NAKATINGIN lang si Sabrina sa laptop niya nang hapon na iyon. Hindi siya makapagtrabaho ng maayos. Kerkie dictating her life right now but she can't do anything about that. Bigla ay nagbago ito at alam niyang kasalanan niya iyon.
"We are all going to live in my house in Alabang. After ako makilala ng mga bata uuwe na kayo sa'kin. I also want you to resign, Sab. Ayoko na nagtatrabaho ka pa samantalang kaya ko naman kayo buhayin."
Nag-angat ng tingin si Sabrina sa narinig. He is asking her to resign? Bakit pati iyon?
Malamig na tumingin ito sa kanya. Habang tumatagal ay pabigat ng pabigat ang dibdib niya. She worked hard on that position. Pati ba naman...
"You can't say no, you know that. File an immediate resignation, Sabrina. I don't want to repeat myself."
With that, he left her there. Gustong-gusto niya magsalita pero parang wala siyang karapatan.
Magi-isang taon pa lang siya sa posisyon niya. She love her worked and the people around her there. Pero pati iyon ay gusto nito kunin.
Umuwe muna siya bago pumasok sa opisina. Sobrang nag-alala pa naman siya kay Nathan but his brother handle it already. Napailing na lang ang kuya Aldrin niya nang malaman na kasama niya si Kerkie. Wala siyang sasabihin na kahit ano. Hindi na nito kailangan malaman ang nangyari. Ang mga gusto nito at ang mga pagbabago na magaganap sa buhay niya.
Napabuntong-hininga na lang siya at tinitigan ang resignation na pinasa niya. She already talk to the owner of the company. Nagulat ito pero ginalang ang desisyon niya. Ang pamangkin nito ang magte-take over ng posisyon niya simula next week. Alam naman na nito ang pasikot-sikot sa kompanya. Ito ang manager niya sa operation.
She sighed again. Masakit lang sa kanya dahil kailangan niya gawin iyon dahil gusto ni Kerkie. Isa pa, baka kung nagmatigas ito ay kung ano ang gawin nito. Ayaw niya pagsisihan iyon. Sana lang talaga ay tama ang desisyon niya.
She texted him. Til next week, Kerkie. I need to turn over everything before I go.
Nag-vibrate ang phone niya. Good. See you later I'll pick you up. Ipakilala mo na ko sa mga anak ko.
She just sighed heavily.
***
WALANG imikan sina Sabrina at Kerkie sa sasakyan. Sinundo siya ni Kerkie sa opisina niya tulad ng sabi nito. Nakatingin lang siya sa labas the whole time. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin o kung meron nga ba.
"We will buy toys for them." Basag nito sa katahimikan. "I asked my secretary to deliver their favorite foods too. Tell me, if I miss something."
Nilingon niya ito. Ni mukhang niya siya tinapunan ng tingin nito.
"Just don't spoil them too much, Kerk. Ayokong lumaki ang mga bata na maluho." Malumanay na sabi niya.
Saglit na tumingin ito sa kanya. He smirked. "I'm not going to spoil them. Ibibigay ko lang yong mga pinagdamot mo sa akin."
Nanuot ang lalamunan niya. Ito na naman sila. Nag-iwas siya nang tingin at hindi na ito inimik. Hindi nagtagal ay huminto sila sa mall. Hindi na siya nagsalita nang halos hakutin nito ang lahat ng brats doll at kung ano-anong remote control na sasakyan.
Mabilis na umuwe din sila. Hindi pa man siya nakakababa sa sasakyan ay nakita na niya ang nakaparada sa labas nila. Natigilan siya nang makita ang mascot ni Jollibee. Masayang-masaya naman ang mga anak niya. Lalo na nang makita ang baby girl niya. May sauce pa ng spaghetti sa labi nito.
Nagitla siya nang maramdaman na may pumisil sa baywang niya. Nilingon niya si Kerkie na sobrang lapit na pala ng mukha sa kanya.
"Bakit may mascot?"
