Chapter 15 - Couple Ring Madaming buwan ang nagdaan at nanatiling matatag ang relasyon naming dalawa ni Jacob. Siyam na buwan mahigit na kaming magkarelasyon. Madami nadin nangyari sa mga buwan na lumipas na 'yon. Minsan nag-aaway kami, ngunit mabilis din kaming nagka-kaayos. Pero ganun naman talaga hindi ba? Darating sa point na mayroong hindi pagkakaintindihan minsan. Patungkol naman sa pagsuffer nya sa amnesia, hindi parin sya gumagaling. Ewan ko, parang nagbibigay ng pampaluwag nang hinga sa akin ang hindi nya pa pag-galing, siguro dulot nadin yun ng takot ko na iwanan nya ako sa oras na bumalik na ang ala-ala nya. Pero kapag sumasagi 'yon sa isip ko, ipinagbabawalang bahala ko nalang. Ayoko nang magpa-stress ng dahil lang don. Basta nagtitiwala lang ako na hindi nya ako makakalimu

