Chapter 21 "Bakit ka naman nag-resign dun sa pinagtatrabauhan mo dati?" Tanong ko kay Tiffany, habang magkasama kaming nag ge-get together ngayon dito sa isang napakasosyal na club dito sa Maynila. Na unang beses ko palang napuntahan. Ni-suggest nya kasi kanina na ipapasyal nya daw ako para makapaglibot-libot nadin. Pumayag nadin naman ako kasi gusto ko rin namang libangin ang aking sarili habang wala pa akong trabaho. Last stop nga namin ang club na 'to. Kasi halos maghapon kaming naglilibot. Ngumuso sya at nagkamot. "Ano kasi, mas gusto ko yung kompanyang linipatan ko ngayon pinsan, college pa lamang ako pangarap ko ng makapagtrabaho doon.. Kaya ngayong nagkaroon ng chance nag-apply ako, hindi naman ako nabigo." Ngumiti sya. Batid ko sa ekspresyon nya na masaya talaga sya. Sabagay mas