"Nalena loves Jollibee, right." Masuyong sabi nito.
She was dumbfounded. Did he smile to her? Pinisil muli nito ang baywang niya.
"The kids are waiting, let's go?"
Sabay na pumasok sila sa loob. Mabilis naman siyang nakita ng mga bata. Nagmamadali ang dalawa na sugudin siya ng yakap. Natawa siya nang makita ang excitement sa mukha ng kambal.
"Mommy, Jollibee is here. Sinubuan pa niya ko ng pagetti."
Nalena referring to spaghetti. Medyo bulol pa ang mga ito.
Hinanap ng mga mata niya si Nathan. Natigilan siya nang makita na nakatitig ito kay Kerkie. Lahat ng makakakita sa dalawa ay makikita agad ang resemblance. Ang nakuha lang yata ni Nathan sa kanya ay ang ilong at kulay ng mga mata niya. Pero lahat ay kay Kerkie na.
Pumantay ito at ngumiti sa anak nila. Kerkie broke the silence between the two. "Hi." He beamed.
Unti-unti ay gumuhit ang ngiti sa labi ng baby boy niya. He got that smile from Kerkie.
"Hello po! I know you. 'Kaw 'yong friend ni Dede Din."
Iyon ang tawag nito sa kuya Aldrin niya.
Binuhat niya si Nalena at lumapit sa mga ito. Kerkie stare is asking for help. Binaba niya si Nalena at hinarap si Nathan sa kanya. They are just kids. Dapat nga malaman ng nga ito ang tungkol sa ama.
"'Di ba... " she cleared her throat. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. "Sabi ko... Daddy was just far away. Babalik rin siya kapag... " she is crying, hindi na niya mapigilan. "Kapag always kayo na good girl and good boy. You always did. You make mommy so proud."
Nilingon niya si Kerkie na titig na titig sa kanya. "He is too,"
Bumalik ang tingin niya sa dalawa. Bakas ang pagtataka sa magagandang mukha ng mga ito. "Are you saying Daddy will come back na?" Nalena said.
Tumango siya. Nilingon ni Nalena si Kerkie. Bigla ay ngumawa ito ng iyak. Sumunod si Nathan kalaunan. Alam niya na gets na ng anak niyang babae. Between the two, Nalena is the smartest and observant. Madalas ay tahimik lang talaga ito hindi tulad ng kapatid.
"Daddy..." She cried.
Nagyuko siya ng ulo nang makita niya na may tumulo na luha sa mata ni Kerkie. He was overwhelm.
"Daddy... " Nathan cried and hugged Kerkie.
Nalena keep on calling him Daddy. Siya na mismo ang nagtulak sa anak saka lang nito niyakap si Kerkie.
Inaalo ni Kerkie ang dalawa na huwag ng umiyak. Tumingin ito sa kanya at mouthed "thank you". Tumango siya at iniwan ang mga ito. She need to stay away muna. Nasasaktan siya dahil kung hindi sana niya itinago ang dalawa kay Kerkie. Hindi ganoon na ngayon lang nakilala ng mga ito ang lalaki. Hindi niya namalayan na sumunod pala ang Daddy niya sa kanya.
"Sabrina, you did it right, anak. I'm proud of you too."
Sinugod din niya ng yakap ang ama. She did it right like he said. Kahit ano ang mangyare, itatama niya ang lahat ng ito.
***
"SO sasama kayo sa kanya?" Tumingin ang kuya Aldrin niya sa kanya. "It's so sudden decision, Sab. Maninibago ang mga bata."
Nakikipaglaro si Kerkie sa dalawa. Naririnig niya hanggang sa puwesto niya ang hagikgikan ng mga bata. They are happy with Kerkie.
Mataman na tumingin ang kuya Alden niya. "He hurted you, bunso. Kung hindi nga lang ako nandoon baka kung ano na ang ginawa sa'yo ng lalaki na 'yan."
She sighed. "Kasalanan ko naman kasi mga kuya. Hindi niya alam ang existence ng dalawa kahit sino mabibigla ng ganoon."
