Chapter 6

2247 Words
Chapter 06 - May Mali Halos kalahating araw naming nakasama si Landon, wala kaming ginawa ni Jacob kungdi ang makipaglaro sakanya, habang sina lolo naman at kuya John, ayun may inaasikaso dun sa farm for business matters. Ang saya-saya naming nakikipaglarong dalawa ni Jacob kay Landon, pano kasi napakakulit, kaya nga gusto ko din na may kasamang bata kasi nakakagoodvibes sila, they're very adorable. Kung kanina ay ang supla-suplado ni Landon kay Jacob, pero ngayon hindi na, super close na nila kahit na kaka-kilala palang nila kanina. Nakasakay ngayon si Landon sa likod ni Jacob. Para bang ginawa nyang kabayo ganun, tawa sila ng tawa habang ako naman ay nakapalumbaba lang habang tinitignan sila. Nang mapagod sila ay tumabi sila sa akin. Inakbayan ako ni Jacob habang humihingal. "Grabe, parang walang kapaguran yang pamangkin mo," sabi nya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang isang kamay. "Ganyan talaga yang si Landon, hindi napapagod, gusto palagi ay laging naglalaro," bulong ko sakanya tsaka ko na tinawag si Landon. "Landon, dito ka nga!" sabi ko, tumakbo sya papunta sa 'kin tsaka sya nagpakarga. "Ayan, pawis na pawis kana," sabi ko habang pinupunasan ko sya, pero habang ginagawa ko yun ay kita ko mula sa gilid ng mga mata ko na tinititigan nya 'ko. Bigla akong nailang. Binalingan ko sya. "Bakit?" tikhim ko. "Wala lang." Ngumisi sya, at ako ay pinagbawalang bahala ko nalang. "Kuya Jacob, laro pa tayo!" Paanyaya ni Landon. "Mamaya nalang ulit, magpahinga ka muna!" sabi ko, nagkamot lang sya nang sinabi ko yun, sign of defeat. Nagkwentuhan nalang kaming tatlo, nakapatong parin si Landon sa mga binti ko, maligaya nya lang sinasagot ang bawat tanong namin ni Jacob sakanya. "Mag 'my name' ka muna Landon?" What I mean is.. I-introduce nya ang sarili nya na karamihan na ginagawa ng mga bata. "My name is. Landon. Blue. A. Cruz! I 'am. Six. Years. Old! I. Live. In. Manila. Philippines!!" Paputol-putol pero maligaya nyang sambit. Pumalakpak kaming dalawa ni Jacob sa tuwa. "Ang galing mo.." Nanggigil na wika ni Jacob, sabay kurot sa pisngi ni Landon. "Matalino ka di ba pamangks? Mana 'to sa akin e," tawa ko tsaka ko sya hinalikan sa buhok sabay singhot. Tumawa si Jacob. "Pano naman nagmana sa 'yo, ikaw ba ang nanay nya?" Aniya. "Nambabasag kana man e, basta mana sya sa akin, wag kanang kumontra," Patawa ko ding sinabi. "Sabi mo e!" Maligayang sabi ni Jacob at muli nya 'kong inakbayan. Lumalaon talaga mas lalo kaming nagiging close. Kaya kung maka-akbay nalang nga sya sa akin ngayon parang wala man sakanya. Nang pagabi na ay kinailangan ng umuwi nina kuya John at Landon, kaya nagpaalam na sila sa amin. Pero si Landon umiiyak dahil ayaw nyang umalis. "Papa! Isama na natin si tita!" Umiiyak na sabi ni Landon habang kinukusot-kusot ang kanyang mata. Lumapit ako sakanya, "'Di pwede e pamangks, kasi walang makakasama si lolo Art dito," malungkot kong sabi. Humagulgol lang sya lalo at yinakap nya ang binti ng papa nya. "Landon, babalik naman tayo dito nextime e, si tita mo 'di sya pwedeng sumama sa 'tin," Sabi ni kuya John habang nakatitig sa akin. "Sobrang lapit mo kasi sakanya e, kaya ganito nalang sya kung umiyak," sabi sa akin ni kuya. Ganito siguro talaga kapag malapit sa 'yo ang isang tao, ayaw mo 'tong mapalayo sa 'yo. "Ayaw ko papa! Gusto ko isama natin sya dun sa Maynila!" Landon cried loudly. Patay na, gusto nya talagang sumama ako sakanila. Yinakap ko sya. "Sshhh. Wag kanang umiyak, magkikita pa naman tayo e." Inalu ko sya at yinakap. Bahagya syang tumahan. "Sige na.. Magba-bye kana sa tita mo," Utos ni kuya John. Wala ng nagawa si Landon, kahit malungkot ay nagba-bye na sya. "Ba-Bye Tita!" Malungkot nyang sabi habang kumakaway. Kinarga na sya ng papa nya at naglakad na sila patungo sa sasakyan nila. Malungkot din akong kumaway sakanya. "Bye pamangks! Bye kuya John! Ingat kayo!" sabi ko. Bigla namang lumapit sa akin si Jacob, binalingan ko sya na ngayon ay nagbye-bye wave din kay Landon. "Bye-bye Kuya Jocob!" Pahabol pang sigaw ni Landon, pagkatapos nun ay umalis na silang tuluyan. Malungkot padin ang ekspresyon ko habang pinagmamasdan na umaandar palayo ang sasakyan nila. Hindi rin naalis ang pagkaway ko hangga't 'di nawawala sa paningin ko yung kanilang sasakyan. Nang mawala na sa paningin ko ay napayuko ako at I take deep sighed. Tumikhim naman si Jacob, "Kailan nyan babalik si Landon?" biglang tanong nya. Umangat muli ang tingin ko sakanya tsaka ko itinaas ang dalawa kong balikat. "Hindi ko lang alam," malungkot kong sabi. "Tara na pasok na tayo?" sabi nya, at hinawakan nya ang kamay ko. Tumango ako at ngumiti at pumasok na kaming muli sa loob ng bahay. Kinabukasan ng madaling araw palang ay ginising na 'ko ni Jacob, upang mag-deliver sa palengke. "Good Morning sleepy head!" Masigla nyang bungad sa 'kin, eksaktong paglabas ko palang ng aking kwarto. "Morning.." Mejo antok kong sabi sakanya pero nakangiti. "Sigurado ka bang gusto mong sumama sa pagde-deliver?" Tanong nya tsaka sya mas lumapit sa akin. Mabilis naman akong tumango. "Oo naman." Tinignan nya 'ko sa mga mata. "Eh kasi mukhang inaantok ka pa, matulog ka nalang kaya? Kaming dalawa nalang ng lolo mo ang magde-deliver," suhestiyon na 'di ko naman sinang-ayunan. Umiling ako. "Di. Ano kaba, kaya ko no, tsaka mawawala din naman ang antok ko mamaya," nakangiti kong sambit. "So, halika na," Aniya sabay hawak ng kamay ko. Napatigil pa 'ko saglit ng ni-squeeze nya ang palad ko, para kasing may kung anong boltaheng kuryente ang dumaloy sa sistema ko. Ngumuso sya ng makita nya ang pagkaka-estatwa ko. Matama nya din akong tinignan. "Bakit?" sabi nya. "Wala," kibit-balikat ko. Mukhang wala din naman sakanya e. Pabayaan ko nalang nga. Kahit napapadalas na ang paghawak nya ng kamay ko at bewang. Siguro kaya ganun lang sya dahil mas nagiging close pa kami. Lumabas kami ng sabay ni Jacob na magkahawak padin ang mga kamay. Nadatnan namin si lolo na chine-check ang mga kahon na lulan ng mga gulay na ide-deliver namin. "Good morning lo!" Bungad ko sakanya. Agad syang napalingon sa 'ming dalawa ni Jacob, bigla ding naghalf-open ang kanyang bibig ng bumaba ang tingin nya sa mga magkahawak na kamay namin ni Jacob. Ilang segundo din syang nakatingin doon, hindi ko naman alam kung anong iniisip nya. Kinagat ko ang labi ko dahil bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Unti-unti kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak ni Jacob. Napatingin sya sa akin ng ginawa ko yun na tila disappointed? At kung titignan mo naman si lolo ngayon parang may mali, parang ayaw nya sa nakita nya because his lips was pressed into a thin line. Sht! Ano bang iniisip ni lolo? Wala lang naman yun ah? Binasag ko ang katahimikan dahil hindi ko na 'to maatim pa. "Lo, may problema ba?" Tanong ko, 'di sya kumibo. Nagpalipat-lipat lang ang titig nya sa aming dalawa ni Jacob, then suddenly he just shook his head. "Wala, wala, tara