Chapter 44 Pauwi na sana kami ni Jasmine pero bigla nalang syang nag-insist nang mapadaan kami sa falls dito. "Dito muna tayo," Aniya at kumalas sa pagkakahawak ko sa kanyang kamay. Naglakad sya papalayo kaya agad ko naman syang sinundan. "Hey!" Tawag ko subalit hindi nya ako pinansin. Kung titignan mo sya ngayon parang gusto nyang maligo dito e. Nang sa wakas ay malipatan ko na sya, pinalupot ko ang kamay ko sa kanyang bewang. "Tignan mo may mga turista oh!" Tinuro nya yung mga grupo ng mga tao na masarap na nagtatawanan sa hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Mukha syang tuwang-tuwa, pinagdikit nya pa ang kanyang dalawang palad na tila ba nagdadasal. "Parang nagsisimula ng dayuan ng mga turista itong Paradise Villa ha!" Tuwang-tuwang sabi nya. Hindi malayong sooner ay madi-discov