Napailing na lang ang kuya Alden niya. "Hindi ko gusto ang ideya mo na ito. Mas mabuti kung dito na lang kayo sa bahay."
"We need to go." Pinal na sabi niya. May usapan sila ni Kerkie, his rules. Susunod siya.
Napabuntong-hininga ang kuya Aldrin niya. Akmang magpo-protesta ang isang kuya niya ng tapikin nito. "Hayaan muna. Desisyon niya 'yan. Anak nila ang mga bata."
She smiled to kuya Aldrin. Sa tingin niya ay naiintindihan siya ng kapatid. Sa papa na lang niya siya magpapaalam. Alam niyang igagalang din nito ang desisyon niya.
Iniwan niya ang mga ito. Pinuntahan niya ang puwesto nila Kerkie. Hagikgik ng hagikgik ang baby girl niya samantalang busy sa paglalaro ang isa. May umantig sa puso niya sa eksena na iyon.
"Mommy, are you crying?" Mabilis na nagpunas siya ng pisngi. Hindi niya namalayan na umiiyak siyang nakatitig sa mga ito.
Lumapit si Nathan at niyakap siya sa baywang. "Don't cry na mommy. Andito ako protect kita. "
Hinaplos niya ang ulo nito. "I know. I know sweetheart."
Lumapit na rin si Nalena. "May away ba sa'yo, mommy? Isusumbong ko kay daddy."
Umiling siya at hinalikan parehas ang tuktok nang ulo ng mga ito.
"Play na ulit kayo."
Sabay na bumalik ito sa mga laruan. Tumayo si Kerkie at nagpaalam sila sa mga bata. Nang malayo na sila sa lahat ay humarap ito sa kanya. He was cold as ice again. Napabuntong-hininga na lang siya.
"Is everything okay?"
Tumango siya.
"Inaayos ko na ang lahat then we will move in tomorrow."
Hindi na siya nabigla. Wala pa nga atang isang linggo pero ang dami nang nabago sa buhay niya.
"Kerk, ayokong maramdaman ng mga bata iyong galit mo sa akin. We can civil to each other kapag nandiyan sila." Paalala niya.
"I'll never do something na masasaktan sila." Sabi na lang nito. Hindi na ito tumingin sa kanya. Mas gusto siguro nito titigan ang pond sa harap nila kaysa tignan siya.
Tumango-tango siya.
"I blew it away, right?" Hindi niya napigilan itanong. Nilingon niya ito. Gusto niya makita ang reaksyon nito pero wala. "You want to give it a chance... You want us to give it a chance but I blew it away. Ulit. Nasaktan na naman kita."
No reaction, dapat masanay na yata siya. "But I love you still, Kerk. I love you before and I still love you now. Alam kong walang kapatawan ang ginawa ko. Galit na galit ka, I get it. You wanted me to suffer. You wanted me to feel the pain. I'm hurting too, Kerkie. Sana huwag mo naman ako masyado saktan baka hindi ko kayanin."
She silently cried. "Sana patawarin mo ko."
"Are you done?" Malamig na tanong nito.
May tumakas na hikbi sa lalamunan niya. Ang sakit-sakit lang. It was all her fault. Lahat-lahat...
"Kerkie..."
Tumingin ito sa kanya. Wala pa rin emosyon ang mukha nito. "Oo, Sabrina. Gusto ko ibalik iyong dati. Gusto ko ayusin iyong meron tayo but after..." Pain spark on his eyes. "Five years? How could you do that? Sagad ba talaga hanggang langit ang galit mo sa'kin? You blamed me for a sin that I don't commit. Is that fair?"
"Kerkie..." Lalo siyang namuhi sa sarili.
"All I want are the kids, Sabrina. Pero kailangan ka nila kaya nandito tayo." Tumalikod na ito. "I want you in my bed too. Just in my bed, Sabrina. Sa kama lang..."
He left her with a shattered heart. Is this the price of every bad decision she made?