na. Paniguradong madami ng naghihintay na mga tindera," he said matter-of-factly. Tapos ay una na syang pumasok dun sa sasakyan. Napasinghap ako at nag-angat ng tingin kay Jacob. "Tara na," saad ko. Tumango lamang sya at sabay na kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Sa byahe, panay lang ang kwentuhan namin ni Jacob at si lolo paminsan-minsan ay nahahagip ng mga mata ko na pinagmamasdan nya kaming dalawa ni Jacob. Pag nahuhuli ko nga syang ganun ay automatic na napapatigil ako e. Para kasing may ipinapahiwatig ang mga titig nyang nangungusap. Binabasa nya kami alam ko yun, lalo na't ako. Hindi ko naman alam kung bakit.. Kinakabahan nga ako e. Nang makarating na kami sa palengke ay agad-agad na bumaba si Jacob para tulungan si lolo sa pagbubuhat. Gusto ko namang tumulong ngunit si Jacob ay panay ang pigil. "Magaan lang naman 'to, Anong tingin mo, magkakalas-kalas ang mga buto ko pag nagbuhat ako ng isa sa mga ito?" Sarkastiko kong sabi. "Wag na nga Jasmine. Kaya na namin 'to," matigas nyang sabi na para bang kapag di ko sya sinunod ay patay ako. Kasi may awtoridad dun sa paraan ng kanyang pagkakasabi e. "K. Fine.." masungit kong sabi sakanya. "Ikaw nalang ang maglista sa mga nabebenta, ikaw na ang bahala sa mga paperwork? Alright?" Kumindat sya. Agad na nag-init ang pisngi ko dun sa ginawa nya, kaya nga mas mabilis pa yata sa alas-syete ang pag-looked-away ko. Sht ka Jacob! Ba't ba simpleng pagpapa-cute mo lang ay naghaharumentado ako ng husto? "Oo na po.. Sige na," utas ko sign of defeat. Ngumiti lang sya at pinagpatuloy na ang pagtatrabaho. Nang matapos kaming mag-deliver ay seven fifteen na ng umaga, at lahat sold out kaya masayang-masaya kami. "Uwi na tayo.." Ani lolo bigla. Umiling ako, "Lo, wag muna po!" Kumunot ang noo nya at muli akong hinarapan. "At bakit aber?" "Nandito naman nadin tayo sa palengke, mabuti siguro kung mamalengke na 'ko. Nauubusan na kasi tayo ng mga stocks sa bahay." Ngumiti ako sakanya. "Oo nga pala, sige sige.." saad ni lolo at tsaka nya na 'ko binagyan ng pera. Agad ko naman yung tinanggap. "Mauna na kami ni Jacob sa 'yo?" Patanong na sabi ni lolo. Umiling ako at mabilis kong hinila si Jacob. "Hindi po lo! Magpapasama akong mamalengke sakanya!" Wika ko. Bahagyang ngumiwi si lolo sa akin. Natameme ako. "Bakit lo? Hindi ba pwede?" He took a long sighed. "Wala naman akong sinabing ganun. Sige mauna na 'ko." Utas nya at sumakay na ng sasakyan. Pagkaalis ni lolo ay agad akong binalingan at tinanong ni Jacob about sa mga kinikilos ni lolo. "May napapansin kaba sa lolo mo?" Aniya. Maski sya, pansin nya pala. "Napapansin?" Patanong kong saad. "Hm. Para kasing ayaw nya tayong magkasamang dalawa," malamig nyang sabi. Napayuko ako, ganun nga ang napapansin ko kay lolo e. Pero I know na may malalim syang dahilan kaya lang hindi nya masabi-sabi. "Hayaan nalang natin sya!" Nagkibit-balikat ako, hindi ko na sya hinintay sumagot ay hinila ko na sya. Namili lang kami ni Jacob ng mga gamit sa bahay, ulam at kung ano-ano pa. Ako ang taga bili at sya naman ang taga bit-bit. "Grabe, kaya pala pinaiwan moko dahil gagawin mo lang pala akong tagabit-bit," natatawa nyang sabi habang nililibot namin ang tindahan ng mga iba't-ibang karne dito sa palengke. Natawa din ako ng bahagya. "Diba ayaw mokong pa-pagbuhatin? Kaya eto, pinaninindigan ko na," sabi ko. Humalakhak naman sya pagkatapos ay ngumuso. "Okay, sabi mo e." Panay lamang ang sunod sa akin ni Jacob hanggang