Wala yun, sorry din.. Nacucutan lang kasi ako sayo kaya kita tinutukso, kaya sorry din. Ano bati na ba tayo?" Utas ni Jacob. Nag-angat ng tingin sakanya si Landon at tumango. "Okay.."  Nag apiran silang dalawa. Napangiti kaming tatlo habang tinitignan namin sila. But kuya John abruptly changed the subject. Tumikhim muna sya bago magsalita. "May amnesia ka pala?" he murmured to Jacob. Tumango naman kaagad si Jacob bilang sagot dun sa tanong ni kuya John. "I see," simpleng sabi ni kuya John. "Ngayong kinukup-kop kanila lolo Arthur at ng pinsan kong si Jasmine, maaasahan ba kitang tulungan sila palagi?" Nakangiting sabi ni kuya John. "Opo, malaki po kasi talaga ang utang na loob ko sakanila, baka nga siguro kung 'di nila ako natagpuan nang maaksidente ako, baka siguro ay wala na 'ko ngayon," mahinang sabi ni Jacob. "Naiintindihan ko, dahil alam kong mahirap yang pinagda-daanan mo dahil buradong-burado ang iyong ala-ala," utas ni kuya John. At nagkaroon ng moment of silence, but he breaks the ice suddenly, "Akala ko talaga kung sino ka kanina, akala ko boyfriend or asawa ka ni Jasmine." Nasamid ako dahil nakakagulantang na sinabing 'yon ni kuya. Napainom tuloy ako ng tubig ng wala sa oras. "Kuya..." I glare at him na ngayon ay humahagikgik lang habang kumakain, kaming dalawa naman ni Jacob ay nagkatinginan ngunit mabilis din namang nagka-iwasan ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD