Chapter 07 - Masasaktan Ka Lang Pagsapit ng hapon, dahil sa wala namang magawa yinaya ko nalang si Jacob na mamasyal dito sa Paradise Villa. Sa katunayan kung saan-saan ko na sya nadala e, pero eto kami ngayon papunta dun sa malaking rock formation dun sa isang bulubundukin. Tahimik lang kami habang paakyat don. Pinapasadahan ko ng tingin ang paligid, napapangiti ako dahil ang ganda. Hindi talaga ako nagsasawa sa view dito kahit na palagi ko naman silang nakikita. I can see the tall grass in the meadow is turning gold, bakas na summer na summer na. But there are still few yellow wildflowers dotted among the grass. It's really a beautiful day. The sun is shining brightly. "This is such a tranquil beautiful place." Biglang bulong ni Jacob nang makarating na kami doon sa may malaking roc