sa matapos kaming mamalengke, suddenly habang naglalakad kami ay napangiwi ako ng makita ko na naman ang palaging sumisira ng araw ko sa tuwing pumaparito ako sa palengke. "Bakit ka napatigil jan?" kuryosong untag ni Jacob. Nakita ko kasi ang hinayupak na may crush at patay na patay sa akin, Si Kiel! "Wala. Tara na. Tara na.." Nagkukumahog kong sabi. Dahil ayaw kong makita ako nung Kiel na yun dahil paniguradong babanasin nya lamang ako. Mukhang nawiwirduhan si Jacob sa akin ngayon, alam ko din na binabasa nya 'ko. "Para kang nakakita ng multo, may iniiwasan kaba Jasmine?" usisa nya. 'Di ko sya pansin, mas binilisan ko lang ang paglalakad ko at panay ang dasal sa sarili na hindi ako makita ni Kiel. Subalit sa kinasamaang palad ay nakita nya ko! Gosh! Kill me now! Iniiwasan ko na nga e. Nginitian nya 'ko at kinawayan. Agad akong kinilabutan. Sinundan naman ni Jacob kung san nakabaling ang mga mata ko. At ayun! Nakita nya na din si Kiel na ngayon ay preskong naglalakad papalapit sa amin. "Sino yan?" Tanong ni Jacob kyuryoso. Hindi ko naman masagot dahil naiirita ako. "Hello Jasmine love of my life! Long time no see ah! Kumusta ka na magandang binibini?" Agad na dumaloy sa sistema ko ang pagkabanas. Ganto ang dahilan kay ayaw na ayaw ko sa Kiel na 'to. Dahil masyado syang assuming! feeling! at patay na patay sa akin. "Tseh! Lumayo ka nga sa paningin kong chararat ka!" Masungit kong sabi sakanya. Nagpa-cute sya at nagkamot. Kala nya naman yata may epekto sa 'kin ang mga paganun-ganun nya ah. "Eto naman, ang sungit-sungit, kinakamusta lang naman kita e! Ang aga-aga wag kangang magsungit." See.. Kung makapagsalita akala mo naman ay close kami. "Naku, Kiel, wala akong panahon sa 'yo! Alis na nga tayo Jacob!" Hinawakan ko na ang palapulsuhan ni Jacob. Aamba palang sana kaming lagpasan namin si Kiel ngunit bigla nya na lang kaming hinarangan. "HEP!" Aniya. I scowled at him. "ANO!" Iritado kong sinabi. Nginuso nya bigla si Jacob. "Sino sya love?" sabi ng gunggong. "Wala kana dun!" saad ko at muli na namin syang nilagpasan. Kakairita talaga. Nakakawala ng mood ang Kiel na 'to. "Teka lang! Sino ba sya Jasmine? Pinagpalit muna ba 'ko huh?" Tumitindig talaga ang balahibo ko sa mga sinasabi nya. Tas hinawakan nya pa ang kamay ko na mabilis namang kinalas ni Jacob. "Pwede ba!" Galit na sabi ni Jacob habang pinandidilatan ng mata si Kiel. Napalunok si Kiel. "Sino kaba huh?" Umangas ang tono nya. Kaya mas lalong uminit ang ulo ko. "Wala kang pake Kiel! Wag kangang umasta na akala mo ay tayo!" Inis kong sabi. "Pabayaan mo na sya Jacob. Nagpapansin lang yan, tara na!" Bulong ko kay Jacob at pinalupot ko na ang kamay ko sa braso nya. Linagpasan na namin ng tuluyan si Kiel, wala na syang nagawa. Mabuti nga at tinantanan na nya 'ko! Pero si Jacob, naka kuyom padin ang bagang at panay din ang lingon nya sa kay Kiel. "Sino ba yun huh Jasmine?" Sabi nya. "Si Kiel yun. Ang numero unang nang-iinis sa akin," paliwanag ko. "Ano mo sya?" Tanong nya. "Wala! Yung lalaking yun, may gusto sa akin noon pa man! Pero ako, imbyernang-imbyerna ako sakanya." Sino ba namang hindi maiinis dun sa lalaking 'yun hindi ba? Eh sya nga mukhang nainis din. "So magkakilala talaga kayo dati pa?" Untag nya. Tumango ako. "Oo, schoolmate ko sya nung high school! At tsaka wag na nating pag-usapan yung chararat na jejemon na 'yun!" sabi ko. Bumuntong hininga sya ng malalim sabay tango. "Mabuti pa nga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD