Chapter 19 - Drifted Apart Jasmine's POV Isang araw na ang nakalipas simula nang hindi na nagpakita pa muli si Jacob. Dahilan yun upang maging biyernes santo ang aking mukha at guho ang mundo ko. Andami nading bumabagabag sa akin, ano kaya talagang nangyari bakit hindi na sya bumalik? Kusang tumulo ang luha ko nang sumagi sa utak ko ang pinakatatakutan kong mangyari, hindi kaya bumalik na ang orihinal na memorya ni Jacob, at bumalik na sya sa pamilya nya? Pinunasan ko ang mukha ko at pilit na isipin na hindi ako magagawang iwan ni Jacob. Lalabas palang sana ako ng aking kwarto, pero natigilan ako bigla nang makita kong pumasok si lolo na alala ang ekspresyon. Sinarado nya ng marahan ang pintuan ng aking kwarto tsaka nya ako dinaluan. Tumabi sya sa 'kin at tumikhim. "Maliit lang it

