Chapter 24 - Pain, Hurt and Anger Napakahirap tanggapin ng sakit lalo na kapag galing ito sa taong mahal mo. Hindi ko matanggap na hindi na ako kilala ni Jacob. He forgot about me! He forgot the memories that we shared! Hindi ko na maipaliwanag ang pighati kong nararamdaman. Pakiramdam ko sa sobrang sakit ng puso ko ngayon ay anytime ay mahihirapan na akong huminga. Walang humpay sa pag-agos ang luha ko at nanatiling nakatayo dito sa parking lot. Hindi ko magawang makaalis dahil wala akong sapat na lakas upang maglakad. Napaupo ako habang nakatampal ang aking dalawang palad sa aking mukha habang patuloy sa paghagulgol, natigilan lang ako ng maramdaman kong may humawak sa aking balikat. Tumingala ako para kilalanin sya at laking gulat ko ng si Sir Russel ito. Agad akong napatayo at pi

